Chapter 6

1134 Words
IT'S been a month nang nangyari ang kahiya-hiyang insidenteng iyon. Hindi na rin naman nag-krus pa ang landas namin ni Dale na siyang ikinahinga ko nang maluwag, dahil hanggang ngayon ay hiyang-hiya pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang pangyayaring iyon, kung kaya ay nag-focus na lamang ako sa trabaho ko lalo't tambak kami ng paperworks these past few weeks. I didn't know that being an adult was a challenging journey in life. Before, I thought that it was an excited thing and you can just do whatever you want to happen without the intrusions of other people. I never thought that everything has its boundaries. Akala ko, sige lang ng sige. Nang matapos ako sa paglilinis ng aking sarili at handa na sa pagtulog saka lamang pumasok sa isip ko ang sinabi sa akin ni Vina. Napabalikwas ako ulit mula sa pagkakahiga at mariing ipinikit ang mga mata. Ang dami kong iniisip sa opisina pero ang magaling kong kaibigan na si Vina, naisipan pa akong i-set-up sa date bukas. Not just only one date, but three dates. Magkakaibang lalaki sa iisang araw. Tig-two hours pa nga. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ng kaibigan kong iyon at pati si Sammy ay nakasabwat niya para isagawa ang balak niya. "We are just giving you advantages, Nika. Ayaw naming tumanda kang dalaga kaya better choose na habang maaga pa," katwiran nito na siyang sinang-ayunan naman ni Sammy nang makausap ko sila kanina via videocall after ng work ko. "Hey, guys! Kaka-26 ko pa lang. Mas'yado pang maaga," pangangatwiran ko sa kanila. Minsan hindi ko na lang din alam kung ano mga tumatakbo sa isipan nila. Minsan naman sobrang tino nila to the point na ako na lang ang matatameme kasi ang ganda ng mindset nila. Kaso, madalas bumabaliko ang mga brain cells kaya ganito na lang mga naiisip nila na alam kong ika-de-dehado ko rin sa huli. "Alam mo, patulan mo na lang. Isang araw na date lang naman, e." Napasinghap ako. "Isang araw nga lang, pero tatlong lalaki ang ide-date ko? Seriously, Vina?" muntik ko pang ikahulog ang sarili sa kinauupuan kong swivel chair, pero ang dalawa na kapwa ko nakikita sa screen ng cellphone ko ay nanatiling kalmado lamang. "Ssshhh! Pupunta ka sa araw na iyon. Don't worry, nandoon naman kami ni Sammy. Kaso, sa isang table lang kami at magmamatiyag din," paliwanag pa ni Vina na animo'y sobrang halaga ng pinag-uusapan namin. Wala akong nagawa, so in the end, napa-oo pa rin nila ako. Kailan ba ako nakatanggi sa kanila? "Ayaw lang naming tumanda kang dalaga, Nika," sabat ni Sammy na talagang ikinataas ng kaliwang kilay ko. "Wow, Sammy! Sa'yo pa nanggaling iyan, ah? Eh ikaw nga itong NBSB sa atin, e. Kung ikaw na lang kaya makipag-date bukas?" biro ko. "You need it, actually. Try to interact with others," pangungumbinsi ko pa sa kausap para naman sa kaniya mabaling ang plano nila. "Pihikan mas'yado itong si Sammy, e. Perfect ang hinahanap. Hahaha!" biro ni Vina. Napabuntong-hininga naman si Sammy. "Hindi naman sa ganoon. Alam niyo namang hindi pa ako pinahihintulutan ni Papa, e," mahinang sagot nito. Silence engulfed the whole ambiance after what Sammy have said. "Oo nga pala. Mas'yado nga palang istrikto si Tito sa iyo. Ganiyan ba kapag galing talaga sa probinsiya?" tanong ni Vina. "You know, super higpit ng mga elders? Well, do'nt get me wrong. I'm just wondering lang naman." "Bakit ba ako ang pinag-uusapan? Na kay Nika ang spotlight, e. Kayo talaga!" natatawang wika ni Sammy. Agad ko namang nahulaan na gusto nitong makaiwas sa usaping iyon kaya nagsalita na rin ako para tuluyang maligaw ang pokus sa kaniya. "Tsk. Kumalma nga kayo. Hindi naman ako papasok sa kumbento, so chill. Mahaba pa ang panahon ko. Hindi naman ako nagmamadali sa mga ganiyang bagay," pabiro kong sagot. Napaismid naman si Vina. "Assurance lang. Mamaya magpaka-martyr ka na naman, e," saad nito na sinamahan pa ng pag-irap sa akin kaya inirapan ko rin siya pabalik. I did not roll my eyes because of what Vina have said to me, but because the topic pushed me to do it. "Naka-move on ka na ba talaga, Nika?" intrigang tanong sa akin ni Sammy at nagawa pang lumapit sa screen ng cellphone niya. Akala mo nama'y maaabot niya ako sa paraang iyon. "Hindi na mahalaga kung naka-move on na ba ako o hindi. I'm fine and I'm doing good na wala akong tinatapakang ibang tao," salita ko. Nanaig ang katahimikan sa aming tatlo at wari'y inaarok nilang dalawa ang laman ng aking isipan. "Okay, okay. Alam kong matagal na iyon, pero ito lang ang masasabi ko. Ayos na ako. Kuntento na ako sa kung ano ang nangyayari sa buhay ko ngayon nang hindi nababahiran niya," paliwanag ko pa. Tumango-tango naman ang mga kausap ko na nangangahulugang sang-ayon sila sa mga sinabi ko. I know deep inside that I'm still not get over with him, sino ba naman ang hindi? Siya ang kauna-unahang lalaking minahal ko at siya rin ang unang nakahapak ng puso ko. Maaaring mabuti na ang kalagayan ko ngayon at nagagawa ko nang kumilos ng hindi siya naiisip, pero sa tuwing naaalala ko siya at ang nangyari... bumabalik ang mga katanungan at maging ang sakit na akala ko'y hindi ko na muling mararamdaman. Siguro, may parte lang sa akin na humihingi ng sapat na sagot. Sapat na dahilan para tuluyang makabitaw mula sa kaniya. Because, from that time, I really questioned my worth. Alam kong mali, pero hindi ko mapigilan. Hindi ko naman kukuwestiyunin ang sarili ko kung hindi pinaramdam sa akin na ka-kuwestiyon-kuwestiyon ako para sa kaniya. Well, I understand him. I always do. Hindi na rin naman mapipilit pa kung wala nang maipipilit. Wala na ring mapipiga kung wala nang maipipiga. "Help yourself and we will gladly guide you, Nika. Walang sinuman ang makatutulong sa iyo kung hindi ang sarili mo rin," payo sa akin ni Vina. And with that, pumayag ako sa plano nilang i-set-up ako sa tatlong date para daw more chances of winning. Siguro nga kailangan ko ring gawin iyon. Hindi naman ito isang kriminal na gawain para hindi ko subukan, hindi ba? I'll just try. Wala namang mawawala. P'wedeng masayang ang oras ko kung sakaling wala akong mapala, but the important is, atleast I tried. Hindi ko na ikukulong ang sarili sa mga bagay na maaaring magpigil sa akin para sumaya naman. Uncertainty is not that bad, actually. It makes us aware that before you come up to a decision we should weigh our situation and even the possible outcomes. You will not know, if you won't try.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD