My Hot Neighbor
321
Reads
"Wala kang kuwenta!" sigaw ni Tatay mula sa loob ng aming bahay na dinig hanggang dito sa labas.
Mabilis kong binaba ang mga bitbit ko at tumakbo papasok ng bahay.
Dinig ko ang malakas na pag-iyak ng aking bunsong kapatid.
At ang nanay naman ay nasa pader habang sakal-sakal ni Tatay.
"Tay, tama na po!" Awat ko sa kaniya. lumapit ako pero agad namang dumapo sa aking pisngi ang kaniyang palad.
"Ah!" Napahiyaw ako nang maramdaman ko ang hapdi sa aking kaliwang pisngi. Nagkapasa pa yata.
"Huwag kang mangialam!" Sigaw niya sa akin.
Ilang beses niyang sinampal-sampal si Nanay bago niya ito tinigilan. Tinabig niya si Nanay kaya natumba ito sa sahig.
Nagmamadali naman akong lumapit sa aking ina upang daluhan siya. Umiiyak kong niyakap ang kaawa-awa kong ina.
"Bigyan mo ako ng pera, Kim," sabi ni Tatay.
"Tay." Umiling ako.
"Pambili iyon ng gatas ni bunso, wala na din tayong bigas."
"Wala akong pakialam, akin na ang pera!" Sigaw niya.
hinawakan niya ang magkabila kong balikat. napangiwi ako nang dumiin ang kaniyang mga daliri doon. Madadagdagan na naman ang pasa ko, kagagaling lang.
"Tay, maawa ka naman po sa bunso kong kapatid kung—aray!"
"Ang pera, Kim! Akin na ang pera!"
"Anak, ibigay mo na," nanghihina at humahagulgol na sabi ni Nanay.
"Pero, Nay!"
Wala akong nagawa nang si nanay na mismo ang dumukot ng maliit na wallet sa loob ng bulsa ng aking pantalon.
"Tay, magtira ka po ng pambili namin ng bigas! Tay!"
Hinabol ko si Tatay pero muli na namang dumapo ang kaniyang palad sa aking pisngi.
"Hindi pa kami kumakain, e..." Umiiyak kong sambit.
Tumayo si Nanay. "Mangungutang na lang muna ako kahit dalawang tasa lang ng bigas."
Hinuli ko ang kamay ni Nanay. Tinignan ko siya ng may pagmamakaawa.
"Nay, umalis na tayo dito. Iwan na natin si Tatay," umiiyak kong sambit.
Umiling-iling ang aking ina. "Pero paano ang tatlong kapatid mo? Ang babata pa nila, tiyak na—
"Magiging maayos tayo, Nay. Hindi natin kailangan si Tatay," putol ko sa kaniyang sinasabi.
"Nay, kung hindi ka po naaawa sa sarili mo, maawa ka naman po sa amin na mga anak mo!" Desperada kong sambit.
"Sawang-sawa na ako sa ganito, Nay! Araw-araw ka na lang niyang binubugbog. pati ang maliliit kong kapatid lagi ding damay sa pananakit niya. Ano ba nay!"
"Paano ko bubuhayin ang mga kapatid mo? Saan tayo pupunta? Kim, tingin mo ba madali lang iyon? Kailangan natin ang tatay niyo."
"Kim, bumalik ka dito!" Sigaw ni nanay nang umalis ako ng bahay. Nagsasawa na ako sa linyahan niya.
Kailangan namin si Tatay. Naririnig ba niya ang kaniyang sarili?
Hindi namin kailangan ang isang padre de pamilya na gaya ng aking ama.
Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating ako sa bahay ni Karen, ang aking bestfriend.
Papasok na ako sa bahay nila nang matigilan ako dahil sa mga bisita nila na nakaupo sa kanilang sala set.
Nahihiya akong tumingin sa mga ito lalo na ng tila gulat silang nakatingin sa akin.
"Kim?" Tawag sa akin ni Kuya Karlo, ang kapatid ni Karen. Na first crush ko din. Twenty six years old na siya at nagtatrabaho sa Manila bilang isang engineer.
Updated at