KABANATA 28 NAGBABA ng titig si Kael sa aking labi at mula sa kaniyang mga mapupungay at pagod na mga mata ay nakilala ko ang pagnanasang emosyon doon. Unti-unti niyang inilapit ang kaniyang mukha sa ‘kin kaya naman inihawak ko ang aking mga kamay sa kaniyang dibdib upang iharang sa pagitan namin. “May sakit ka, dapat nagpapahinga ka! B-Baka mahawaan mo pa ‘ko ng lagnat,” palusot ko sa kaniya. Naisipan ko ring itakip sa labi ko ang mga palad ko dahil halos hindi matanggal doon ang kaniyang tingin. Nag-angat ito ng kilay saka mahinang natawa. “Fever is not a communicable disease, Zarina,” aniya saka pinilit na alisin ang mga kamay ko roon pero nangingiting hindi ako nagpatinag. “May sakit ka na’t lahat gusto mo pang humalik. Kumain ka na lang ng hapunan mo,” impit na sermon ko sa kan

