bc

Loving The Billionaire |SPG

book_age18+
38.9K
FOLLOW
249.0K
READ
billionaire
one-night stand
escape while being pregnant
playboy
self-improved
CEO
single mother
drama
bxg
city
like
intro-logo
Blurb

This story contains explicit content that are not suitable for 18 years and below!

You've been warned! Read at your own risk!

Isa siyang probinsyana na may matayog na pangararap. He's a billionaire and a monster when it comes to business.

The moment she laid her eyes on him, she saw her future with him. But he didn't believe in love.

She stalked him. He pushed her away.

Paano nga ba mapapaibig ng isang probinsyanang kagaya niya ang isang Jeremy Trois De Gracia?

May pag-asa ba silang dalawa? Or maybe she should moved on and forget about her Love for the Billionaire.

chap-preview
Free preview
1 Jeremy Trois De Gracia
"May gusto ka ba kay Kuya Jetro?" Tinaasan ako ng kilay ni Almira habang hinihintay ang isasagot ko. Hindi ako agad nakasagot dahil nakaramdam ako ng hiya. Obvious ba ako? Tumawa si Almira at tinapik-tapik ako sa balikat. "Okay lang 'yan, girl," aniya, "habulin talaga ng chics ang mga magkakaibigan na 'yon." Humigop siya sa kaniyang kape. Tahimik kong kinain ang hinanda niyang breakfast. Dito ako tumuloy sa condo niya kagabi dahil sinama ni kuya Adrian si ate Tasha. Mabuti at nakilala ko siya sa bar kagabi. Kapatid siya ni Kuya Alwin na kaibigan ni Kuya Adrian na ama ng mga anak ni Ate Tasha. Grabe! Hindi ako makapaniwala na may mga kasing-guwapo pala nila na nag-e-exist sa mundo. "Sila ang mga lalakeng kailangan mong iwasan," babala ni Almira kaya naman bahagya akong natigilan. "Puro laro lang ang alam nilang gawin." Mas kilala niya sila kaya naman maaring nagsasabi siya ng totoo. "Hindi sila marunong magmahal." Napaisip ako sa sinabi niya. May tao bang hindi marunong magmahal? Imposible naman iyon. Siguro iisa lang talaga ang nakatakda nilang mahalin at pag-uukulan ng oras nila. At ang suwerte ng pinsan ko kung sakaling seryoso si Kuya Adrian sa kaniya. Kita ko naman sa mukha ni Kuya Adrian. At sinabi din ni Kuya Alwin kagabi na hindi mapapahamak ang pinsan ko. Mahal daw ni Kuya Adrian si Ate. Mapapa-sana all ka na lang talaga. Taga sana all na lang ang role ko. Isa lang akong hamak na probinsiyana, hindi kapansin-pansin ang ganda. Lalo na kung sa mga lalakeng kagaya nila. Naalala ko na naman ang itsura ni Jetro. Totoo pala iyong nababasa ko sa libro. Sabi, kapag daw nakita mo na ang "the one" nagiging blurred and paligid, siya lang ang tanging makikita mo. Ang tanging pagtibok lang ng puso mo ang naririnig mong ingay. At lahat ng kilos niya ay parang nagiging slow mo. "Laway mo," sita ni Almira sa akin kaya naman napabalik ako sa wisyo. Mukhang natamaan talaga ako kay Jetro. Ang guwapo kasi. "Mamasyal tayo mamayang gabi." "Ang guwapo," wala sa sariling nasabi ko kaya naman bumulanghit sa tawa si Almira. Napahiya tuloy ako. "Naku, baka mental ang bagsak mo niyan. Ingat ka. Mahirap mahulog sa taong hindi ka kayang saluhin." "Crush ko lang naman," depensa ko. "At huwag mo ng palalimin ang nararamdaman mo sa kaniya." Tumango ako bilang pag-sang ayon. NAKARAMDAM ako ng excitement ng makatanggap ko ang mensahe galing kay Almira. Isasama daw niya ako sa club mamayang gabi. Mabuti naman at hindi na ako pinilit pa ni Ate na isama pauwi sa Cagayan. Ilang araw pa siya dapat dito pero dahil may sakit ang isa sa kambal kaya naman nagmadali siyang umuwi. Mabuti at may airport sa Tuguegarao kaya naman mas mabilis siyang makakarating kapag by air ang biyahe. Hindi gaya kapag nag-bus siya na aabutin ng dose oras o higit pa. Ako na ang naiwan dahil may mga i-mi-meet pa kasi akong mga customers. May mga macrame pa na kailangan i-deliver. Siyempre sasamantalahin ko na din para maranasan ang night life na dati ay pinangarap ko lang. Mabuti at nakilala ko si Almira. Friendly siya at hindi siya matapobre kaya naman nakagaanan ko agad siya ng loob. Humahanga din ako sa taglay niyang ganda. Kaya ko din siya nagustuhan ay dahil mayroon siyang buhay na gaya ng pangarap ko. Hindi naman ako inggitera o insecure sa kaniya. Normal lang na humanga tayo gaya minsan sa paghanga natin sa mga artista na iniidolo natin. Kasama niya ang asawa ng kuya Alwin niya. Napakaganda din niya at halatang mayaman din. Pero iyon nga lang, mukha siyang malungkot kahit nakangiti siya. Nagtatago sa mga ngiti niya ang mga emosyon na mahirap pangalanan. SATISFIED ako sa ginawang ayos ni Almira sa mukha ko. Mula sa make up hanggang sa ayos ng buhok ko. Tinaas niya ang pagkakatali ng buhok ko saka niya kinulot ng bahagya sa bandang dulo. Dahil hindi pantay ang kulay ng braso ko kaya naman mas pinili kong isuot ang long sleeve dress na isa sa pinakita niyang damit. White long sleeve body hugging mini dress na backless. Pakiramdam ko nag-iba ang itsura ko. Hindi na mukhang probinsyana. "Nasaan si Atasha?" seryosong tanong ni kuya Adrian. Mariin niya akong tinignan na para bang binabasa niya ang isip ko sa aking mga mata kaya naman nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko puwedeng pangunahan ang pinsan ko pagdating sa personal niyang buhay. Hindi ko puwedeng sabihin na umuwi ito sa Cagayan. "Umalis po," safe kong sagot kahit na alam kong masusundan pa ang mga katanungan niya. "Saan?" Sabi na eh. Paano ba ang gagawin ko para makaiwas sa usapan na ito. Sabi na eh. Dapat hindi muna ako lumabas ngayon. "Hindi ko puwedeng sabihin, kuya," sagot ko. Siguro naman papabayaan na niya ako. Hindi naman niya sigiro ako gugulpihin para lang paaminin. Bumuntong hininga siya at tinignan pa ako ng ilang segundo. "Why are you here?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya. "Gusto ko lang ma-try magparty," sagot ko at tipid na nangiti. "Party or-- you like to see Jetro again," aniya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Obvious ba talaga ako? Peke akong tumawa. "H-Hindi ah," pagtanggi ko kahit na alam kong hindi siya naniniwala base sa titig niya. "Iwasan mo siya kung ayaw mong masaktan," aniya. Parehas sila ng sinasabi ni Almira. Pangit ba ang ugali ni Jetro? Tingin ko hindi naman dahil hindi sila magiging mabuting magkaibigan ni ate kung hindi siya mabuting tao. "Grabe ka sa kaibigan mo, kuya." Tinaasan niya ako ng kilay dahil sa sinabi ko. "Dito lang ba kayo sa Manila nakatira these past years?" balik tanong niya. Umiling ako kaya naman bumuntong hininga siya. Para bang hirap ang kalooban niya. Parang namimis na niya agad ang pinsan ko. Mapapa-sana all ka na lang talaga. "May mga orders kasi kami ng macrame kaya lumuwas kami." "Macrame," bulong niya at tila nag-isip. "Like the bracelets?" Tumango ako. Tumango siya at tila may iniisip ng malalim. "What if I'll order worth One hundred thousand pesos macrame," aniya kaya naman nanlaki ang mata ko. Ang laking bagay no'n sa amin ni ate at sa mga kapitbahay namin na kasama namin sa paggawa. "Anong kapalit?" tanong ko. Alam kong plano akong isahan ni Kuya Adrian. Baka magalit sa akin si ate. "Just give me her number," seryso niyang sagot. Agad nitong nilahad sa akin ang kaniyang celphone. Akala ko naman, papaaminin niya ako sa kinaroroonan ni ate. Ilang segundo din akong nag-isip kung ibibigay ko ba kay Kuya Adrian ang number ni Ate. Pinagmasdan mo si Kuya Adrian. Seryoso ang kaniyang mukha at mababakas doon ang determinasyon niyabna makita si Ate. Bumuntong hininga ako. "Deal," sagot ko. "Pero, hayaan mong ako na ang dumiskarte," sabi ko habang kakamot-kamot ng ulo. Tiyak na malalagot ako kay ate Tasha neto. Baka ito ba ang road to forever nilang dalawa ni Kuya Adrian lalo at may mga anak sila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M
bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
424.7K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
698.2K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
325.0K
bc

Unloved by the billionaire

read
396.9K
bc

Sexytary |SPG|

read
536.8K
bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
398.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook