KABANATA 32 “Sige aamin na ako, nakonsensya naman ako na umiiyak ka rito pero dinala pa rin kita.” Nakangusong sabi ni Aaron habang pinaparking ang sasakyan sa harap mismo ng malaking bahay nila. Nagtatakang nilingon ko siya. “Oh, ba’t naman tayo nasa bahay niyo?” Naalala kong bahay nila ‘to kasi minsan niya na ‘kong dinala rito kasama ang mga kaklase namin noon sa college, naalala ko pang pinagmamalaki niyang dito niya pinapapunta lahat ng lalaki niya kapag wala ang parents niya. “Kasi ano, naiintindihan ko naman na may pinagluluksaan ka sa buhay ngayon and everything... kaso friend, pwede mamaya na tayo magluksa and every charot in your life?” biglang bait ang tono at ngiti na aniya kaya pinanliitan ko siya ng mga mata. “Ano na naman ba, Aaron? Kakakita pa lang natin ulit ngayon.”

