Chapter 2

1313 Words
KITANG-KITA ko kung paano maingat na inalalayan ni Lander si Hara para makaupo. Ayoko mang makita, pero tila isa akong tuod at napamaang na lamang sa kinauupuan ko habang masugid silang pinagmamasdan. Nasasaktan na ako. Buong akala ko na may tatapusing Research si Lander kaya siya tumanggi sa alok ko kanina para sabay sana kaming manananghalian. Iyon pala, si Hara ang kikitain. Dali-dali akong tumayo at walang pasabing umalis sa coffee shop na iyon. Agad akong sumakay sa isang taxi na nakahinto kahit alam kong nagulat ang driver sa biglaang pagpasok at doon ko hinayaang tumulo ang mga luha ko. Imbes na makaramdam ng hiya, dahil sa biglaan kong pag-iyak ay mas nanaig ang awa ko para sa aking sarili. Hindi ko inakala na aabot pala ako sa punto na ito kung saan nawawalan na rin ako ng pakialam sa paligid ko. Hindi ko na nga rin nagawang magpaalam kina Vina at Sammy. Pero alam ko naman na naiintindihan nila ako sa mga oras na ito. Kailangan ko lang din mapag-isa ngayon. Ito naman ang kadalasang sinasabi sa mga teleserye o kahit sa mga nobelang nababasa't napapanood ko. Hindi ko rin alam na kakailanganin ko rin palang magamit ang gasgas na linyang iyon. _____________________________________ NAGISING ako sa malakas na tunog mula sa cellphone ko. Sinagot ko ang tawag nang 'di tinitingnan kung sino ang caller dahil hindi pa gaanong gising ang diwa ko. "Hello," paos kong bungad mula sa kabilang linya. "Hindi ka pumasok?" Agad ko namang nakilala kung sino iyon. "Papasok ako mamaya. Tinatamad akong pasukan 'yong first class ko." "Tinatawagan ka namin, pero 'di ka sumasagot kagabi. Ayos ka lang ba?" "Lagi naman akong okay, Sammy," tugon ko habang bumabangon na. Nawala na lang kasi bigla iyong antok ko nang mahimigan ko ang nag-aalalang tono ni Sammy. "Hinahanap ka sa'min ni Lander kagabi. Pinigilan lang namin ni Vina na mamura s'ya!" "Loko kayo. Hahaha! Oh s'ya. Mag-aasikaso na ako. Salamat." Tamad akong kumilos buong umaga. Naubos siguro ang lakas ko sa kaiiyak kagabi. Nakatulugan ko na nga lang yata ang pag-iyak kaya mata't katawan ko na rin mismo ang bumigay. Ibinuhos ko na lahat ng sakit kagabi kaya pakiramdam ko namamanhid na ako ngayon. Nakapag-desisyon na rin naman ako. I texted Lander to meet me in the Food Hall at lunch. Pumunta ako nang mas maaga dahil pakiramdam ko mas mabuti na mauna ako kumpara sa kaniya. Bukod sa kinakabahan din ako sa magiging reaksiyon niya, natatakot din ako sa maaaring isagot niya sa akin. What if, ayos lang sa kaniya? Na hinihintay niya lang talaga na ako ang makipagkalas para hindi siya ma-konsensiya? Paano nga kung ganoon nga talaga? Then, if that's the case, I would probably get hurt. Big time. Natigilan lang ako sa pag-iisip nang biglang may dumating sa harapan ko. "Love! I'm sorry. Kanina ka pa ba naghihintay?" agad na tanong sa'kin ni Lander pagkalapit niya sa kinauupuan ko. Hahalik sana siya sa pisngi ko, pero iminuwestra ko na sa kan'ya ang upuan sa harap ko. Batid ko ang pagtataka sa mukha niya habang nakatingin sa akin. Nakaramdam naman ako ng konsensiya sa iniasta ko, pero pinanatili kong tatagan ang loob ko. Hindi p'wedeng lalambot na naman ako sa kaniya. Hindi na puwede. Hindi sa pagkakataong ito. Hindi na ako nakatiis at nagsimula na ako. "Kumusta 'yong pagkikita n'yo ni Hara kahapon? Worth it naman ba 'yong pagtanggi mo sa alok ko sa'yo kahapon? Ayos ba?" kalmadong tanong ko. Halata sa mukha niya ang gulat pero nanahimik na lamang s'ya. "Sa loob ng 3 years, Lander minahal mo ba ako? I want an honest answer, Lander. H'wag mo na 'kong bilugin this time," walang pakundangan kong dagdag. Napamaang ito sa diretso kong tanong. Nakatingin lang ako sa ano mang magiging reaksiyon niya. Gusto kong makita lahat sa kaniya. Gusto ko lang siyang pagmasdan at baka ito na ang huling pagkakataon na matititigan ko siya nang ganito kalapit. At baka ito na rin ang huli na mayroon akong karapatan sa kaniya. Bumuka ang bibig niya pero kalauna'y itinikom niya rin. Wari'y hindi malaman kung ano ang tamang sasabihin, dapat na sabihin. Humugot ito nang malalim na paghinga bago tuluyang nagsalit. "Mahal kita, Nika pero... mas mahal ko siya. Napapasaya mo 'ko pero mas higit ko siyang kailangan. Mahal ko pa pala siya. Maybe, this is not for us. We aren't meant for each other," mahinang tugon ni Lander. Matapos niyang sabihin iyon ay parang binunutan siya ng tinik sa dibdib. Para bang matagal na niya iyong itinatago at ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob upang sabihin iyon. Isinantabi ko ang sakit na naramdaman ko nang marinig ang sagot niya. Mapait akong ngumiti kasabay nang pagyuko ko. "Bakit nanatili ka pa rin sa'kin?" tanong ko kasabay nang pag-angat ng ulo ko. "Dahil mahalaga ka sa'kin." "Ang sabihin mo, playing safe ka. Napaka-selfish mo. Alam mo naman palang mas mahal mo pa rin si Hara, pero pinapaniwala mo 'ko na ako lang. Na ako na lang. Iyon pala nakikihati pa rin ako kay Hara. Bakit ba hindi na lang ako, Lander? I love you. Please, don't leave me. Choose me and I'll make you happy," nanghihina kong saad sa kaniya habang nagmamakaawa. Pilit kong pinipigilan ang kanina ko pang luha na nagbabadya nang bumagsak ano mang oras. "H'wag mo 'kong papiliin, Nika. Ayokong masaktan ka," nahihirapang sagot nito sa'kin habang pilit inaabot ang mga kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa. "Then, leave me. Let's stop this. I'm breaking up with you, Lander. Wala na akong rason para kumapit at manatili pa. Hindi mo man sabihin nang direkta sa'kin, pero alam ko naman. I'm setting you free, Lander. All I want is your happiness, so choose to be happy. So, please. Leave me now," matapang kong saad habang pinipigilan kong mapahikbi sa harap n'ya. Pinanatili ko ang mga mata ko na nakatutok lang din sa mata niya. Tahimik akong bumubulong sa aking sarili na sana hindi niya ako sundin, na sana hindi siya umalis at piliin niyang manatili sa tabi ko. Nagbabaka-sakali ako na ako ang pipiliin niya sa pagkakataong ito at hindi si Hara. Gusto ko ako. Gusto ko ako lang. Tinitimbang niya ako gamit ang pagtitig sa'king mga mata hanggang sa ilang minuto kaming nanahimik. Hinayaan namin na manaig ang katahimikan sa pagitan namin. Yumuko siya at kinuyom ang mga kamao hanggang sa tuluyang tumayo sa kinauupuan n'ya. Nakaramdam ako nang panlalamig at pagbilis ng t***k ng puso ko. Mas lalo kong tinatagan ang loob upang hindi muna bumagsak ang mga luha ko. Pero sa kabila ng mga pagtutol ng isip ko, hinayaan ko s'yang umalis at hindi na nilingon ang gawi n'ya, dahil alam kong tatakbo lang ako sa kan'ya para yakapin siya nang mahigpit at magmakaawa ulit na h'wag akong iwan. Ilang minuto lang akong nakaupo sa puwesto ko habang nakatanaw sa mga ulap na abot tingin ko lamang. Hindi na ako nakagalaw pa magmula nang umalis si Lander at mas pinili na lang na pagmasdan kalangitan. Kahit papaano, nababawasan iyong bigat na nararamdaman ko. Gusto kong i-congratulate ang sarili, dahil sa tapang na ipinakita ko sa harapan ni Lander. Pero hindi ko magawa, dahil alam ko kung ano talaga ang gusto ko. At iyon ay ang mahalin at piliin din ako ni Lander. Maaaring masakit pa ngayon, subalit alam kong maghihilom din ang sakit na ito paglipas ng panahon. May mga pagkakataong ayaw man natin, subalit kinakailangan pa rin para sa ikabubuti ng lahat. Hindi naman kasi ibig sabihin na pinalaya mo ay hindi mo na mahal, bagkus pinalaya mo, dahil hangad mo lamang ang maging masaya ang taong lubos mong minamahal at kahit 'wag na ang sariling kaligayahan. Hindi ako nagsisi na minahal ko si Lander. Maybe it's not him for now. Maybe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD