LESSON 02

2226 Words
LESSON 02 “Five Queens” AFTER ng dalawang subject ay tumunog na ang buzzer ng school. Hudyat ng break time. Naglabasan na ang mga kaklase ni Angela habang siya ay naiwan mag-isa dahil inaayos pa niya ang kanyang gamit. Isinukbit na niya ang bag sa kanyang balikat at paglabas niya ay nakita niya si Chelsea sa may gilid ng pintuan. “Sabay na tayong kumain sa canteen,” yaya nito sa kanya. “Sige,” pagpayag niya. Tutal parang ito lang naman ang may gustong makipagkaibigan sa kanya. Burger at softdrinks ang in-order nilang dalawa. Nang makakita sila ng bakanteng table ay doon na sila kumain. Habang kumakain ay nakita ni Angela sa table na nasa gitna ang limang babae na kinaiinisan niya. “Oo nga pala, bakit parang takot na takot kayo sa mga iyon? Porket sila ang mag-ari ng school, nagre-reyna-reynahan sila dito?” Inginuso niya ang lima na sinundan naman ni Chelsea. Inusog ni Chelsea ang upuan nito para mas lumapit sa kanya. Luminga-linga pa ito na para bang sinisuguro nitong walang makakarinig sa kung anuman ang sasabihin nito. “Dahil sila talaga ang reyna dito sa Trinity, Angela. Ang tawag sa kanila ay Queens! Except kay Charlotte, ang family ng apat pa ang may-ari nitong school. Si Charlotte ang naging parang leader nila dahil kahit hindi isa sa mag-ari ng school ang family niya ay ubod ito ng yaman. Kilala mo naman siguro ang mga Alcantara, 'di ba?” Parang binuhusan ng malamig na tubig si Angela sa sinabi ni Chelsea. Napainom tuloy siya sa softdrinks niya. “Namumutla ka. Are you okay?” “I’m o-okay. Ano lang… M-mayaman nga ang mga Alcantara…” “'Di ba? Kaya ka siguro namumutla dahil sa takot, 'no? Hindi mo dapat sila kinakalaban, Angela. Kaya ilag ang lahat sa kanilang lima. Lahat kasi ng gawin nilang lima ay walang nakakapigil. Masyado nilang inaabuso ang pagiging mayaman nila. Now, ipapakilala ko sila sa iyo isa-isa…” “Okay. Sige…” sagot ni Angela. “Iyong babaeng kulay brown nag buhok na palaging red ang lipstick ay si Charlotte Alcantara. Ang leader ng Queens. She’s the evil queen! The Queen b***h! That girl naman with short hair na hanggang batok is Morgan Elizalde, siya ang right hand ni Charlotte. Sa lima, sila ang bestfriends. 'Yong cute chubby-faced girl naman is Sasha Ynarez. She’s all beauty lang but no brain. In short, tatanga-tanga.” Humagikhik pa si Chelsea. “Iyong petite naman ang medyo curly-curly ang hair ay si Paris Lane. Next to Charlotte, siya ang kasunod na mayaman. Sobrang materialistic. Look at her jewelries-- parang ang bigat-bigat, 'di ba? Ang lastly, the serious one is Kelly Go. Wala akong masyadong alam sa kanya. Palagi siyang tahimik pero parang siya ang pinaka mabait sa kanilang lima.” Mukhang tama si Chelsea na si Kelly ang pinaka mabait sa lima dahil ito 'yong nagsabi na baka siya iyong newcomer kaya hindi niya kilala sina Charlotte. “So, reyna talaga sila dito dahil sa estado ng buhay nila? Ganoon lang iyon?” “Yes. Ganoon naman talaga ang reality. Kapag mayaman ka, you also have the power! Kaya ikaw, umiwas ka sa kanila kung ayaw mo ng gulo. Hindi mo sila kaya, Angela. I am telling you.” Palihim na sinulyapan ni Angela ang lima lalo na si Charlotte. -----***----- “HEY! You!” Pinigilan ni Charlotte ang akmang pagsubo ni Kelly sa spaghetti nito. Nang tumingin sa kanya ang kaibigan ay dinuro niya ito. Hawak niya pa rin ang kamay nitong may hawak na tinidor. Nasa canteen sila at kumakain. “Hindi ko gusto ang ginawa mong pagtatanggol sa newbie na iyon, ha!” “Charlotte, I’m just stated the fact. Newcomer siya kaya hindi niya tayo kilala,” sagot ni Kelly. “Calm down, Char… Hindi ka pa ba nasanay diyan kay Kelly? Santa-santita iyan. The angel in our group!” singit ni Morgan sabay tirik ng mata. “Oo nga pala, saan tayo after school?” “Sa favorite coffe shop natin. Gusto kong mag-unwind para maalis ang panggigigil ko dito kay Kelly at do’n sa ugly newbie!” Pagkainom ni Charlotte sa kanyang iced tea ay nahuli niyang nakatingin sa kanya iyong newbie na sa pagkakadinig niya ay Angela ang pangalan. Tinaasan niya ito ng kilay at binigyan ito ng “what are you looking at” look! Bigla itong nag-iwas ng tingin sa kanya at nagkunwaring kausap ang kaklase nila na si Chelsea. -----***----- SIX O’CLOCK na ng hapon. Uwian na. Agad na dumiretso ang grupo ni Charlotte sa favorite coffee shop nila after nilang magpalit ng damit sa locker room. Hawak ni Chralotte ang bagong model ng iPhone habang nasa coffee shop silang magkakaibigan. Paunti-unti siyang umiinom ng kape habang nakatingin sa kanyang phone. Nag-uusap-usap ang apat habang siya ay walang gana na makisali sa mga ito. Nag-selfie siya at agad na in-upload iyon sa kanyang ** account. In just five second ay meron na agad iyong hundred likes. Hindi na niya kailangang mag-make up, magsuklay o magsalamin dahil always ready ang kagandahan niya. She’s a natural 5’9 feet tall mestiza beauty. Slim and sexy. Pwedeng-pwede na niyang angkinin ang korona sa lahat ng beauty pageant sa buong mundo dahil she’s beauty with brain. Plus factor pa ang pagiging rich kid niya. Three tables away, kanina pa napapansin ni Charlotte ang isang gwapong lalaki na tingin nang tingin sa kanya. Nahuli pa nga niyang kumikindat ito sa kanya. Well, he can’t blame that boy kung mabighani man ito sa kanya. Maganda siya, malibog ito. That’s normal. “Charlotte, mukhang type ka no’ng cute guy doon, o!” Kinikilig na pasimpleng itinuro pa ni Sasha iyong lalaki. “The hell I care. I’m used to it!” Mataray na turan niya. Actually, kahit gwapo ang lalaking iyon ay hindi niya ito type. He don’t need a man. Wala pa sa plano niya ang makipag-nobyo dahil hindi pa siya nakakakita ng lalaking mas malakas ang personality sa kanya or iyong lalaki na mahe-head-over-heels siya. Oh my! Hindi na siya nakapagpigil! Bulong ni Charlotte nang tumayo na nga ang lalaki at lumapit sa kanya. Inilapag niya ang kanyang phone at hinawakan ang kape. Nagbulungan ang mga kaibigan niya na para bang tinutukso siya. Pinanlakihan niya ng mata ang apat. “Hi! I am Greg. And you are?” Inilahad ng lalaki ang kamay nito. Tinignan lang niya ang kamay with her raised eyebrows. Kinuha niya ang kanyang phone. “I can’t shake hands with you. My two hands are occupied! See? Bulag ka ba o sadyang tanga?” aniya sabay higop ulit sa kape. “Oh! Sorry,” ani ng lalaki sabay bawi ng kamay. “Can I ask you a question?” “Okay. What is it? Pakibilisan lang.” “Are you single?” “Yes.” “No way! You’re too gorgeous to be single!” “And you’re too ugly to be flirting with me…” Mahinahon siyang ngumiti sa lalaki. Natameme ito at parang pinagbagsakan ng langit at lupa na bumalik sa table nito kanina. Maarteng itinirik ni Charlotte ang kanyang mga mata. Sanay na siya sa mga ganoong eksena, kung paano barahin ang mga lalaking ayaw naman niya na gusto lang makipaglandian sa kanya. Mataas ang standards niya when it comes to boys kaya naman iisang lalaki pa lang ang bumihag sa kanyang puso... “Charlotte! Anong ginawa mo? Bakit mo naman pinaalis iyong guy na iyon. Ang cute kaya!” himutok ni Sasha. “b***h! Kung gusto mo iyo na lang!” pakli niya. Sumimangot si Sasha. “Pero hindi ako ang type niya, e!” Parang bata na ngumuso pa ito. “O, tama na iyan. Basta, eight, uuwi na ako, ha…” ani Kelly. “Sabay na ako sa iyo!” sambit ni Paris. Hindi na alam ni Charlotte kung gaano na sila katagal na magkakaibigang lima. Basta ang natatandaan niya, grade school pa lang ay magkakasama na sila. Nang tumuntong ng high school ay doon pa mas lalong tumibay ang kanilang samahan. Doon na rin sila naghasik ng lagim sa pambu-bully sa lahat ng taong kumakalaban sa kanila o sa mga taong trip lang nila. Wala silang pinapalampas. Students, teachers, principal, school head… wala talaga. They have the power dahil lahat sila ay mula sa mayamang pamilya at ang mga kaibigan pa niya ang may-ari ng Trinity School Of Laguna kung saan sila nag-aaral. Pare-parehas silang hindi lumaki sa pagmamahal ng mga magulang dahil abala ang mga ito sa pagpapayaman at sa negosyo. Lumaki sila sa yaya at sa pera. Lumaki sila na nakukuha lahat ng gusto nila. At kapag hindi nila nakuha ang gusto nila, gumagawa pa rin sila ng way para makuha ito. Dahil siya ang pinaka “b***h” sa kanilang tatlo, she is tagged as the “Queen b***h” sa school. Nang maubos na ang kape ni Sasha ay tumayo ito para um-order ulit. Pagbalik nito ay parang tuwang-tuwa ito. “Why are you smiling like that?” tanong dito ni Morgan. “Dahil dalawang coffee and in-order ko, one is for you and one is for me, I have two stickers!” Parang bata na ipinakita nito ang isang parang cardboard na may mga stickers. “Five to go at meron na akong free coffee! Yay!” “My gah, Sasha! Naghihirap na ba kayo and you’re dying to have that free coffee?” Hindi makapaniwalang turan ni Charlotte. “Kung gusto mo, ilibre pa kita kahit one million cup of coffee!” “Char, I’m not after the free coffee. Ang cute kasi ng stickers kaya I like to collect them all like Pokemon--” “Excuse me!” Lahat sila ay napalingon nang isang babaeng maputi at medyo maliit ang nagsalita sa tabi ni Charlotte. Sa hitsura ng babae ay mukhang galit ito at parang inahing manok na inagawan ng sisiw. “Yes?” ani Charlotte. “Galing lang ako sa restroom tapos pagbalik ko nakita kong nilalandi mo ang boyfriend ko!” Nanlilisik agad ang mata ng babae. “Excuse me?” Tumayo si Charlotte at tinapatan ang babae. Napatingala ito sa tangkad niya. Hanggang ibaba ng boobs niya lang ito. Mas lalo pa niyang iniliyad ang kanyang boobs para lalo itong manliit. Mukhang nagtagumpay naman siya dahil mukha itong pusang takot na nakakita ng malaking aso. “Sino ba ang sinasabi mong boyfriend?!” Pinanlisikan niya din ito ng mata. Hindi naman siya magpapatalo dito. “Siya!” Itinuro ng babae ang lalaking lumapit sa kanya. “Malandi ka! Type mo ang boyfriend ko! Wala ka bang boyfriend kaya nang-aagaw ka na lang? How cheap!” Malakas na napatawa si Charlotte pero bigla ring tumigil at tinaasan ng kilay ang babae. “First, siya ang unang lumapit sa akin. And, b***h, I don’t want your boyfriend. I think, nobody wants him that’s why he’s with you. Bagay kayo. Parehas kayong mukhang basura…” Mahinahon ngunit mataray niyang turan. “How dare you?! If I were you, aalis na lang ako dito dahil kami ng boyfriend ko ang nauna. Snakes are not allowed here!” Charlotte take a deep breath very dramatically. “Kung ako ikaw, aalis na lang ako. Ikaw ang umalis at isama mo na rin ang boyfriend mong malandi pa sa pokpok. And you know what? Kaya kitang ipakaladkad sa guard dito palabas kung hindi kayo aalis.” “Ah, ganoon? I will talk to the manager!” “Kilala ko ang manager nito. He’s my ninong, FYI lang, b***h! Baka hindi mo ako nakikilala? My name is Charlotte Alcantara. Rings a bell ba?” Tumawa siya. Sikat ang pamilya niya kaya sigurado siyang kilala siya nito. Tigalgal ang babae sa sinabi niya. Bahagya itong napaatras at hindi makapaniwalang tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Isa kang A-alcantara?” “Yes! Baka gusto mong isampal ko sa malapad mong mukha ang ID ko? I am the queen. And no one can steal the queen’s crown. Kaya habang mahinahon pa lang ako, umalis ka na.” Biglang sumingit si Morgan. “Don’t keep calm, Charlotte! Slap that b***h hard!” sigaw nito habang pumapalakpak pa. Kahit kailan talaga ay masyadong war-freak si Morgan kaya naman magkasundo sila. Well, pwede naman niya iyong gawin pero she’s afraid na baka makaroon lang ng kalyo ang palad niya oras na sampalin niya ang mukha ng babaeng iyon na parang hindi pa yata nakakatikim ng facial in her whole life sa dami ng blackheads nito sa ilong. “Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Leave! At isama mo na rin ang boyfriend mong mukhang katawan lang ang malaki pero that thing between his legs is… oh! Never mind!” Umuusok ang ilong na tinalikuran siya ng babae at inaway-away nito ang boyfriend nito at umalis na rin ang dalawa. “Those people… sinayang lang nila ang five minutes ng buhay ko!” bulong ni Charlotte at bumalik na siya sa pagkakaupo. TO BE CONTINUED…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD