Chapter 1

1056 Words
"ALAM mo, Nika gustong-gusto na kitang iuntog sa cleavage ko nang matauhan ka naman! Sinabihan ka na namin na makipaghiwalay ka na kay Lander, pero wala. Ang tigas ng bungo mo!" "Huwag ka nang mag-settle sa relasiyon niyo ni Lander. Ikaw lang nasasaktan, e." "Mahal ko si Lander. Hindi ko kayang makipaghiwalay sa kaniya," mahinang sagot ko sa dalawang kaibigan ko na kapwa nakikinig sa'kin ngayon. "Eh ano'ng gusto mong mangyari? Araw-araw ka na lang umiiyak nang dahil sa letseng Lander na hinayupak na iyan! Kung 'di ba naman manhid 'yang jowa mo," inis na sabat ni Vina sa'kin pagkatapos niyang sumimsim sa iniinom na kape. Iniangat ko ang mukha ko at tumingin sa labas ng bintanang kinauupuan namin. "Hihintayin ko na lang na si Lander ang makipagkalas sa'kin," sagot ko. "Aba, tanga nga talaga! Pagsabihan mo 'tong kaibigan natin Sammy at nag-iinit ang ulo ko," bakas sa boses ni Vina ang pagkaubos ng pasens'ya. "Kumalma ka nga, Vina. Hindi nakakatulong kay Nika 'yang mga sinasabi mo." "Kahit ano naman sabihin natin d'yan, e hindi naman marunong makinig sa'tin 'yan. Ang amin lang naman, Nika ay ang mapabuti ka naman na. Nagbubulag-bulagan ka na r'yan kay Lander, e. FYI, a. Ipapaalala ko lang sa'yo. Mali 'yong taong minahal mo nang lubos, dahil hindi pa siya tapos magmahal ng iba. Hindi pa kayang ituon ni Lander ang buong pagtingin niya sa'yo kasi si Hara pa rin ang mahal niya hanggang ngayon. Kaya kung ako sa'yo, makipag-break ka na sa kaniya. H'wag ka nang maghintay!" mahabang litanya pa nito sa'kin na siyang ikinapanghihina ko pa lalo. Hindi na ako umimik pa, dahil alam kong talo rin ako kung makikipagsagutan pa ako kay Vina. May punto naman sila. Naiintindihan ko rin kung ba't gano'n na lang ang mga nasasabi nila sa'kin, pero sadyang mahal ko talaga si Lander. Siya lang ang lalaking hinayaan kong pumasok nang ganito sa buhay ko. "Hindi ko kayang bitawan ang taong mahal ko," pabulong kong saad habang nakatanaw lang sa labas. "Kahit ganito pa ang makita mo ngayon?" tila nang-aasar na tanong sa'kin ni Vina habang nakanguso sa 'di kalayuang table sa'min. Si Lander. Kasama si Hara. Tila napako ako sa kinauupuan ko. Hindi ko mawari kung ano ba ang eksaktong nararamdaman ko sa mga oras na ito. Napapagod na ako. Magkaharap silang dalawa habang nagtatawanan. Tingin ko'y nag-uusap sila kung ano ang pagkaing o-orderin nila. Nakakatawa naman. Halos hindi na nga kami magkasabay kumain at magkita ni Lander, pero nagagawa niya pa rin pala ang makipagkita kay Hara. Ang dami niyang oras para sa kaniya. Pero pagdating sa akin, tambak siya ng gawain. "Ano kaya'ng pakiramdam maging si Hara?" wala sa sarili kong tanong. Ramdam ko ang gulat na paglingon sa'kin nina Vina at Sammy. Narinig ko pa ang pagpalatak ni Vina, marahil sa sobrang inis na yata talaga sa akin. "Tanga na nga siguro talaga ako." Pansamantala ko munang iniiwas ang paningin sa bandang gawi nila. "Sinabi ko naman kasi sa'yo, e. Iyan tuloy," mahinang wika ni Vina at sinabayan pa nang malalim na pagbuntong-hininga. "Ayaw lang naming nasasaktan ka nang ganiyan, Nika," sabat naman ni Sammy habang mabini akong hinahagod ng kamay niya sa aking braso. "Sobra-sobra na pagiging hipokrita mo, sa totoo lang. Yes, nandoon na tayo na mahal mo siya. Ang tanong ba, mahal mo ba ang sarili mo? Maaaring kaya pa ng pisikal mong makasama siya, pero paano naman iyang kaloob-looban mo?" Nanaig ang ilang katahimikan at saka muling nagsalita si Vina. "Pigilan mo iyang luha mo. Huwag dito, Nika. Ayokong magkaiyakan tayo rito," dagdag pa niya saka siya umiwas ng paningin sa akin. Sa huling pagkakataon ay nagawa kong lingunin muli ang gawi nila Lander. Pumunta sila sa malapit na food stall at sabay na bumibili ng makakain. How I wish na sana kagaya na lang ng pagmamahal ni Lander kay Hara ang pagmamahal niya sa'kin. How I wish... Ayokong mapagod, pero binibigyan ako ng dahilan para mapagod. Ayokong itigil, pero binibigyan na mismo ako ng mga dahilan para itigil ang mga ito. Gusto ko pang ituloy at ilaban, pero may mangyayari ba? Sa huli, alam ko namang ako pa rin ang mawawalan at magmumukhang kawawa. Hindi ko na alam kung saan banda ako nagkulang. Hindi ko ba talaga kayang pantayan at talunin ang pagsasamang nabuo nila Hara noon para maging ganito ako ngayon? Maging ganito kami ngayon? Minahal ko si Lander sa pagkakaakalang tapos na niyang mahalin si Hara. Yes, wala na sila. Wala ng label. Wala ng relasiyon sa isa't isa, pero paano ang atensiyon at nararamdaman niya? Tuluyan bang naglaho iyon? Alam ko namang hindi basta-basta nawawala iyon, pero bakit kailangang mayroon ako gayong hindi pa pala niya kayang alisin sa sistema niya ang nakaraan? Kaya ko namang tanggapin. Ang hindi ko lang kaya ay ang iparamdam niya sa akin na para bang nakikihati ako, where in fact, buo ko dapat matanggap ang mga iyon. Kaya ko naman, e. Kaya ko. Kakayanin ko. Pero nauubos din naman ako. I really hate this feeling. Nagmahal ako hindi para maki-share. Nagmahal ako para matanggap ko ang pagmamahal na deserve ko at deserve ng taong mahal ko, pero bakit parang ang daya ngayon? Nasa akin ba talaga ang mali? Hindi ba sapat ang kaligayahang naibibigay ko sa kaniya? Hindi niya ba nararamdaman ang pagmamahal na nilalaan ko para sa kaniya, o sadyang... mahal niya talaga ako pero mas mahal niya pa rin si Hara? Hindi ko namalayan na ilang minuto na pala akong nakatulala at nanatiling nakatuon ang paningin sa lamesa. Kung hindi pa ako nasanggi ni Sammy ay baka hindi pa ako bumalik sa realidad. Muli kong iniangat ang paningin sa mga kaibigan ko at matamang tinitingnan ako na para bang may hinihintay mula sa akin. Nahihiya na ako sa kanila at lagi ko silang inaabala sa ganitong klase ng bagay na dapat ako mismo ang rume-resolba. Atleast, kahit papaano ay naramdaman kong kasama ko sila at masasandigan ko sila sa mga ganitong pagkakataon. Marahil, hindi man ako sinuwerte sa lalaking minahal ko ngayon, hindi naman ako minalas sa pagpili ng mga kaibigan. Binalik ko ang atensiyon kina Lander at Hara na kapwa may hawak. Bote ng mineral kay Hara, samantalang dalawang plato naman sa magkabilang kamay ni Lander. Masakit na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD