KABANATA 27 MALAKAS na inihampas ni Meira ang palad sa ibabaw ng mesa niya saka OA na tumayo para sumimangot sa ‘kin. “Ano ba ‘yang boyfriend mo tingin ba niyan sa ‘yo kayang punan ng pera niya lahat ng pagkukulang niya sa relasyon n‘yo! Ang tanga niya kamo!” Diretso ang linya ng aking labi habang kinukuha ang mga folder mula sa kaniyang mesa. “Pinigilan ko si Charles kahapon kaso ayaw niya namang makinig. Hinayaan ko na lang.” Mahinang sabi ko. Nang matapos ang mga trabaho ko sa office ko at sa Event Hall ay agad na nagpunta ako kay Meira para ikuwento ang lahat ng bagay na nagpapabigat ng dibdib ko sa ngayon. Hinihintay ko lang din na matapos ang meeting ni Sir Ariel saka ako personal na magpapaalam na ngayon ang punta ko sa beach resort ng Valencia Highlands para sa proyekto ng Fer

