Chapter 5

1501 Words
AFTER having a breakfast with Dale, I decided to leave immediately to his house, but of course, I bid my goodbye to him. Pinalaki naman ako ng tama at may disiplina ng mga magulang ko kaya nakapagpaalam at nakapagpasalamat ako nang maayos sa lalaki. I still remember what he said to me before I left. "Drink responsibly, miss." Hindi ko alam ang mararamdaman noong mga oras na iyon sa sinabi niya. Kung ma-ta-touch ba ako kasi pinaalalahanan niya ako dahil isa siyang concern citizen o maiinis dahil tunog nang-aasar siya? Sa huli, nagawa ko pa siyang tanguan at ngitian ng hilaw. Of course, I will drink responsibly next time! Hindi lang naman siya ang nagpapaalala noon kung hindi maging sa commercial ng iba't ibang klase ng alak. I did not went to my apartment because I believe that I need to talk to my oh-so-caring-frenny. Vina and Sammy. Hindi naman porque gumising ako ng buo at intact pa rin ang pagka-birhen ko ay palalagpasin ko na ito. I need their explanation though. Pinadalhan ko sila parehas ng text message na gusto kong makipagkita sa kanila ngayon that's why I went straight here in our usual spot, our favorite coffee shop na hindi rin naman nalalayo sa apartment ko. Hindi man nila nagawang makapag-reply sa akin na nagsasabing makakapunta sila ay tanaw ko na agad ang dalawa sa bukana makalipas ang ilang minutong paghihintay ko. Patay sa akin itong dalawa. "Now tell me, guys kung ano'ng nangyari kagabi? Bakit ako nasa poder ng isang lalaki na nagngangalang Dale? Bakit hindi sa inyo?" sunod-sunod kong tanong sa kanila pagkaupong-pagkaupo pa lang nila sa harapan ko. Batid kong hindi nila inasahan ang biglaan kong pagtanong sa kanila kahit hindi pa man nila nagagawang makaupo nang maayos. "Chill, Nika! Mas'yado kang hot. Huminga ka muna," pabirong saad ni Vina matapos nitong mapamaang sa bungad ko kanina. "Paano ako kakalma, ha? Nakakahiya doon sa ta—," I reasoned out. "Dapat lang na mahiya ka sa kaniya lalo na sa mga ginawa mo kagabi," natatawang tugon pa nito. "Sammy, ano ba'ng ginawa ko kagabi?" baling ko naman sa isa kong kaibigan na 'di hamak na mas tahimik at mas matino sa aming dalawa ni Vina. Alam ko rin na sa kaniya lang ako makakakuha nang maayos na sagot. "Well, sinabi mo na Dale wants to... ano... to ano you... Vina, ikaw na nga magtuloy!" hindi matapos-tapos niyang saad. Ang problema lang sa kaniya, marami siyang pasakalye. "Sinabi mo lang naman na Dale wants to f**k you. And you agreed kahit na wala namang sinabing ganoon sa'yo iyong tao," nakangising sagot ni Vina. Gosh. Napahimalos na lang ako ng mukha sa narinig ko. Talaga bang sinabi ko iyon? Akala ko ba wala akong sinabi o ginawang kakaiba sa kaniya kagabi? Then, why did he lie? Nang makapag-order siya para sa kanilang dalawa ni Sammy ay agad siyang bumaling sa akin ulit nang may mapang-asar na ngiti sa labi. "At... pilit mo pang hinuhubad ang damit mo sa harap ni Dale. Kung makikita mo lang sarili mo, Nika matatawa ka kamo." I'm doomed. Tama nga lang na hindi na kami magkita pang muli ng lalaki na iyon. May utang na loob na nga ako, nagpaka-walangiya pa ako sa kaniya. Anong klaseng babae ba ako kapag lasing? Bakit naman ganito? I thought I was a professional drinker? "Hindi ko in-expect na ganoon ang magagawa mo kagabi, Nika. Akala ko worst na iyong nalasing ka noong after graduation natin, e," mahinhing saad ni Sammy. Sa table namin, si Sammy ang kalmado. Si Vina na walang habas kung tumawa at ako na tila'y constipated na parang may nakaing expired na de-lata. "Wala na akong mukhang maihaharap sa kaniya," lugmok kong sagot kasabay nang paghilamos ko sa sarili kong mukha. "Buti na lang sumuka ka at tumigil sa pangungulit. Kaso, nadumihan mo naman iyong damit ni Dale," dagdag ni Sammy. "Kaya mas lalong wala kang mukhang maihaharap kay pogi. Hahaha!" mas lalong natawa pa si Vina kaya inismiran ko na lamang siya. "Ayos lang. Hindi naman na kami magkikita pa, e. Iyon na ang una't huli naming pagkikita kaya ayos lang," pinal kong sagot sa kanila. Sarili ko lang ang kinukumbinsi ko. "Eh paano kung mag-krus ang landas niyo ulit?" taas-kilay na tanong sa akin ni Vina nang maihatid sa lamesa namin ang in-order nila. "Sisiguraduhin kong hindi na ako iinom ng alak 'pag nagkataon. Saka, malabo