"ANO?! BAKIT? SAAN? KAILAN? PAANO?!" Kaharap ko ngayon si Vina at halos hindi makapaniwala nang i-kuwento ko sa kaniya ang lahat. Ngayon lang siya nagkaroon ng oras para makipagkita sa akin kaya naman ngayon ko lang din nasabi sa kaniya ang mga nangyari nitong nagdaang mga araw. Ayaw ko naman kasi na idaan sa cellphone lang ang lahat, dahil baka hindi ako makapag-kuwento nang maayos sa kaniya. Mas malaki rin ang porsiyento na pangungunahan ako ng babaeng ito kaysa ang patapusin ako sa pagsasalita. Kaya mas mainam nang personal. "Ano ba namang reaksiyon iyan, Vina? Kaku-kuwento ko lang sa'yo, e," natatawa kong saad. Linggo na rin ang nakalipas at naging mas madalas na kaming nagkikita at nagkakasama ni Lander. Dahil doon, hindi ko na rin nakakasama si Dale pero nakakausap ko pa naman si

