Chapter 8

1369 Words
PAGLIPAS ng ilang linggo ay naging abala lamang ako sa trabaho dahil kabilaan ang mga naging meeting ko na kinailangan kong daluhan lahat. Marami rin akong mga deadlines na hinahabol at ilang rejections na rin ng mga plano ang tinanggihan ng Board of Directors kaya mas lalo akong naging okupado sa mga nakalipas na araw. I don't even have enough time for myself that sometimes I forgot to eat and I would just prefer a black coffee as an alternative, magkalaman lang ang sikmura. Maaari ko namang isantabi ang trabaho ng ilang minuto o kahit isang oras, but whenever I'm working something and my work is continuous, I wouldn't stop myself. The more na itinitigil ko kasi, mas nahihirapan akong ituloy. I know that health is wealth but I don't like to get another rejections, again, for the nth time. Actually, I'm not afraid of rejections, because I believe that through failures I can do better. I can get learnings from it and I will become a better person. But it doesn't mean that you have to get used to it. Failure is actually helpsome, pero hindi mo kailangang masanay sa kabiguan. Dahil kung patuloy ka lang na mabibigo, paulit-ulit at tila'y wala ka ng nagawang tama... marahil, hindi ka pa natututo. Sinanay mo lang ang sarili mo pero hindi mo isinabuhay ang natutunan mo mula sa pagkabigong iyon. "Camille, paki-announce naman sa buong Marketing Department na may meeting tayo mamayang 1 PM. Sa Conference Room," utos ko sa sekretarya ko na si Camille nang mailapag niya sa akin ang black coffee. Tumalima naman siya agad at naiwan akong muli rito sa loob ng opisina ko. Natapos ko na kaninang bandang alas otso ang pagre-rebisa sa proyekto na ipinasa ko noong nakaraang araw lang kaya inaayos ko na lang ngayon ang mga agendas para sa meeting mamayang ala una. I want everything organized and it should be done by me. Hindi ko rin naman kasi inaasa ang ilan kay Camille kasi mas komportable ako na mayroon akong alam sa mga bagay na dapat ako rin naman talaga ang gumagawa. Nang matapos sa pagsusulat ay isinantabi ko muna ang planner at inisang lagok ang kape. Gosh. I need some fresh air. Kailangan kong umidlip muna. Mamaya pa naman ang meeting. Ewan ko rin sa body system ko at imbes na magising sa pag-inom ng kape ay inantok lang ako. Higit dalawampung minuto ang itinagal nang pagkakaidlip ko kaya nang magising ay inayos ko ang sarili at naghintay lang ng ilang minuto bago umalis. Pagkarating ko sa loob ng Conference Room ay nandoon na ang lahat at tanging ako na lang ang hinihintay. Kaniya-kaniya ang bati ng mga ito nang makita akong pumasok at nginitian na lamang silang lahat. "This meeting will surely excite you all, guys. It's not about work. Alam naman natin na naging hectic masyado ang nakaraang mga linggo natin kaya naman napag-usapan namin sa meeting kanina ang tungkol sa... vacation," panimula ko. Bakas sa mukha ng mga empleyado ko ang tuwa at kaniya-kaniyang bulungan na siyang nagpatawa sa akin nang mahina. "I know that you are all excited, guys dahil sa company outing natin. And yes, you heard it. It's outing. Tutal, summer naman at napagbigyan tayo ng mga heads na magkaroon ng pahinga sa work. Mr. Amanzano's business friend offered his own resort para sa outing natin. Sagot na ng kompanya ang lahat. Walang salary deductions. All you need to do is to prepare yourself and just enjoy the whole vacation," paliwanag ko pa. "Ma'am Nika, ilang araw ho ang company outing?" tanong ni Rose sa akin. "Well, it's a 3-day vacation, guys." "Yown! Mangchi-chix ako roon," biro ni Mark habang hindi magkamayaw sa tuwa. "Mamakla ka na lang, pare. May income ka pa," segundang biro ni Jonathan sa kaibigan. Napuno ng kantiyawan at tawanan ang buong silid at maging ako ay napapailing na lang din. Nagkaniya-kaniya sila ng kuwentuhan at mga plano para sa darating na outing namin. And I really understand them dahil kahit ako naman kanina sa meeting ay hindi ko naiwasang makaramdam ng saya at ginhawa. Iyon nga lang, palihim akong nag-bunyi. This is actually one of the rights of an employee. Bilang kapalit sa serbisyong inilalaan nila sa kompanya ay nararapat lang na magkaroon ng mga ganitong aktibidad ang isang employer. Iparamdam man lang ng nakatataas na mahalaga sa kanila ang kapakanan ng kanilang mga empleyado. Aside of prioritizing customers or clients, employees comes first. If they are treated right, they will do better to serve the company and even the outside world. It shouldn't be always about the money, it should also about the connection to each other on how to work together. Ganito ko sila tratuhin bilang mga empleyado. I may be strict yet easy-to-be-with Manager. I cannot consider myself as their boss, but a leader instead. Malaki ang pagkakaiba ng dalawang iyon para sa akin. Marahil, mas mataas lang ang posisyon ko sa kanila, but still, ayaw kong nagmamataas. Naniniwala kasi ako na I am more than just a boss. Being a leader of our team, I should treat them right, motivates, directs and inspires them. Hindi lang dapat sila ang natututo kung hindi maging ako rin. How will we even function well if the leaders doesn't know how to lead an organization? We may have the power, but we must use it to influence other. "Another announcement, wala tayong pasok tomorrow dahil binigay na sa atin iyong araw na iyon para makapag-prepare sa darating na outing dahil kinabukasan... is the exciting day," anunsyo kong muli kaya sandaling natigil ang komosyon sa silid. "Dito ang meet up place natin dahil we have shuttle bus. The other informations, maybe I just send you an e-mail, okay? So, dismissed." Nang makapagpaalam ako sa kanila ay dumiretso na ako sa opisina ko at iniligpit ang ilang gamit sa lamesa na nakakalat. Mahaba-habang oras pa ang hihintayin ko bago mag-out kaya chineck ko na lang ang ilang mga e-mails at kung ano pa ang dapat ayusin. Natapos na rin naman kasi namin halos lahat noong nakaraan, dahil siniguro talaga ng mga top managers na bago pa ang company outing ay tapos na ang mga major projects na nakabinbin sa bawat departamento. Mahirap naman kasing mag-enjoy sa bakasyon kung alam mong may iisipin ka pang mga trabaho. Mawawalan ng bisa ang bakasyon na iyon kung hanggang doon ay trabaho pa rin ang iisipin namin. Every year ay nagkakaroon ng iba't ibang aktibidad itong J&L Corporation para sa mga employees na pinapangunahan ng aming HR Department. Sa kompanya, nagsisilbing tagapamagitan at tagapag-alaga ng mga tao o empleyado ang departamento na iyon. Nang makauwi ako sa apartment ay agad kong binagsak ang aking sarili sa sofa. Ngayon ko lang ito nagawa sa mga nakalipas na araw. Pakiramdam ko ngayon lang ako nakauwi rito kahit naman araw-araw akong nauwi. After my evening routines ay saka ko naman naisipang mag-movie marathon ng mag-isa at kumain nang kumain. I deserve all these food bago pa man ako mapurga sa kape. Isang movie lang ang kinaya ko kaya nang matapos ang pinapanood ay niligpit ko na rin ang mga pinagkainan at saka natulog. Magaan ang gising ko dahil mahaba-haba ang naging tulog ko. Naglinis lang ako ng apartment at saka inayos ang mga gamit na dadalhin ko para bukas. Kumuha ako sa cabinet ng may katamtamang laki ng beach bag na good for three days para doon ilalagay ang mga damit and other necessity things. Isang tote bag naman para sa mga important things na kakasya lang doon. Hindi rin naman ako madala ng kung ano-ano lalo na sa t'wing naalis, sapat na iyong mga kakailanganin ko lang talaga. I grabbed this opportunity to eat what I want, wala akong pakialam sa sinasabi ng iba tungkol sa beach body na iyan lalo na at may outing kami bukas, I just only want to eat any food that I'm craving for. Sinulit ko rin ang buong mag-hapon sa pagpapahinga dahil after 3-4 days... back to normal na ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD