Isiniksik ni Amanda ang ulo niya sa gilid ng leeg ko, parang gustong matunaw ng puso ko dahil sa ginawa niya. Mahigit tatlong araw ko na siyang itinatago sa poder ko. I hired a housekeeper and a yaya for my little Mandy. Ilang gabi na siyang iyak ng iyak at ipinaghehele ko siya hanggang sa makatulog siya. I wasn't prepared to have a daughter but now that she's here, I'm gonna try my best to be a good father. May kumatok sa pinto at agad na pumunta doon ang katulong. Nakatingin lang ako kay Mandy na ang amo ng mukha. She got my eyes, I can tell. Tuwing titignan ko siya ay sumisikdo ang puso ko. "S-sir, si Mam Arianna po—" Hindi na natapos ng katulong ang sasabihin niya dahil bumungad na sa akin ang kapatid ko. Kaagad kong ipinasa si Amanda sa yaya niya at pinadala ko sa kuwarto. "Ia, h

