KABANATA 23 “KAEL, may trabaho pa ‘ko! Hanggang mamayang gabi pa ‘yung mga event!” Giit ko sa lalaking hindi na nagpaawat sa paghila sa ‘kin patungo rito sa loob ng kotse niya. “Pwede mo naman daw ipasa ang mga ‘yon sa assistant mo, si Ariel ang nagsabi,” kibit-balikat niyang sagot habang nakahawak sa manibela. Napaawang tuloy ang bibig ko, hindi ako makapaniwala sa lalaking ‘to napaka-unpredictable palagi ng mga ginagawa. “You’re working too hard for this hotel, ayaw mo bang lumiban man lang kahit isang araw?” Sinunod niyang ikinabit ang seat belt ko kaya naman bahagyang natigilan ako nang maging malapit ang kaniyang mukha sa ‘kin. Agad kong naamoy ang pabangong palagi niyang gamit, nakita kong sumilay ang ngisi sa isang sulok ng kaniyang labi. “Breathe, Zarina. Ikinakabit ko lang ang

