Chapter 3

1663 Words
"PUPUNTA ako mamaya, okay? Tama na panggugulo n'yo sa'kin." Agad kong pinatay ang cellphone para hindi na mapahaba ang usapan namin nina Vina at Sammy. Inimbitahan kasi nila ako sa isang Despedida Party ng ka-batchmate namin noong College kaya kailangan kong tapusin 'tong paperworks para makapag-ayos kaagad ako. Apat na taon na ang nakalilipas magmula noong nangyari sa relasiyon namin ni Lander. Wala na akong balita sa kaniya at hindi ko rin naman hinahayaan ang sarili na magkaroon pa ng koneks'yon sa kaniya. Naisip ko lang na mas mabuti na iyon kaysa pilitin ko pa ang sarili na ayos lang kahit na alam ko naman kung ano ang totoo. Besides, it was all in the past. Sakto alas-singko ng hapon nang mag-out ako sa opisina at dumiretso ako sa condo para makapagbihis na. Sakto alas-siete naman ng gabi nang makarating ako sa isang exclusive village. May kopya naman ako ng address kung saan gaganapin ang party kaya ako na lang ang pumunta. Ayaw ko rin naman na abalahin pa ang dalawa para magpasundo. "Nika! We're glad at hindi mo kami in-indian," bungad sa'kin ni Vina kasama si Sammy nang makita nila ako sa entrance pa lang. I just rolled my eyes at them at sinalubong na rin sila ng yakap. "Let's go and party-party!" Kapwa kami nakasuot ng dress nina Vina, ngunit magkakaiba lang ng kulay at disenyo. Kumpara nga lang sa amin ni Sammy ay mas daring ang damit ni Vina. I have seen these two in different aspects of their life kaya malaki ang pasasalamat ko na naging bahagi ako ng mga buhay nila. I am just so thankful at sila ang mga kaibigan ko. "Nika!" Napalingon ako bigla sa tumawag ng pangalan ko at lubos ang pagkagulat ko nang makita kung sino iyon. "Kristian?! How are you? I missed you so much!" masaya kong bati sa lalaking tumawag sa akin kanina lang. Hindi na ako nakatiis pa at inambahan na siya ng yakap. Hindi naman niya ako binigo at sinuklian din iyon nang mahigpit na yakap. "I missed you too. Nga pala, meet Dale. Kaibigan ko," agad na muwestra niya ang lalaking kasama pagkabitaw namin sa pagkakayakap. "Dale, si Nika. College friend ko," pagkuwa'y ako naman ang ipinakilala nito. "Hi, Nika. Nice to meet you," ngiting pakilala nito at inabot pa sa akin ang kaniyang kamay. Medyo naiilang man pero tinanggap ko na lang din bilang pakikisama. Hindi naman siguro maganda kung hindi ko tatanggapin. Besides, ayokong masabihan ng “attitude” where in fact, hindi lang naman talaga ako sanay. "Hello. Likewise," matipid kong tugon. "Napakatipid naman, 'te. Don't worry, single 'tong si Dale. Walang sabit, pero may lawit," biro ni Kristian. "Anyways, maiwan ko muna kayo. Nakakita lang ako nang mas masarap sa'yo Dale. D'yan ka muna kay Nika. Hahaha!" kapwa naman kaming natawa ni Dale at hinayaang makaalis si Kristian. Kaklase ko noong first year college si Kristian. G'wapo sana kaso lalaki rin ang hanap. Naging malapit kaming dalawa noong mga panahong iyon. Halos sabay din kaming nagra-rant kapag wala nang tigil ang pagpapa-projects at pa-activity ng mga Prof. Sanay din naman kaming tinatawanan lang mga nababagsak naming minor exams, pero tutor naman namin ang isa't isa kapag sasapit na ang Midterm at Finals Week. Naalala ko pa kung paano kami laging pinagkakamalang mag-jowa, dahil halos lagi kaming magkasama ni Kristian noong First year namin. Hindi naman kasi halatang binabae iyon. Damit-lalaki pa rin siya. Natigil lang siguro ang mga haka-haka noong mag-Second Year kami kasi nag-shift siya ng kurso. Matapos kaming alisan ni Kristian ay nilingon ko sa likod sina Vina at Sammy, pero ang mga loka, nawala na naman. "Wanna seat?" alok ni Dale sa'kin habang tinuturo ang isang bakanteng silya. Tumango ako bilang sagot at inalalayan naman ako nito paupo. Medyo awkward pero ramdam ko namang mabait si Dale. Nawa? "Umiinom ka ba?" tanong nito sa akin kalaunan. Nilingon ko siya at medyo napaatras pa ako ng ulo dahil sa lapit namin sa isa't isa. "Medyo lang," tugon ko. Balak yata akong lasingin nito, a. "Okay. Ayos lang ba sa'yo kung hindi hard drinks ang ibigay ko sa'yo?" muling tanong nito. "Sure. Mahirap na at baka malasing pa ako, e. Hahaha!" biro ko. "Right." Umalis din naman siya agad para kumuha ng maiinom tulad nang sinabi niya. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa matabunan na siya ng mga taong nakatayo sa gitna. Kung susumahin ko ang pisikal na anyo ng lalaking iyon, guwapo siya. Iyong klase ng itsura niya ay iyong mga College guy sa Department ng Engineering. Well, don't get me wrong. Sadyang mas marami lang talaga akong nakikitang mas ma-itsura na taga-Engineering lalo na noong nasa College pa ako. Mas matangkad din siya kay Kristian, napansin ko lang kanina noong magkatabi sila. Moreno rin siya. Hindi siya kaputian na lalaki kaya mas lalong naging manly lalo ang aura niya. Which is mas gusto ko sa isang lalaki. Ayoko naman ng mga lalaking mas maputi pa sa akin. Hindi ko lang feel. So, paano nakalusot sa'yo si Lander? Agad kong pinilig ang ulo nang marinig ko sa kabilang bahagi ng utak ang pangalang iyon. Natuto na ako. Kaya mas prefer ko na ng mga morenong lalaki. But, I'm not saying na crush ko si Dale. Hindi naman ako ganoon ka-desperada. Hindi na rin naman ako teenager para makaramdam ng crush-crush na iyan. Nabanaag ko si Dale na may mga kausap na lalaki at nakikipagtawanan. Hindi kaya may balak sa'kin 'tong Dale? Kunwari hindi hard drinks ang ibibigay sa'kin pero ang totoo 'yong may drugs, tapos 'pag lasing na ako dadalhin n'ya ako sa isang liblib na lugar para halayin. OH MY GOSH! Naniniwala pa naman ako sa “looks can be deceiving.” Mas maraming nahuhulog sa mga ganoong klase ng patibong. Malayo pa lang tanaw ko na si Dale na pabalik dito sa mesa namin habang may hawak ng dalawang bote ng alak. Mukhang nagpaalam na rin siya agad sa mga kausap niya kanina. DALE'S POV "HINDI ako lasing! Hindi pa, okay? So, ssshhh! Kumalma ka." Napakamot na lang ako sa ulo habang pinagmamasdan si Nika. Hindi naman hard drink ang binigay ko sa kaniya. Isang bote pa lang din naiinom n'ya at wala pa sa kalahati ang naiinom n'ya ro'n, pero lasing na s'ya ngayon. "You know what, stop drinking that beer. Malakas na tama sa'yo. Ako na lang uubos n'yan, okay?" marahan kong saad sa kan'ya pero sa loob-loob ko ay namomroblema ako. Tiningnan naman n'ya ako ng masama nang akmang aagawin ko na sa kaniya ang boteng hawak-hawak niya. "Sinasabi mo bang lasing na ako, Dale?" "H-huh? Hindi n-naman sa gano'n. Nag-aalala lang ako sa'yo," sagot ko. "Wala kang maloloko. Iyon ang pinaparating mo, e. Para sabihin ko sa'yo, hindi ako lasing. Kuhaan mo pa 'ko ng isa pa nito. I'll show you how strong I am. Gooo!" sabay tungga n'yang muli sa bote. Hindi ko na alam gagawin ko sa babaeng 'to. Bakit ba kasi inalok ko pa ng alak? Tangina. Kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari ay iniwan ko na ito rito. Pero ewan ko ba kung bakit nag-alok pa akong samahan siya. Mas'yado kasing obvious na hindi ganoon ka-komportable rito. Nagmagandang-loob lang ako. Nakapikit ito habang sinisimot ang alak na nasa bote. Hindi ko siya sinunod na kuhanan pa siya ulit. Kung kinakailangan na puwersahan kong mapatigil na siya ay gagawin ko. "Nika? W-wait, are you d-drunk?" saad ng isang babae na kararating lang sa mesa namin. Napatingin naman ako roon at nakita ko ang dalawang babae na gulat na gulat habang nakatingin kay Nika. Tumayo ako para bigyang espasyo ang mga ito, pero nanatili lang ako roon. "No! I am not." "Omg, Vina! Delubyo na naman 'to!" "I know, Sammy. Kilala naman natin kung ga'no kaabnormal 'tong babae na 'to 'pag nalalasing— Sinong siraulo nagpainom dito?! Siya pag-aalagain natin dito!" Rinig kong galit na saad ng isa. Hindi ko alam kung dapat ba akong umamin, pero hindi ko naman alam na ganito mangyayari, e. Asar naman oh! "H-hey. Kaibigan n'yo ba si Nika?" Sa huli ay sumabat na rin ako kaya agad na napunta amg atensiyon ng dalawa sa akin. Iyong isa ay gulat, samantalang ang isa ay parang lalapain na ako ano mang oras. "Sino ka naman? Ikaw ba nagpainom sa lokaret na 'to?!" "I'm sorry. I didn't know th—" "WALA AKONG PAKE! HINDI KA UUWI HANGGA'T HINDI NAKAKAUWI NANG WALANG KABABUYANG GINAGAWA 'TO!" paghihisterikal na nga ng isa. Tangina, paano ako napasok sa sitwasiyong ito? "Actually, mababa ang tolerance ni Nika sa alcohol kaya kahit ilang inom n'ya pa lang nalalasing na s'ya," paliwanag ng isa na medyo kalmado lang pero halata mong problemado na rin. "Okay. I'll take the responsibility," presinta ko. "Aba dapat lang—" hindi na natapos nito ang sasabihin nang biglang sumabat si Nika na ikinamaang ko nang sobra. "Itong si Dale, balak akong lasingin! Hahalayin n'ya ako 'pag nalasing ako. Hah! 'Di n'ya alam 'di naman ako malalasing. He wants to f**k me, girls," sabat ni Nika na wari'y nagsusumbong sa mga kaibigan n'ya na akala mo, e wala ako sa harap nila. "Pucha," tanging tugon ko. Saan nakuha ng babaeng 'to ang ideya na gano'n?! "You want to f**k me, Dale, right? Kaya m-mo 'ko inalok ng a-alak? You want to have s*x with m-me? Then, let's go! You guys are all the same." Hindi na ako nakatiis at nilapitan siya sa kinauupuan niya. Wala na akong pakialam kung nasa harap kami ng kaibigan niya, pero she judged me, and she deserves this. Sasakyan ko na lang. "f**k this woman's mouth. Wala akong balak na gano'n sa'yo, but if you want me to do that idea of yours, then I'll give it to you. Right now. At this moment."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD