KABANATA 31 IPINATONG ko ang aking mga siko sa ibabaw ng mesa ko saka stressed na sinapo ang aking ulo. Buong gabi akong hindi pinatulog ng huling pag uusap namin ni Kael. May mga pagkakataong hinahanap ko ang presensya niya at ang pakiramdam na maging komportable dahil siya ang kasama ko pero kalaunan ay natatakot din ako sa mga pwedeng mangyari kung puso lang ang pagaganahin ko. Our set up revolves around lust and pleasure, filling his lustful needs and fantasies. Doon naman nag-umpisa ang lahat at hindi malinaw kung hanggang kailan lang. Matapos kaming mag usap patungkol sa misteryosong sinabi niyang kailangan ko malaman ay nagpasya na ‘kong umuwi last night. Lasing na ang lahat sa kanila no’n at tanging si Theo at Kael na lang yata ang nakita kong matino pa ang ginagawa. Sikretong

