Chapter 4

1143 Words
Exhausted. Dreary. Hagridden. Dead-beat. Lahat na ng synonyms sa salitang “pagod na pagod” ay naiisip ko. It feels like I do not have enough strength to even move my right arm. It's just that my whole body is numbed that I can't even feel where I'm lying right now. Nagising ako nang marinig ko ang pamilyar na tunog. Gustuhin ko man na abutin na ang cellphone ko ay hindi ko magawa. Hinintay ko ang ilang minuto para pakiramdaman ang sarili hanggang sa nagawa ko na ngang ikilos ang kamay ko. Parang mali yata ang pagkakahiga ko kaya namanhid nang ganito ang braso ko. Kinuha ko ang cellphone sa side table at agad na binasa ang ilang mga mensahe na hindi ko pa nabubuksan, lalo na ang kanila Vina at Sammy. From: Vina How was it, Nika? Masarap ba? Hihi. From: Sammy Hey, how are you? Napamaang naman ako sa mga text message nila sa'kin. What's with them? Ano mga pinagsasabi ng mga 'to? Nasobrahan yata ang mga ito kagabi dahil sa kalasingan kaya kung ano-ano ang mga pinagsasabi. Babalik na sana ako sa pagtulog nang mapansin kong parang may kakaiba. Iminulat ko muli ang aking mga mata at iginala ang paningin sa kabuuan ng kuwarto. Kailan pa ako nagpalit ng punda't kumot? Kailan pa naging ganito ang interior design ng kuwarto ko? O baka naman nag-check in ako sa hotel, pero bakit hindi ko yata maalala? Sinilip ko ang katawan sa ilalim ng kumot at tuluyang nalugmok sa nakita ko a— "How's your feeling?" Agad na umangat ang paningin ko sa isang bulto na kapapasok lang dito sa kuwarto. Isa siyang lalaki. Lalaki? Bakit may lalaki? Bakit sa dinami-rami ng bubungad sa umaga ko ngayon, bakit lalaki? Masamang pangitain ito. Ganito ang madalas kong napapanood. "Sino ka? Kuwarto mo ba 'to?" gulantang kong tanong sa lalaking bigla na lamang pumasok dito. "Kuwarto ko nga. Nakarating ka rito nang hindi mo alam?" nanunudyo nitong tanong. Aba't loko! Nakahalukipkip lamang ang estranghero sa paanan ng kama na kinahihigaan ko habang nakatago ang mga kamay sa ilalim ng bulsa niya. Kahit na ang dami nang nagpapaikot-ikot sa isip ko ay nagawa ko pa ang busisiin ang kabuuan nito. Matangkad. Moren– nakita ko siya kagabi. Pamilyar ang mukha niya. Maaaring guwapo siya, pero parang hindi naman yata tama ang mga nangyayari ngayon. "Puwede ba sagutin mo na lang! Wala akong maalala kagabi. N-nalasing yata ako," mahina kong saad. Narinig ko naman ang sarkastikong tawa nito dahil sa sinagot ko kaya hindi ko maiwasang makaramdam nang kaunting pagkahiya. "Yeah! You got drunk last night. Hindi mo nga naubos iyong isang bote halos mag-collapse ka na, e," pag-kuwento nito na ikinangiwi ko. "Ano pa nangyari?" He eventually smirked at me while doing a little bit slow motion step towards me without removing his hands inside his pocket. "Gusto mo ba na may mangyari?" nang-aasar nitong tanong na bahagya pang yumuko sa akin. Agad na nagsalubong ang mga kilay ko. "Eh kung yariin kaya kita ngayon?!" inis kong saad. "I'd love that. Kaya mo ba?" "Kung ano man iyang iniisip mo, hindi iyan iyon! Ano ba kasi iyong totoong nangyari?" pagpupumilit ko pa sa kaniya. "Fix yourself. Bumaba ka na at mag-a-almusal na tayo. Doon ko na lang ipapaliwanag," seryosong imporma nito sa akin. Nang akmang aalis na sana siya pero bumalik muli para harapin ako. "And, please be faster. I hate waiting," dagdag niya. Tumango ako at saka siya tuluyang umalis. As he closed the door I couldn't avoid myself to feel ashamed of what I have done. I made inconveniency. Ang masaklap pa, hindi ko alam kung anong klase at kung gaano kalala ang abalang naidulot ko sa kaniya. Ganoon man ako makitungo sa kaniya pero sa loob-loob ko ay hiyang-hiya na ako. So, paano pa ako bababa at haharap sa kaniya para mag-almusal nang kasama siya? At these time, I am expecting to be with my friends. But where the hell are they? Now I realized what their messages were up to. Nang makababa ako nakita ko sa kusina iyong lalaki habang may kausap sa cellphone nito. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko at hinihintay siya na matapos. Hindi rin naman nagtagal at natapos iyon kasabay nang paglingon niya sa gawi ko. Iminuwestra niya sa akin ang upuan sa hapag at saka siya umupo rin. "P-p'wede bang sabihin mo na sa akin?" marahan kong tanong habang alanganing umuupo sa upuan. Minutes have passed and he answer me after sipping from his mug. "I'm Dale. Kaibigan ko si Kristian. You got drunk last night at hindi na kita naawat sa pag-inom mo. I didn't know na mababa ang tolerance mo sa alcohol. Buti na lang nandoon ang mga kaibigan mo," sagot niya habang kumukuha ng fried rice. Tingnan mo? Nandoon ang mga kaibigan ko pero why did I end up here with him? "Wala ba akong g-ginawa o sinabing kakaiba kagabi?" nahihiya kong tanong. Afterall, I care for my image. Natigilan ang kaharap ko at tiningnan ako na para bang inaarok ang nasa isipan ko pero agad din namang nag-iwas ng tingin sa akin sabay iling. Gosh, nakahinga ako nang maluwag. Ang mahalaga naman ay iyong wala akong na-agrabyadong ibang tao. Buti na lang at hindi ako ganoon kahit na nalasing ako kagabi. "T-teka! Bakit ito na ang suot ko?!" histerikal kong tanong nang maalala ko ang kasuotan ko ngayon. "Sumuka ka kagabi. And don't worry, ang mga kaibigan mo ang nagpalit sa'yo ng damit. T-shirt at pajama ko lang ang mayro'n ako na p'wede mong masuot pansamantala kaya 'yan ang suot mo ngayon," kalmadong tugon nito. "Kung ganoon, bakit nandito ako kung p'wede naman ako sa bahay ng mga kaibigan ko? O 'di kaya diniretso niyo na lang ako sa bahay ko?" "Iyong isa mong kaibigan ang nag-insist na dito ka na lang daw muna. Pumayag ako, dahil mabait naman ako," pabiro nitong sagot. "Talaga lang, ah," ismid ko sa naging sagot niya sa akin. Kumain na lang ako habang nag-iisip pa rin kung ano-ano ba ang mga nangyari kagabi. Nang wala akong maalala ay kumalma na rin ako at kumain na lang ng kumain. In fairness, mabait itong Dale. Hindi mapansamantala. Pero sure ba talagang walang nangyari? Bakit tunog nanghihinayang yata ako? Napatingin ako sa kaniya at na-realize kong, g'wapo siya. Malinis tingnan. Mukhang mabango rin. Parang marami na ring nabiktima't napaiyak na mga babae. Tsk, tsk! "Uhm... Nga pala, salamat dahil pinatuloy mo 'ko rito. Saka... Sorry din kagabi. Mukhang sobra-sobra ang abalang naidulot ko sa'yo. Anyways, paano ba ako makakabawi sa'yo?" "It's okay. Hindi mo na kailangang bumawi," saad niya. Huwaw! Mabait. Napatango na lamang ako at tinuloy ang pagkain. Ayoko nang magtagal dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD