LESSON 03

2177 Words
LESSON 03 “Mothers” KATAHIMIKAN ang sumalubong kay Angela pagkabukas niya ng pintuan ng kanilang bahay. Ano pa ba ang aasahan niya? Ang masayang pagsalubong ng mama niya tapos tatanungin nito kung kumusta ang first day niya sa bagong school? Sa ngayon, sa kalungkutan na lumulukob sa ina niya ay imposibleng mangyari iyon. Papasok na sana siya sa kanyang silid nang mapansin niyang medyo nakaawang ang pinto sa kwarto ng mama niya. Sumilip siya doon upang tignan kung naroon ang kanyang ina. Naroon nga ito. Nakaluhod sa isang rebulto na natatakpan ng itim na tela. Madasalin na noon pa ang mama niya ngunit simula nang masira ang buhay nila ay mas naging madasalin ito. Kahit dis-oras na ng gabi ay nauulinigan pa niya ang pagdadasal nito. Siguro nga ay sa Panginoong Diyos na lang ito kumakapit. Mabuti naman iyon para kahit papaano ay lumalaban pa rin ito. Miss ko na ang dating ikaw, 'ma… sambit ni Angela sa kanyang isip at tahimik na isinara ang pinto. Pumasok na siya sa kanyang kwarto at nagpalit ng pambahay na damit. Lumabas din siya dala ang kanyang cellphone at pumunta sa kusina. Wala pang sinaing kaya nagsaing muna siya. Habang hinihintay na kumulo ang sinaing ay isang kaibigan ang kanyang tinawagan. Isang kaibigan sa dati niyang nilipatan na school. “Hello. O, kumusta ka na?” tanong niya nang sinagot na iyon ng kanyang tinawagan. “Angela, h-hindi ako okay, e… Alam mo naman iyan.” “Oo nga pala. Hayaan mo at darating din ang araw na--” “Sino’ng kausap mo?” Muntik nang mabitawan ni Angela ang pagkakahawak sa cellphone nang biglang dumating ang mama niya. “Mama!” gulat na bulalas niya. Malalaki ang mga hakbang na lumapit ito sa kanya sabay agaw sa kanyang cellphone. Naningkit ang mata nito nang makita ang nakarehistrong pangalan doon. Inilagay nito ang cellphone sa tenga. “Tigilan mo na ang anak ko!” anito sabay putol sa tawag. Inagaw niya sa ina ang cellphone. “'Ma! Bakit niyo naman ginawa iyon?” Naghihimutok na tanong niya dito. “Dahil ayokong nakikipagkaibigan ka sa katulad niya. Kaya nga tayo lumayo dahil sa taong iyon, ayokong mahawaan ka ng--” “Hindi tayo lumayo dahil sa kung sinong kaibigan ko, mama. Lumayo tayo dahil hindi niyo na kaya ang kahihiyaan na inabot niyo sa tunay na asawa ni papa! Nahihiya kayo na pagtsismisan ng mga kapitbahay natin. Iyon ang totoo!” Walang preno na turan ni Angela. Akmang sasampalin siya nito ngunit ibinitin nito sa ere ang kamay at nanginginig ang mukha na ibinaba nito iyon. “Wala kang galang! Hindi mo na ako nirespeto! Anak lang kita, Angela, tandaan mo iyan. Wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganiyan!” Galit na sigaw nito sa kanya. “Sorry, 'ma…” hahawakan niya sana ito pero pumiksi ito. “Huwag mo akong hawakan!” Tumalikod ito sabay lakad paalis. “Saan na naman kayo pupunta? Magdadasal? Ano bang ipinagdadasal mo, mama? Na sana balikan ka ni papa? Na mabuo muli ang pamilya natin? Mama, kahit magkakalyo pa ang tuhod niyo kakaluhod sa pagdarasal, hindi na babalik si papa. Bakit hindi niyo na lang ibalik ang dating kayo kesa nagmumukmok ka sa kwarto mo?” Napahinto sa paglalakad ang mama niya. Marahan itong lumingon sa kanya na may nakakakilabot na ngiti. “Hindi mo alam ang sinasabi mo, Angela… Wala kang alam sa ginagawa ko.” Muli itong naglakad paalis ng kusina sabay pasok ng kwarto. Hindi mapigilan ni Angela ang hindi magtaka sa sinabi ng nanay niya. Anong ibig sabihin nito sa hindi niya alam ang ginagawa nito? Nanghihina na napaupo na lang si Angela. -----***----- “YOU’RE late again, Charlotte! Uwi pa ba ito ng fifteen years old na babae? Nine o’clock? As fas as I know, six o’clock ang out mo sa school. Anong ginawa mo?” Iyon agad ang salubong ng mommy ni Charlotte sa kanya pagkapasok niya ng kanilang mansion. Sinalubong agad siya ng sermon ng kanyang sopistikada at fashionistang mommy. Naiiritang itinirik ni Charlotte ang kanyang mata. “Kung iniisip niyo na lumandi ako, you are wrong. 'Wag niyo akong itulad sa inyo na bukod kay daddy ay nagpapakamot pa sa ibang lalaki!” Walang galang na sabi niya. Sinugod siya ng isang matunog na sampal nito. “b***h! How dare you para sabihan ako ng ganiyan!” “Bakit? Totoo naman, 'di ba? May kabit ka! I saw you with that young guy!” “Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko! Nagawa ko lang iyon dahil--” “I’m home!” Magkasabay silang napalingon sa main door nang marinig nila ang boses ng daddy niya. Agad na yumakap dito si Charlotte at hinalikan ito sa pisngi. “Nag-aaway ba kayo? Parang narinig kong sumisigaw si mommy, Charlotte?” tanong ng daddy niya nang makaupo na ito sa sofa na tinabihan naman niya. Mariing umiling si Charlotte. ‘Of course, not, daddy! Naglalaro lang po kami ng mommy ng Charades. Na-excite siguro sa pag-guess si mommy kaya napasigaw. 'Di ba, mommy?” Isang plastik na ngiti ang ibinigay niya sa kanyang ina. “Y-yes! Na-excite lang ako…” “It’s nice to know na hindi na kayo nag-aaway na dalawa.” “Opo naman, daddy. Uhm… oo nga po pala, magpapa-party po pala ako sa resthouse natin sa Pansol with my classmates. Alam niyo naman na every year ay ginagawa ko ito. This weekend po sana…” “Charlotte, no!” Pinandilatan siya ng mommy niya. “Alam mo naman na may party kami doon ng elite friends ko. Naka-scheduled na iyon this coming weekend and it can’t be cancel. My God! Nakapag-invite na ako!” Tumayo si Charlotte at naglakad nang mabagal paikot sa mommy niya. Inilapit niya ang kanyang bibig sa tenga nito at bumulong. “Baka gusto mong sabihin ko kay daddy na…” “Okay! Fine! Magparty ka sa weekend sa resthouse all you want!” “Yay! Thank, mommy!” At hinalikan pa niya ito sa pisngi. “Paano ba 'yan, daddy? Payag na si mommy! So…” “Sige. Payag na rin ako. I’ll give you money for that party!” Masayang napasigaw si Charlotte habang kitang-kita niya ang inis sa mukha ng mommy bago ito mag-walk out. May siya sa puso na nanalo na naman siya laban sa sarili niyang ina. Charlotte is a daddy’s girl. Mas close siya sa kanyang daddy kesa sa mommy niya. Mas close kasi ang mommy niya sa mga elite and sosyal na friends kesa sa sarili nitong anak. Nag-iisa na nga lang siya pero hindi pa siya nito mabigyan ng atensyon. Kaya naman lumaki siya na malayo ang loob dito. Mas lalo pa siyang nagalit dito nang makita niya ang panlolokong ginagawa nito sa daddy niya. Sasabihin niya sana iyon sa daddy niya pero naisip niya na pwede niyang gamiting pang-blackmail iyon sa mommy niya para madali niyang makuha ang gusto niya mula dito. “Thank you so much, daddy! You love me talaga!” aniya sabay halik sa pisngi ng ama. “You’re welcome, Charlotte. Alam mo naman na hindi ko kayang hindi pagbigyan ang gusto ng nag-iisa kong anak!” -----***----- NAKAILANG katok na si Angela sa kwarto ng mama niya pero hindi pa rin nito iyon binubuksan. Nakaluto na kasi siya ng pagkain nila para sa hapunan at gusto niyang makasabay ito sa pagkain. Dahil walang nagbubukas ay pumasok na siya. Ngunit hindi siya handa sa makikita niya sa kwarto nito kaya napasigaw siya. Nakalahad ang mga kamay ng mama niya sa harap ng isang rebulto. Isang rebulto na may kahindik-hindik na hitsura. Mukha itong halimaw na may tatlong mata, may dalawang mahahabang sungay at ang dila nito ay ahas! Iyon ba ang dahilan kung bakit tinatakpan iyon ng mama niya ng itim na tela? Dahil hindi naman pala ang Diyos ang sinasamba nito kundi ang halimaw na iyon! Napalingon ang mama niya sa kanya. Tumigil ito sa pagdarasal at muling tinakpan ang rebulto na halos limang talampakan ang taas. “Anong ginagawa mo dito?” Humahangos itong lumapit sa kanya sabay tulak sa kanya palabas. “A-ano po 'yon? Bakit po niyo dinadasalan ang halimaw na iyon?” “W-wala kang pakialam! Huwag mo akong pakialaman, Angela!” Naging malikot ang mata nito. Hindi siya magawang tignan nang diretso. Natigilan si Angela sa naisip. “Satanista ba kayo, 'ma?” Imbes na sumagot ay pumasok ito sa kwarto nito at isinara ang pinto. “Mama! Sagutin niyo ang tanong ko! Buksan nito ito!” Katok ni Angela. “Tigilan mo ako, Angela! Lubayan mo ako!” Pagtataboy nito sa kanya. “Hindi ko kayo titigilan hangga’t hindi niyo sinasabi kung bakit may ganiyang kayong rebulto!” “Sinabi nang huwag mo akong pakialaman, Angela! Ayokong madamay ka dito! Umalis ka na!” Sumuko na rin siya nang kahit anong katok at tawag niya sa ina ay hindi na siya nito sinagot. Nang gabing iyon ay mag-isa siyang kumain na merong pagtatanong sa kanyang isipan. Mukhang sa maling diyos sumasamba ang kanyang ina. Kailangan niya itong pigilan. Kailangang may gawin siya. -----***----- PAGPASOK ni Angela sa kanilang classroom ay nakita niya sina Charlotte na nasa harapan. Oras na ng klase pero wala pa rin ang guro nila. Ano naman kaya ang palabas ni Charlotte ngayon? “Hoy, gaga! Tatayo ka na lang ba diyan? Umupo ka na at may ia-announce si Charlotte!” sigaw sa kanya ni Morgan Kinawayan siya ni Chelsea at sinenyasan siyang bilisan niyang umupo na ginawa naman niya. Nakayuko siyang umupos sa tabi ni Chelsea. Iwas na iwas siya sa matatalim na tingin ng grupo ni Charlotte. Mukhang dahil sa nangyari kahapon ay mainit na siya sa mata ng Queens ng Trinity School Of Laguna. Mas maganda siguro kung siya na lang ang iiwas sa mga ito. Mahirap na lalo na’t alam na niya ang katayuan ng mga ito sa school. Lalo na si Charlotte, dapat siyang umiwas dito at hindi ito kalabanin dahil isa itong Alcantara. “Now, 'andito na tayong lahat. We’re thirty na…” Nagsimula nang magsalita si Charlotte. Nasa likuran nito sina Morgan, Sasha, Kelly at Paris. “Siguro alam niyo na kung tungkol saan ang announcement ko. You know naman na sa first week ng school ay ini-invite ko kayo sa resthouse namin sa Pansol para mag-party! And this year, meron ulit tayong pool party.” Lahat ay tahimik lang habang nagsasalita si Charlotte. Nang walang magsalita at mag-react sa sinabi nito ay mataray itong nameywang. “O, bakit wala man lang ba kayong reaction? Hindi ba kayo excited?!” Biglang nagsigawan sa tuwa ang lahat maliban kay Angela. Obvious naman na napilitan lang ang iba nilang kaklase na sumigaw. Natatakot lang siguro ang mga ito kay Charlotte. “Okay! Enough! Kung makasigaw naman kayo para kayong mga tanga na ngayon lang makakpag-party! Well, limos ko na rin ito sa inyo dahil I know na some of you, guys, ay hindi nakakapag-party. Maswerte kayo at naging classmate niyo ang isang Charlotte Alcantara! So, pool party iyon. 'Wag tanga sa susuotin, ha. At ayokong may hindi pupunta. That is Saturday night. That’s all!” Bago umupo si Charlotte sa upuan nito ay isinulat muna nito sa blackboard ang address ng resthouse nito sa Pansol at inutusan silang kopyahin iyon. -----***----- NAPAHINTO si Angela sa paglalakad sa hallway nang tawagin siya ni Chelsea. Tapos na ang klase nila para sa araw na iyon at pauwi na siya. Humihingal ang babae nang maabutan siya. “Uuwi ka na, Angela? Daan muna tayo sa mall. Bumili tayo ng swimsuit para sa pool party sa Saturday,” anito habang habo ang paghinga. Kumibit-balikat lang siya at nagpatuloy ulit sa paglalakad habang kasabay niya si Chelsea. “Bakit pa? Hindi na kailangan…” sagot niya. “What?! No, Angela! Hindi ka pwedeng hindi pumunta. Magagalit si Charlotte sa iyo. Last year, may isa kaming kaklase na hindi nakapunta kasi nagkasakit. Galit na galit si Charlotte. Binuhusan niya ng isang timbang pusali iyong kaklase namin na iyon habang naglalakad! Kaya dapat pumunta ka.” Hindi makapaniwalang napatingin siya sa kaibigan. “Wow! Sobrang powerful naman pala talaga ni Charlotte kung ganoon.” Natatawa niyang turan. “Okay, sige, pupunta na lang ako pero saglit lang ako.” Napipilitan niyang sabi. “Yay! Sabay na tayo pagpunta, ha. So, tara na sa mall?” “Oo na. Pero bilisan lang natin. Kailangan kong umuwi kasi walang kasama ang mama ko sa bahay.” “Sure!” At excited na hinila siya ni Chelsea habang palabas na sila ng gate ng kanilang school. Hindi siya takot na mabuhusan ng pusali o kahit ano man. Ayaw lang niya talaga na lalong uminit ang dugo sa kanya ni Charlotte kaya pupunta siya sa pool party nito sa Sabado. TO BE CONTINUED…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD