bc

AVISHAI: THE PRODIGAL DAUGHTER

book_age18+
8
FOLLOW
1K
READ
HE
age gap
playboy
sweet
office/work place
disappearance
like
intro-logo
Blurb

Nag-iisa siyang anak ng mag-asawang nagmamay-ari ng pinakamalawak na lupain sa kanilang probinsya. Mahal na mahal siya ng kaniyang mga magulang at dahil nag-iisa lang siyang anak at babae pa. Ganoon na lamang siya protektahan at paghigpitan ng mga ito. Hindi niya tuloy nagagawa ang mga gusto niya. Pakiramdam niya hindi siya normal tulad ng kaniyang mga kaedad.Isang araw, naisip niyang maglayas para tuluyan nang magawa ang mga nais niya. Tumakas siya. Namuhay ng malaya. She met a guy and fall in love. Pero kalaunan iniwan din siya at ng anak nila na pinagbubuntis niya.

chap-preview
Free preview
Prologue
Ang sarap gumising sa tabi ng taong mahal mo. Akala ko noon, exxagerated lang si Angie kapag nagkukuwento siya tungkol sa kanila ni Dex. Lagi kong sinasabi na nahihibang na siya. Pero totoo nga pala ang kasabihan ng mga matatanda, na ang pag-ibig ang pinakamasarap na pakiramdam sa lahat. Pinagmasdan ko si Wren na mahimbing pa din ang pagkakatulog sa aking tabi. Bahagya pang nakaawang ang kaniyang labi at mahinang humihilik. pero ganunpaman, guwapo pa din siya. Napangiti ako. Hindi siya kailanman naging pangit sa aking paningin. bumuntong hininga ako at humarap ako sa kaniya. pinagmasdan kong maigi ang guwapo niyang mukha. I am so in love with you, Wren. I knew from the start that you are the one for me. Hindi ako nagkamali nang ipagkaloob ko ang aking sarili sa'yo. Thank you for coming into my life. I never felt this alive. Walang saysay ang buhay ko noon. It's all worth it. Really worth it. Pinaraanan ko ng aking hintuturo ang kaniyang noo patungo sa kaniyang ilong. Umungol siya kaya naman napahagikgik ako. Sunod naman ay nilaro-laro ko ang kaniyang pang-ibabang labi gamit ang aking daliri. Napakagat labi ako, pinipigilan ko ang aking sarili na halikan siya. Ang labi na unang lumapat sa aking mga labi. "Love," saway niya sa inaantok at mababang boses. Ang sexy! Hinuli nito ang aking kamay at dinala sa kaniyang dibdib. Napangisi ako at ang dibdib naman niya ngayon ang pinagdiskitahan ko. hubad baro siya kaya naman marahan kong hinaplos ang kaniyang dibdib. PInaikot ko ang aking hintutuo sa kaniyang n****e. Muli siyang umungol. Laking gulat ko nang basta na lang niya akong yapusin. Ilang sandali pa ay nasa ibabaw ko na siya. "You," banta niya pero agad ko siyang dinampian na halik sa mga labi. Bumuntong hininga siya at umiling-iling. Pinisil niya ang aking ilong. May ngiti na siya sa labi. "I love you, Wren," sambit ko habang nakatitig sa guwapo niyang mukha. Ngumiti siya. "I love you too, Abigail," tugon niya. Akmang hahalikan niya ako nang tumunog ang doorbell. "May inaasahan ka bang bisita?" tanong ko sa kaniya. Umiling siya at umalis na sa aking ibabaw. Lumabas na siya ng silid para pagbuksan ang nasa pinto. Tumayo na din ako at inayos ko ang aking sarili. Pasado alas-otso na pala. Magluluto pa ako ng agahan namin ni Wren. Nadatnan ko ang mommy ni Wren sa sala. Kakaalis lang nila three days ago, kaya nakapagtataka na bumalik siya agad. Magkatabi silang nakaupo ni Wren sa cleopatra. Bahagya kong hinila pababa ang suot ko. Tshirt ito ni Wren. Wala akong suot na short at tanging panty ko lang ang suot ko sa aking pang-ibaba. Mahaba naman ang tshirt ni Wren kaya hindi kita ang suot kong panty, pero sa paraan ng pagkakatingin ng mommy ni Wren, napapaso ako. Ang aga pa pero bad mood na naman siya. "Good morning po, Tita," bati ko sa kaniya. Wala siyang sagot at nanatili ang malamig na mukha nito na nakatingin sa akin. Well, ayaw naman niya talaga ako para sa kaniyang anak. "Ask her, son," aniya kay Wren. Kunot ang aking noo na tumingin kay Wren. Walang kahit na anumang emosyon sa mga mata ni Wren habang nakatingin sa akin. Katulad ng kaniyang ina ay wala man lang humor na makikita sa kaniyang mga mata. Hindi ko alam, pero kinabahan ako. "Who are you?" tanong niya sa malamig at mababang boses na nakapagpatigil sa akin. Nanuyo ang aking lalamunan sa magkahalong kaba at takot na aking naramdaman. Napatingin ako sa kaniyang kamay. Sa hawak niyang papel. Napalunok ako. Sunod ay napatingin ako sa gawi ng kaniyang mommy na may kakaibang ngiti sa mga labi. Ang ngiti niya ay nakapagbigay sa akin ng kilabot. Pinaimbestigahan ba ako ng mommy niya? "I'm asking you." Hindi nagbago ang tono niya. Muli akong tumingin kay Wren nang muli siyang magsalita. Naumid ang aking dila at wala akong mahugot na lakas ng loob upang magsalita. Hindi ko din alam ang sasabihin ko. Bumuntong hininga si Wren. Nanigas ako sa aking pagkakatayo. Umurong ang aking dila. Dinaga ako sa aking dibdib. Nanlalamig at nagpapawis ang aking kamay. "You're not Abigail Hererra?" tanong niya sa patag na tono. "Sagutin mo ako... Sino ka?!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.5M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
463.2K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
497.7K
bc

The Perfect Luna

read
4.0M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
602.0K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
464.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook