KABANATA 25 NANG makarating sa La Satina Hotel ay agad na tinapos ko ang mga kailangang gawin sa opisina, halos matawa pa ako sa sarili ko dahil pinagsasabay ko ang pagpunas ng luha mula sa pag-iyak habang nagtatrabaho. Halos minu-minuto rin akong tumatawag sa bahay para kumustahin ang lagay ni Nicole. Kanina pa ako napapaisip sa kalagayan niya. Ipinilig ko na lang ang ulo ko saka tumayo mula sa swivel chair, lumapit ako sa corner table kung sa’n nakapatong ang printer para i-print ang mga papers na ipapasa ko mamaya-maya lang sa assistant kong si Dahlia. Nahinto ang tingin ko sa picture frame na nakapatong sa tabi ng printer, it was me, Popoy, Nicole and mama, masaya pa kami no’n kahit papaanong nalululong na sa sugal si mama. Ang katuwiran niya gusto niyang yumaman at bumawi o guman

