Chapter 32

2279 Words

KINABUKASAN, hindi ko hinayaan na magmukmok lang sa loob ng apartment ko kaya naman pumasok din ako kaagad sa trabaho. Ayaw ko rin naman na pati ang pagtatrabaho ko ay maapektuhan nang dahil lang sa ganitong klaseng personal kong isyu. Alam ko kung gaano ko pinahahalagahan ang pagiging propesiyonal ko sa larangang ito kaya dapat ko munang isantabi ang problemang puso ko. May oras naman ako para d'yan. Iginugol ko ang sarili sa pagtatapos ng mga paperworks na nakabinbin lalo na iyong mga papeles na naiwan ko kahapon. And because I am too preoccupied, mabilis ko rin itong natapos bago pa mag-tanghalian kaya naman kahit wala na akong magawa ay humanap pa talaga ako ng pagkakaabalahan tulad na lang ng paglilinis ng office table ko, pagwawalis ng sahig at nagtimpla ng kape para sa mga empleyad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD