"Sweetheart, you're early." Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makitang nakahalukipkip si Raven sa lobby habang matamang nakatingin sakin. Pinigilan ko ang sarili kong lumingon sa likod para kumpirmahin kung ako ba talaga ang tinawag niya. Nakita ko ang gulat na ekspresyon ng receptionist at mga guard ng lumapit sakin si Raven at gawaran ako ng halik sa pisngi. Ang lakas ng t***k ng puso ko na halos mabingi na ako. "G-goodmorning, Sir." Nauutal kong sabi sa kanya para panatilihin ang pormalidad. Nagtaas sya ng kilay sa akin bago ako hinapit sa bewang. Yumuko siya sa may tenga ko. "You can drop the Sir, married remember?" Maloko niyang sabi bago itinaas ang kamay. Nakita kong suot niya ang wedding ring namin. Bumaba ang mata niya sa kamay ko para sipatin ito. "Where's your ring?" May him