nang magkita pa talaga kami," tatango-tangong wika ko sabay higop sa kapeng lumamig na. "Sabi naman kasi sa'yo, mag-juice ka na lang," panunuksong muli sa akin ni Vina. "O hindi kaya, magbaon ka na lang ng Milo. Mas safe," inosenteng suhestiyon ni Sammy. Napatanga kaming dalawa ni Vina sa kaniya at hindi na lang nag-komento sa kaniya. Imagine, pupunta ako ng party at may baong Milo sa bag? Feeding program lang, ganoon? Wala sa sariling napabuntong-hininga ako at muling pumasok sa aking isipan ang mukha ng lalaki. Hiyang-hiya ako kay Dale. Kaya dapat lang na hindi na kami magkita pa. Inakusahan ko siya at talagang niyaya ko pang gawin ang isang bagay na alam kong pagsisisihan ko rin sa huli. Ano na lang pala ang nangyari sa akin kung sakaling hindi si Dale at ibang lalaki ang nagawan ko nang ganoon? Mabuti na lamang talaga at hindi ganoong klase ng lalaki si Dale. Hindi ko alam ang gagawin ko kung nagkataon na napagsamantalahan ako dahil sa labis na kalasingan ko. Bakit naman kasi napakabilis kong malasing? Parang dapat ko na lang sigurong sundin ang ipinayo sa akin ni Sammy na magbaon ng Milo sa mga ganoong klase ng event. Yes, it's kinda weird, but Milo is for safety purposes, I think. "Kilala niyo ba personally si Dale?" kuryoso kong tanong. "Ako hindi ko siya kilala," tipid na sagot ni Sammy. "Same here. Ang alam ko lang ay kaibigan siya ng kaibigan mong si Kristian," ani Vina. "And yet, hinayaan niyo akong matulog sa bahay ng lalaking iyon?! Paano kung may balak pala sa akin iyon?" asik ko, subalit nanatiling kalmado ang dalawa. "Nika, may usapan tayo na kung sino man ang nakasama mo bago ka malasing ay siya ang mag-aalaga sa'yo. But, it doesn't mean na hahayaan namin na may mangyaring masama sa'yo. Ilang pagbabanta ang ginawa namin sa lalaking iyon na ingatan ka bago kami umalis sa bahay niya," paliwanag ni Vina. "And besides, hindi siya mahirap pagkatiwalaan," dagdag pa nito. "Pero kahit na! Bakit ba ang dali niyong magtiwala?" "Bakit ang dali mong malasing?" usal naman ni Sammy na ikinasinghap ko. "Eh, sa mababa nga ang tolerance ko pagdating sa alak." "That's it. Alam mo iyan from the beginning, pero bakit hindi mo nagawang tumanggi kay Dale? Bakit hinayaan mo na malasing ang sarili mo? Hindi alam ng lalaki na mababa ang alcohol tolerance mo, pero sapat naman na siguro kung tatanggihan mo siya para hindi ka na niya alukin pa. Hindi ba?" wika ni Vina. Wala na akong nagawa kung hindi ang matameme dahil alam kong may punto sila at hindi rin naman kasalanan ni Dale kung nalasing ako. Puwede ko nga naman kasing tanggihan iyon. "Hindi mo siya nagawang tanggihan, dahil nahihiya ka namang tumanggi. But it was your responsibility to refused from his offer lalo na't alam mo ang kahihinatnan, Nika," pangaral pa sa akin ni Sammy. "Yup. Tingin ko rin naman na hindi si Dale iyong tipo ng lalaki na namimilit. Saka hinayaan ka namin sa poder ni Dale kasi we want to punished you. Para naman magtanda ka sa action na hindi mo namalayang nagawa mo. Well, hindi mo naman totally sinadya na malasing ka, but still, may pananagutan ka pa rin doon. And we hope that you have learned something, Monika. Mayroon naman, 'di ba?" mariing saad ni Vina. Tumango ako bilang tugon sa kanila. Naiintindihan ko naman ang punto nila pero hindi ko lang maiwasang mag-alala sa posibilidad na nangyari kung sakali na ibang lalaki iyon at hindi si Dale. Now, I just realize na hindi lang basta utang na loob ang mayroon ako sa lalaki. Pati kahihiyan na rin. And the most important is the lesson. "I hope you're not mad at us, Nika," mahinahong putol ni Sammy sa katahimikan. I smiled at them sincerely. "Thank you to the both of you. You know what, na-realize ko na sa lahat ng uri ng kaibigan na mayroon dito sa Earth, kakaiba kayo. Alam niyo kung kailan dapat i-baby ang isang kaibigan at alam niyo rin kung kailan dapat bigyang leksiyon ang isang kaibigan. I just thought that... you didn't care for me kaya hinayaan niyo ako," taimtim kong tugon sa kanila. "Ang arte mo! Puwede ba namang hayaan ka namin ng wala kang napapala. Tara, inom tayo ulit!" "Iinom ulit?" bakas ang gulat sa mukha ni Sammy dahil sa sinabi ni Vina. "Oo, ng Milo naman!" natatawang sagot ni Vina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD