KABANATA 26 Nanahimik na lang ako sa buong meeting na nangyari sa opisina ni Charles, si Kael ang madalas niyang kausap maging ang sekretarya niyang nag-ayos na ngayon ng sarili. Hindi ko alam kung bakit hindi ako pinapatahimik noong eksenang naabutan ko sa kanila kanina, pakiramdam ko talaga ay may mali roon na hindi ko mawari kung ano. “These events are all about anniversaries, as a token of gratitude to all its loyal employees and loyal investors we’ll throw a grand event for that special day, exposure na rin ‘yon para sa success rate na nangyayari sa bawat kumpanyang hawak ng Ferrer Holdings,” seryosong sambit ni Charles habang ipinakikita sa amin ang listahan ng mga kumpanyang tinutukoy niya. Nang matapos ang pag-uusap ay nanatili pa rin akong tahimik, hindi ko na maiwasang pagma

