LESSON 24 “Punishment” NAGISING si Paris na wala nang cellphone sa kanyang bibig. Bahagya na lang ang panlalabo ng kanyang paningin ngunit nanghihina pa rin siya. Nakahandusay pa rin siya sa rooftop at nasa harapan niya pa rin ang taong iyon. Nakangisi sa kanya na para bang hinihintay talaga siya nitong magising. “Mabuti naman at nagising ka na. Kanina ko pa hinihintay na magising ka, alam mo ba iyon? Akala ko talaga namatay ka na, e!” Mahinang itong tumawa. Magsasalita sana siya pero hindi niya nagawa dahil sa may nakalagay sa kanyang bibig. Kinapa niya iyon at doon niya nalaman na may mga nakasingit na blade sa pagitan ng kanyang mga ngipin! Kaya pala mahapdi ang loob ng bibig niya ay dahil doon. Bigla siyang sinampal nito ng napakalakas. Halos tumabingi ang kanyang mukha. Nahiwa ng

