Chapter 1

2637 Words
Pinaglaruan ko ang aking mga daliri, habang nilalabanan ang matinding kaba sa aking dibdib. "Birthday po ng—" "Galing kami sa university," sabi ni Mama kaya hindi ko na natuloy pa ang aking sinasabi. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat. Kinakabahan ako, dahil alam kong nalaman na nila ang nga pinaggagawa ko. "Nalaman namin lahat ng kalokohan mo. Really, Avishai? Nagyoyosi ka sa loob ng campus?!" Namumula ang mukha at mata ni Mama sa galit, kaya nagyuko na lang ako. "At lahat ng subjects mo ay bagsak!" Kinagat ko ang aking labi at pinili na lang na manahimik. "You are a disappointment! What happened to you? Hindi ka na namin kilala!" "Saan kami nagkulang, huh? Hindi ka namin pinalaking ganiyan!" "Puro bagsak ang mga subjects mo! Binibigay namin ang lahat ng gusto mo! In return you just need to be a good daughter. Kahit hindi na deans lister, atleast pasado man lang sana. Buti sana kung nahirapan ka lang sa subjects mo. But no! Inuna mo ang barkada at iyang bisyo mo! Ikaw pa ba ang anak namin?!" "You are a failure!" Masakit ang mga sinasabi nila, pero manhid na ako. Pagak akong tumawa. "Pinalaki niyo akong ganito. You made me this," sagot ko. Matapang kong sinalubong ang mga tingin nila sa akin. Napaawang sa gulat ang mga labi nina Papa at Mama. "Gusto niyong kontrolin ang buhay ko! Nakakasakal na kayo! Mula noon wala na kayong ibang ginawa kundi paghigpitan ako!" sumbat ko. "That's because we love you!" "Hindi iyan pagmamahal, Papa! Hindi ganiyan ang pagmamahal! Ginawa ko naman ang lahat ng gusto niyo. Pero sana minsan i-consider niyo din ang gusto ko. Tinanong niyo man lang ba ako kung gusto ko ang kurso na pinili niyo sa akin? Di ba, hindi?! Basta na lang kayong nagdesisyon. Ayaw kong kumuha ng agriculture! Gusto kong maging isang designer o kaya maging isang architect! Hindi niyo naman talaga ako mahal, e! Dahil kung mahal niyo ako, hindi niyo ako sinasakal. Lahat na lang bawal sa pamamahay na ito!" "Iyan ba ang natutunan mo sa mga kaibigan mo?! Ang sagut-sagutin ang mga magulang mo?! We didn't made you this! Your friends made you like this! At walang ibang puwedeng sisihin kung hindi ikaw!" Umiling ako. "O, di ba! Hindi niyo man lang pinakinggan ang sinabi ko! Hindi niyo man lang inintindi! Ganiyan naman kayo, e! Sana hindi na lang kayo ang naging magulang ko! Buti pa—ah!" Halos mawalan ako ng balanse sa lakas ng pagkakasampal sa akin ni Papa. "How dare you!" Nanginginig ang kaniyang kamay na dinuro ako. May luha ang aking mga mata pero matapang ko pa din siyang tiningnan. "Ilayo mo sa akin ang anak mo. At baka tuluyang magdilim ang aking paningin," sabi ni Papa kay Mama. Tumalikod siya at hinilot ang kaniyang noo. "Pumasok ka sa kuwarto mo! Hangga't hindi ka natututo ng leksyon bawal kang lumabas ng pamamahay na ito!" "What?!" hindi makapaniwalang tanong ko. "Paano ang— "Pag-aaral mo?" sarkastikong tanong ni mama. "Nag-aaral ka ba? Ang alam ko lang, puro bagsak ang mga subjects mo. Pag-aaral ba ang tawag doon?! Umakyat ka sa kuwarto mo!" "SINA mama po?" tanong ko sa isa naming katulong na nagdala ng pagkain dito sa aking silid. Dahil bawal akong lumabas, pinanindigan ko na ng bonggang-bongga. Hindi din ako lumalabas dito sa aking silid. Dinadalhan na lang nila ako ng pagkain mula almusal, tanghalian, meryenda at hapunan. Na minsan ay hindi ko kinakain. Nakikipagmatigasan ako kina Mama. Kaso, mas matigas pa sila sa akin. Mga wala talaga silang puso. Talagang pinaparusahan ako ng mga magulang ko. Ang lupit talaga nila sa akin. "Nasa bukid, hija," maiksing sagot sa akin ng aming kasambahay. Tinignan ko lang ang nilapag nilang pagkain sa maliit na lamesita. Wala akong ganang kumain. Nahiga ako at nag-scroll sa aking cellphone. Nang makita ko ang posts ng aking bestfriend na si Angie, na nag-aaral sa Maynila. . . Nakabuo ako ng isang idea. Tama! Pupuntahan ko siya doon. Agad akong bumangon sa kama at nilapitan ang aking cabinet. Kinuha ko ang aking bagpack at ito ang pinuno ko ng aking mga damit. Sinilip ko ang aking wallet, kaso tatlong libo na lang ang laman nito. Ilang minuto akong nagpalakad-lakad sa aking kuwarto hanggang sa maalala ko ang pera sa kuwarto nina Mama. Anihan ngayon kaya madami silang cash sa kanilang kuwarto. Hindi sila agad nag-de-deposito sa bangko hangga't hindi nila napapaani ang lahat ng palayan namin. Lumabas ako ng aking silid. Luminga-linga ako sa buong paligid at nang masigurado ko na wala ang mga katulong dito sa ikalawang palapag, agad akong nagtungo sa silid nina Mama. Naka-locked ang kanilang pinto, pero nagawa kong buksan ito gamit ang aking hairpin. Natutunan ko lang ito sa pinapanood ko na movie. Wala akong sinayang na oras. Agad kong hinalughog ang cabinet nila pero hindi ko ito nakita. Tang ina! Nasaan kaya iyon? Nasisiguro kong nandito lang ito sa kanilang kuwarto. Pinagpawisan ako sa paghahanap, hanggang sa maisipan kong iangat ang kanilang kutson. Napangisi ako nang makita ko ang limpak-limpak na pera na pinagbentahan nila ng ani. Nilagay ko ito sa aking sling bag. Siniksik ko ito nang husto hanggang sa mapuno. At ang iba ay nilagay ko sa aking bag. Hindi naman ito ikakalugi nina Mama. Madami pa silang pera sa bangko na nakatabi lang doon. Ngayon na may pera na ako, puwede na akong umalis sa pamamahay na ito. Magiging malaya na ako at magiging masaya na din ang mga magulang ko, dahil wala na silang anak na po-problemahin. NAGMAMADALI akong bumaba sa hagdanan. Lumabas ako sa pintuan sa likod para walang makakita sa akin. Sa may kakahuyan din ako naglakad upang masiguro na walang ibang makakakita sa akin. May pagmamadali ang ginawa kong hakbang upang maabutan ko ang bus na biyaheng Maynila, na dumadaan sa highway bandang alas dos ng hapon. Saktong-sakto lang ang dating ko. Kumaway ako sa bus na parating. "Saan po kayo, Ma'am?" tanong ng konduktor sa akin. "Sampaloc po," nakangiti kong sagot. Tinuro niya ang bakanteng upuan sa bandang gita. Success! NAGISING ako nang bumagal ang takbo ng bus. Sumilip ako sa bintana at nakita ko na nasa toll gate na kami. Kulang isang oras, makakarating na kami sa Sampaloc terminal. Inaantok pa ako pero tiniklop ko na ang maliit na kumot na dala ko. Napakalamig kasi talaga itong bus kaya mabuti na lang at may dala akong maliit na kumot. Uminom ako ng tubig saka ngumuya ng chewing gum para naman fresh breath ako pagdating ko doon. Nagsuklay ako at naglagay ng polbo sa mukha. Nang masiguro na maayos na ang aking mukha, inayos ko na ang aking mga gamit. Kaninang bus stop, inayos ko na ang mga pera sa bagpack. Hindi ko puwedeng ipahalata na may dala akong madaming pera at baka manakawan pa ako. Naka-off ang aking celphone para hindi ako ma-contact nina Mama at Papa, pero naunahan ko ng sinabihan si Angie na paluwas ako. Sinabi ko na sunduin niya ako sa terminal. Alam naman niya ang oras ng dating ng bus sa Sampaloc, dahil ito ang bus na sinasakyan niya kapag ganiyan na umuuwi siya sa aming probinsya. Tiyak na galit na galit na ngayon sa akin sina Nanay at Tatay dahil sa ginawa kong pag-alis. Sinubukan kong magtipa kanina ng mensahe para sa kanila pero nagbago ang isip ko. Sasabihin ko sana ang tungkol sa pag-alis ko, pero minabuti ko na huwag na lang. Sino ba naman ang maglalayas na magpapaalam. Masaya ako na nakalaya na ako sa kanila. Nakakapagod nang maging anak nila. "Sampaloc! Sampaloc!" sigaw nang konduktor nang huminto na ang bus sa terminal. Tumayo na ang ibang mga pasahero at isa-isang bumaba ng bus. Sinukbit ko paharap ang bagpack ko. Ang sling bag naman ay binitbit ko na lang. Ganito pala sa Manila. Kahit madaling araw, mainit pa din ang hangin. "Avi!" tili ni Angie nang makalapit siya sa akin. Nagtatalon kaming dalawa sa tuwa. "Masaya ako na nandito ka," natutuwa niyang sambit. "Mas masaya ako," sabi ko naman. "Gaga ka, ano'ng nangyari? Nagulat naman ako sa'yo. Bigla-bigla ka na lang lumuwas." "Dito ba tayo mag-uusap? Gusto ko nang mahiga," reklamo ko sa kaniya. "Tara na. Walking distance lang ang boarding ko mula dito. At saka sasabihin ko sa'yo. . . May mga taga-atin na doon din nagbo-boarding. Kaya kung plano mong pangatawanan ang paglalayas mo, hindi ka puwede doon. Puwede kang magpahinga saglit doon ngayon, pero kailangan mo ding umalis. Maghahanap tayo ng ibang boarding house mo." "Sige, gusto ko iyong wala akong kasama," sagot ko naman. Pagkatapos magpahinga ng ilang oras, naghanap kami ng apartment ni Angie. May nahanap naman kami agad. Agad na akong nag-down. Binayaran ko ang apat na buwan na renta. Sinabi ko kay Angie ang nangyari. Hindi siya makapaniwala sa pinaggagawa ko. At gulat na gulat siya nang sinabi ko na ninakaw ko ang pinagbentahan ng palay nina Mama. Hindi naman niya ako ni-judge. Ang sabi niya naiintindihan niya. Magkaiba kasi kami ni Angie. Kung ako, sobrang hinihigpitan, siya naman, napakaluwag ng kaniyang mga magulang. Napaka-cool ng mga ito, hindi gaya ng mga magulang ko na sobrang higpit. Bumili lang ako ng kutson at ilang mga gamit sa apartment. Nag-shopping na din ako ng mga damit. Iyong mga damit na dati ay hanggang tingin na lang ako. Lahat na lang talaga bawal sa mga magulang ko. Hindi ko man lang ma-enjoy ang pagiging teenager ko dahil sa kanila. Kaya ngayon na malaya na ako, puwede ko nang gawin ang lahat ng gusto ko. "Wooh!" sigaw namin ni Angie, habang patuloy kami sa paggiling sa dance floor. Sinama niya ako sa isang bar dito sa Manila na madalas nilang puntahan ng kaniyang mga kaibigan. Tinungga ko ang alak na inabot ng kaniyang mga kaibigan bago ako muling sumayaw. Sobrang saya ko dahil nagagawa ko na ang mga bagay na gusto ko. May mga lumalapit sa akin na mga lalake pero nilalayuan ko sila dahil hindi ko sila type. Hindi naman kasama ang lalake sa pagpunta ko dito. Sabi ni Angie, i-enjoy ko daw ang maging single. Pangit daw ang may boyfriend. Nakakasakal din daw gaya ng mga magulang ko na mahigpit. Naupo kami ni Angie sa bakanteng couch dito sa bar. At habang hinihintay namin ang order naming alak, nagawi ang aking paningin sa mesa na may ilang metro ang layo mula sa kinauupuan ko. Pinilig ko ang aking ulo habang pinagmamasdan ang isang matangkad na lalake. Sa ilang beses ko nang pagpunta dito sa club parang ngayon ko lang siya nakita. "Kilala mo siya?" tanong ko kay Angie, sabay nguso sa lalake na nakaagaw ng aking atensyon. Kumunot naman ang kaniyang noo. "Parang hindi. . . Kilala mo iyon?" tanong niya sa kaniyang kaibigan. "Sa ibang university," tugon nito. "Busines Ad student ata siya. Hindi ko lang alam kung ano'ng year na." Nginisihan ako nang makahulugan ni Angie. "Type mo?" tanong niya sabay sanggi sa akin. Hindi ko naman siya type. Naagaw lang niya ang pansin ko. "Tara, sayaw ulit tayo!" aya nina Angie. Medyo madami na akong nainom kaya nahihilo na ako. Baka masuka ako sa dance floor kapag pinilit kong tumayo. "Dito na lang ako," medyo utal kong sagot. "Sige, pahinga ka lang muna diyan," sabi ni Angie. Tuluyan na nila akong iniwan. Kahit nahihilo na ako at may tama na ng alak, muli kong pinulot ang isang shot glass ng tequila at agad itong tinungga. Tuluyan akong nalasing pagkatapos nang shot na iyon. Namigat ang aking mga talukap kaya pinagbigyan ko ang sarili ko na umidlip muna kahit saglit lang. Pero nagising ako nang maramdaman ko na may humahawak sa aking katawan. Umungol ako at pinilit idilat ang aking mga mata pero hinihila talaga ako ng antok. Hanggang sa maramdaman ko ang pag-angat ng aking katawan sa ere. May bumuhat sa akin! Aware ako sa nangyayari pero hindi ko magawang labanan ang antok ko. Hanggang sa maramdaman kong binaba na ako at muli kong maramdaman ang kamay na nakahawak sa aking braso. Doon ako tuluyang nagising. "S-Sino ka? Sino kayo?" nahihintakutan kong tanong sa dalawang lalake na nasa aking harapan. Nasa parking lot na kami ng club. "Kami ang magdadala sa'yo sa langit," nakangising demonyo na sagot ng isa. Nagkatinginan pa sila at ngumiti na animoy mga demonyo. "Huwag po!" pagmamakaawa ko nang hinawakan ng isang lalake ang magkabila kong braso. "Tigilan niyo iyan!" Binitawan ako ng isang lalake sabay lingon sa may-ari ng boses sa kanilang likuran. Napakurap ako nang makilala ko ang lalake. Siya iyong pinag-uusapan namin nang isang gabi. "Huwag kang makialam dito!" banta ng isang lalake dito. "Sige ituloy niyo iyan kung gusto niyong sa kulungan ang bagsak niyo!" banta ng kasama ng lalake. May iba pang lumapit na mga lalake. Doon tuluyang kumaripas ng takbo ang mga lalake na may masamang balak sa akin. "Are you alright?" tanong sa akin ng lalake na tumulong sa akin. Marahan akong tumango. "Kamuntik ka nang mapahamak," sambit niya. "Huwag ka kasing iinom nang madami kung hindi naman kaya," pangaral niya. "S-Salamat sa pagligtas sa akin." Tinitigan lang niya ako. "Hindi sa lahat ng pagkakataon may magliligtas sa'yo, kaya matuto kang mag-ingat." Natawa ang mga kasama ng lalake. "Grabe ka naman makapangaral, Men! Daig mo pa ang seminarista, ah!" kantiyaw sa kaniya ng mga kaibigan niya. "I'm just telling the truth. What's your name?" tanong niya sa akin. "A-Abigail Herera," sambit ko. Ito ang gamit kong pangalan dito sa Manila upang walang makakilala sa akin. "I'm Wren," pakilala niya sa kaniyang sarili. "May kasama ka?" tanong niya ulit. Gusto kong sabihin na nasa loob ng bar, pero hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isipan, dahil muli akong nagsinungaling. "W-Wala." "Saan ka nakatira? Ihahatid na kita." Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya. "Hindi ako masamang tao. Concern lang ako sa'yo. Kamuntik ka nang napahamak. You're drunk. Kailangan mo nang umuwi." "S-Salamat sa concern mo," nahihiya kong sambit. Sinabi ko na din sa kaniya ang aking address. Inalalayan niya akong maglakad hanggang sa kaniyang sasakyan. Habang nasa biyahe kami, naging tahimik kami pareho. Ang kaniyang mga mata ay tutok na tutok sa kaniyang harapan habang nagmamaneho. Mayat-maya naman akong napapasulyap sa kaniya. Hindi lang ako makapaniwala na kasama ko siya ngayon. At mas guwapo pa siya kapag malapitan. Ang ganda ng kaniyang gupit, bagay na bagay sa kaniya. Makapal ang kaniyang kilay. Mahahaba ang kaniyang pilik mata. Ang kaniyang mga mata ay kulay tsokolate at napakalalim kung tumingin. Ang tangos din ng kaniyang ilong. Ang sarap pisilin. At ang kaniyang labi ay mapula at halatang malambot. Parang ang sarap halikan. "Done eye raping me?" tanong niya na kinapula ng aking mukha. Narinig ko ang kaniyang palatak kaya nakaramdam ako ng hiya sa katawan. Maya-maya ay mahina siyang natawa. Sa labis na hiya, nagpanggap na lang ako na tulog, hanggang sa hindi ko namalayan na tuluyan na akong nakatulog. Nagising ako nang maramdaman ko na huminto ang sasakyan. "We're here," anunsyo niya. Agad ko namang tinanggal ang seatbelt. At bago ako bumaba ng kaniyang sasakyan, muli akong nagpasalamat sa kaniya. "Huwag ka na ulit magpapakalasing," bilin niya. "At mag-iingat ka." "S-Salamat." Bumaba na ako ng tuluyan sa kaniyang sasakyan, pero hindi pa ako agad pumasok sa tinutuluyan kong apartment. Hindi din siya agad umalis. Bumukas ang pintuan ng kaniyang sasakyan at lumabas siya mula doon. "B-Bakit?" nauutal kong tanong. "Give me your number," aniya sabay abot sa akin ang kaniyang celphone. Kinagat ko ang aking labi bago ko ito inabot. Halos manginig pa ang aking kamay habang tinitipa ko ang aking numero sa kaniyang celphone. "Ahm, nilagay ko na din ang pangalan ko. Abigail," sabi ko. Pinindot niya ang kaniyang celphone. At ilang segundo nga lang ay nag-ring na ang aking celphone. "That's my number," sambit niya bago siya tumalikod at pumasok sa kaniyang sasakyan.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD