Chapter 7

2310 Words
NAKARATING na kami nila Vina at Sammy sa isang restaurant na kung saan may reservation na pala sila. Pinaghandaan nga talaga, tsk! Pagkapasok na pagkapasok pa lamang ay pinaupo na nila ako sa pang-dalawahang upuan na kung saan namumutawi ang pagka-amorosa ng paligid. Hindi ko maiwasang mapangiwi sa halip na mapangiti sa dalawa. Nakaupo na ako at hinihintay na lang ang unang i-de-date ko raw dahil maaga ako nang kaunti sa nasabing oras, habang ang dalawa naman ay nakaupo na rin sa hindi kalayuang mesa na malapit sa table ko. Kanina pa ako kinakabahan dahil first time ko ang makipag-date kuno nang ganito. Iyong hindi mo naman kakilala iyong kikitain mo pero kailangan mong damhin ang pagka-romantiko noong tao at maging ng buong lugar. Simple lang naman mga date namin noon ni Lander, e. Suot ko ang isang pulang bestida na hapit sa pangangatawan ko na hindi naman ako ang pumili. Gusto pa nga sana ni Vina na provocative dress ang isuot ko, pero tumanggi na ako at buti na lamang kakampi ko sa bagay na iyon si Sammy. Hinayaan ko na lang din na nakalugay ang mahaba at medyo kulot kong buhok sa bandang laylayan. Sa ilang minuto ko ring paghihintay ay natanaw ko ang isang lalaking kapapasok lang sa establisyementong ito. Nakasuot ito ng black shirt at black pants. Matikas ang tindig at mas lalong agaw pansin ang isang itim na hikaw sa kaliwang tainga nito. Dumako siya sa kinauupuan ko at agad na ngumisi sa akin. Ito na iyon? Sure na ba ito o baka maling lamesa lang ang tinatahak niya? "You must be Monika, right?" maangas na tanong niya nang tuluyang huminto sa harapan ko at saka umupo. "O-oo, hehehe," naiilang kong tugon. "I'm Eric. Nice meeting you, babe," pakilala niya at kinuha ang kamay kong nakapatong sa mesa at hinalikan ito. Naiilang kong inagaw ang kamay at awkward na nginitian siya. Babe agad? Ano ba naman itong unang napili ni Vina para sa akin? Alam niya naman ang mga tipo ko pero bakit ganito ang nasa unahan ko ngayon? "Anyways, hindi ko alam na mas maganda ka pala sa personal. Red dress, huh? You actually, turning me on, babe," nakangising saad nito na siyang nagpatigil sa akin. "Bastos ka, ah! Wala kang modo! Hindi ko naman pala alam na m******s ka!" naiinis kong bulyaw sa kaniya. Hindi ko na napigilan ang sarili kaya hinayaan ko na lang na sumabog ako sa harapan ng lalaking ito. Biruin mong kakikita pa lang namin pero ganito na kaagad siya magsalita sa akin? Does he know how to be a gentleman and respectful? Kahit slight lang? "Hey! Wala pa akong ginagawa sa iyo, what more kung may gawin pa kaya ako?" nakaloloko nitong sambit na mukhang sinasagad ang pasens'ya ko. "Get out!" pagtaboy ko. Nakakuha ako ng atensiyon mula sa mga katabing lamesa at maging sina Vina ay nakatingin na rin sa amin. Hindi ko pa naito-todo ang pagsigaw kaya masasabi kong kalmado pa ako sa lagay na ito. Ayaw ko man na mag-iskandalo pero tila inuudyukan yata ako ng lalaking ito. "Chill, babe. Hindi na kita type. Ang arte mo! Kung maka-react ka akala mo hinipuan na kita," inis na sagot niya sa akin at saka tumayo sa kinauupuan. Hindi ko naiwasan ang pagkayamot kaya binato ko sa kaniya ang table napkin na siyang nagpaalis sa kaniya ng tuluyan. Siraulong iyon. Napaka-manyak! Unang pagkikita pa lang, turn on-turn on na. P'wes nakaka-turn off siya! Hindi man lang kami nagtagal dahil sa naging flow ng conversation namin. Ano ba ang akala niya sa akin? Ganoon kadaling makuhang babae? Bakit ba may mga ganoong klase ng lalaki? Sa tingin ba niya na kapag ganoon ang pakikitungo niya sa babae ay matatagalan siya? Siguro depende na rin sa babaeng kaharap niya, pero dapat naging sensitive man lang siya to think na ito pa lang ang una naming pagkikita. Inis kong tiningnan ang gawi nila Vina kaya nang magsalubong ang paningin namin ay nakita ko siyang nag-peace sign sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang mapabuga ng hangin at napahilot sa sentido. Susme! Umpisa pa lang palpak na. Sigurado ako na balak pa akong dalhin sa SOGO Hotel ng lalaki na iyon kung sakaling madadali niya ako nang ganoon na lang. Hindi sa pagiging judgemental pero sa ipinakita niya sa akin kanina lang ay ganoon na rin ang ipinahihiwatig. Sa pangalawang pagkakataon, nakaharap na sa akin ngayon ang ikalawang lalaking ka-date ko ngayon. He's wearing a long sleeve polo shirt na kulay pink at naka-tuck in ang dark brown nitong slacks na tinernuhan pa ng kulay berdeng sinturon. May makapal na eyeglass at unat na unat ang buhok na mukhang inubos yata ang dalawang sachet ng Gel sa ulo. "H-hi, M-monika. I-Im T-timothy. A-ang ga-g-ganda mo p-pala," utal na saad nito. Medyo sumakit ang ulo ko dahil ang bagal niya magsalita. May speech defect ba siya? "S-salamat, Timothy," utal ko ring sagot. Wait! Bakit parang nahawa na rin yata ako? "I-i h-hope, t-this is n-not t-the first a-and l-last date n-natin. I'm l-looking f-forward, M-monika," ngiting-ngiti niyang wika. Sa bawat pagbuka ng bibig niya ay hindi ko maiwasang maghintay sa nais nitong sabihin. Minsan natatagpuan ko na lang ang sarili na nakanganga habang sinusundan ang kilos ng bibig niya. "I'll try. Go, let's eat. Baka gutom ka yata," at inalok ko sa kaniya ang in-order naming pagkain. All along hinayaan ko lang siyang magsalita ng magsalita kahit na ako ang mas nahihirapan sa kaniya. Mas minabuti ko na lang ang pakinggan siya tutal mukha siyang maraming sasabihin sa akin. Para akong may kausap sa phone at mahina ang signal dahil sa utal-utal siya kung magsalita. Well, hindi ko naman siya dine-degrade, I'm just stating a fact. Kung ako lang din naman ang tatanungin ay mas mabuti naman itong si Timothy kahit papaano kaysa sa m******s na Eric na iyon. Mas matatagalan at mauunawaan ko ito kaysa sa nauna. Tawagin ba naman akong 'babe'. Mukha ba akong baboy? Alam kong “babe” is a term of endearment pero hindi ko lang talaga nagustuhan sa pagkakataong ito. Pinapakisamahan ko naman si Timothy, dahil natutuwa ako sa mga kinu-kuwento niya kahit na mas madalas ako ang nagtutuloy sa sinasabi niya para lang makausad kami. Nai-kuwento niya nga sa akin na may speech defect nga siya pero masasabi kong matalino at mayaman ang isang ito. Isa siyang HR Manager sa isang sikat na kompanya sa Taguig. Kaya rin siguro kahit na hadlang kung maituturing ang speech defect niya ay hindi naman ito naging dahilan para pakisamahan niya nang maayos ang mga empleyado at maging sila sa kaniya. Balak niya pa sanang i-kuwento ang talambuhay niya kung hindi lang tumawag ang Assistant Manager niya sa kaniya. Nagkaroon daw ng problema kaya kinailangan na niyang umalis. Ikinahinga ko nang matiwasay iyon dahil parang nanakit ang panga ko sa kaniya. One date is actually cacking, but three dates are more deadly. Nakita ko sila Sammy at Vina na mukhang nagpipigil ng tawa sa kabilang mesa kaya sinamaan ko sila ng tingin. Napahilamos ako ng mukha dahil palpak na naman itong pangalawa. Gusto ko ng tumayo at kaladkarin ang dalawa pero wala na akong lakas para magreklamo sa mga oras na ito. Saan ba nila pinagkukuha ang mga lalaking iyon? Hindi naman ako naghahangad ng guwapo, mayaman o matalino sa araw na ito. I am expecting for a decent one. Iyong puwedeng magpagaan ng loob ko dahil subsob din naman ako sa pagtatrabaho. Nagawa ko pa nga ang makipag-date sa tatlo. Sana naman sa huling makakaharap ko ay matino ng kausap. Sumasakit lang ang ulo ko lalo. Lagot talaga sa akin ang dalawa na iyon mamaya. Hintayin lang nilang matapos ito at sila ang pagbubuntungan ko. "So, as you can see, Ms. Santos, I am a business man and I can give you anything you want. Just name your price. You are a Marketing Manager, right? Kahit hindi ka na mag-trabaho ako na ang susuporta sa iyo," mahabang litanya nitong kaharap ko. Yes. My third date. Kanina pa siya salita ng salita sa harap ko simula ng maupo siya sa harap ko at hindi man lang ako hinayaang makapagsalita. Pake ko kung business man siya? Eh, hambog naman. Siya raw si Mr. Adolfo Gonzales. Isa sa mga shareholders sa ilang mga kompanya rito sa Pilipinas, maging sa international at maraming business na pinapatakbo ayon na rin sa kanina niya pang sinasabi. He's a 38 years old. Para akong nakikipag-business meeting sa kaniya simula kanina pa. Ang dami niyang inaalok sa akin ng kung ano-ano, kulang na lang ay sabihin niyang member din siya ng mga Personal Collection. At para naman hindi ako magmukhang tuod sa harap niya tumatango't ngumingiti na lang din ako sa kaniya. Gosh! This is too much. Para akong nagsayang ng oras sa isang araw. Bakit ba nalagay ako sa ganitong sitwasiyon? Paano ko ba malulusutan itong si Adolfo? Nagmumukha siyang sugar daddy ko, e. Gusto ko nang matapos ito. Pa-simple kong tiningnan ang relo na nasa kaliwang bisig ko at nakitang pasado ala sais na pala ng gabi. Imagine? Wala akong napala buong araw ko kaya umisip ako ng paraan para malusutan si Adolfo at nang matigil na ang kalokohang ito. Kailangan kong um-acting. Unti-unti kong hinipo ang sentido ko at nagpanggap na parang nahihilo. Tumigil siya kasasalita nang mapansin niya ang kilos ko. "Are you okay?" "M-medyo nahihilo lang ako. A-Adolfo... may aaminin ako," panimula ko sa mahinang boses. "Ano iyon?" "I'm pregnant, actually. At nakikita kong isa kang mabuting tao at ayaw kong idawit ka pa sa mga problema na mayroon ako. You are too good for me and I think... you don't deserve me in your life. I'm sorry, but I have to go. Thank you for your time and effort. Masiyado akong napagod ngayong araw," paliwanag ko at agad na tumayo. Hindi ko na hinintay pa na makapagsalita ito at tuluyan ko na siyang iniwan. Nang madaanan ko ang mesa ng dalawa kong kaibigan ay tiningnan ko sila. Agad naman nilang nakuha ang ibig kong sabihin kaya sinundan nila ako palabas ng restaurant. "Omg! Sinabi mo iyon?" tawang-tawang tanong ni Vina habang hawak ang tiyan nito. Napangiwi naman ako. "No choice ako. Alam kong ang lame ng palusot ko pero iyon ang unang pumasok sa isip ko, e," pagdadahilan ko. "Saka, hindi ko alam na ganoon kamanyak iyong Eric na iyon. Akala ko playboy lang at hindi bastos, e," saad ni Vina. Kasalukuyan na kami ngayong nasa apartment ko at balak nilang dito na mag-sleepover habang pinag-uusapan namin kung gaano kapalpak ang plano ni Vina. "Wala ka man lang piniling matitino. Kung hindi manyak, may chappy kausap tapos may hambog pa. Nakakainis!" irita kong sabi sa kanila. "Saan mo ba pinagkukuha ang mga iyon?" dagdag ko pa. "Oo nga naman, Vina. Mukhang matanda na iyong isa, e," segunda ni Sammy habang nagbabasa ng Novel book sa kama ko. "Malay ba natin kung tipo pala ni Nika ang mga ma-edad na. Hahaha!" pang-aasar niya. "Saka nakita ko lang iyong mga iyon sa isang group page sa f******k. Mga naghahanap daw ng jo-jowain. Naisip ko lang na baka mas better na mabago ang mga taste ni Nika sa mga lalaki. Malay mo bad boy pala bet niya." "m******s iyon, hindi bad boy," tutol ko. "O kaya iyong mga nerdy pala," habol pa ni Vina. "Hindi lang siya nerdy, chappy din kausap," I said while looking blankly at her. "O kaya iyong sugar daddy para hindi ka na magpaka-kayod sa pagtatrabaho," natatawa pa rin nitong dagdag kaya mas lalo lang akong napikon sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari kanina. "Si Adolfo, hindi lang siya basta electric fan, kung hindi aircon na siya. Ang yabang niya." Binato ko ng unan si Vina dala ng inis ko. "Siguraduhin ninyong huli na ito, dahil hindi na talaga ako papayag pa. Mas'yado akong busy para makipaglokohan sa mga ganoon." "Oo na. Sorry na, Nika. Akala ko kasi magwo-work, e. Saka for fun lang talaga iyon. Well, alam kong hindi magandang gawing katawa-tawa iyon, pero girl, ang dami kong tawa. Ako pa yata ang nag-enjoy kaysa sa iyo. Natutuwa talaga ako kapag miserable ka," muling pang-a-alaska sa akin ni Vina na sinuklian ko lang ng pag-irap. "Wala ba kayong mga pasok bukas?" kalauna'y tanong ko sa dalawa. Nakatutok ako sa laptop habang chine-check ang mga in-email sa akin ni Camille. "Naka-leave ako sa work dahil uuwi muna ako sa Casa Nueva," sagot ni Sammy. Kapwa kami napalingon ni Vina sa kaniya na abala pa rin sa pagbabasa. "Paano iyong mga clients mo?" "Sina Abby muna ang mag-aasikaso noon pero habang nasa probinsiya naman ako magta-trabaho pa rin ako." "Eh ikaw, Vina?" baling ko sa kaniya. Naglalaro siya sa phone niya at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. "Hindi muna ako papasok bukas. Ayoko makita iyong bago naming boss. Napaka-sungit amputek!" maktol niya. Nagta-trabaho sa isang Law Firm si Vina at sa madaling salita ay may kaibigan kaming abogado, hindi nga lang halata dahil mas kapansin-pansin ang pagiging abogago ng babaeng ito. Si Sammy naman ay isang event organizer at siya mismo ang namamahala sa buong team na binuo niya. Habang ako naman ay isang Marketing Manager sa isang kompanya. "Matutulog na ako at may pasok pa ako bukas. Huwag na lang kayo magulo para makatulog na ako," biro ko at saka humiga sa kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD