2 Not his type

865 Words
Pigil ko ang aking hininga habang nakasandal ang likod ko sa pader. Habang ang dalawa niyang mga kamay ay nakasandal sa magkabilang gilid ng aking mukha. Ramdam ko ang kakaibang kiliti mula sa mga paru-parung naglalaro sa aking tiyan dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Sobrang lapit niya sa akin. Ramdam ko ang malakas na t***k ng puso ko. Kinikilig ako! Plano ba niya akong halikan? Mariin akong pumikit at hinintay ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Hindi ito ang ideal first kiss ko pero ayos na din dahil siya naman ang ideal guy ko. Isang minuto na yata ang lumipas pero hindi pa din niya ako hinahalikan. Naiinip na ako. Mahina siyang tumawa, iyong tawa na tila nakakainsulto kung kaya naman nagmulat na ako ng mata. Pahiya tuloy ako. "You're not my type," aniya at tinitigan ako ng mariin. Kahit napahiya ako at masakit ang salitang binitawan niya ay pinilit ko pa ding tatagan ang mukha ko at sinalubong ang titig niya. "Ano ba ang tipo mo?" determinado kong tanong. Gusto kong malaman. Sa tingin ko ay hindi naman ako pangit. Oo, probinsyana ako pero hindi naman nalalayo ang ganda ko sa mga babaeng taga siyudad lalo na kapag nag-ayos ako. Ngumisi siya at nailing. Naiinis na siya pero marahil naiisip niya na pinsan ako ni Ate Tasha na kaibigan niya, kung kaya naman ay pinagpapasensyahan niya ako. "A woman of your opposite," sagot niya gamit ang mapang-uyam na tono. Nalungkot ako sa sinabi niya. Wala man lang ba siyang magustuhan kahit isa sa katangian ko? Hindi man lang ba niya pansin ang taglay kong ganda? "Go home. Stop partying," pagtataboy niya sa akin. Mistula akong asong kalye na tinataboy niya palayo. "You don't belong here," huli niyang sinabi saka ako tinalikuran. Ilang gabi na akong nagpupunta dito para lang makita siya. Kahit ano yatang paganda ko ay wala man lang talab sa kaniya. Pinagmasdan ko siya hanggang sa makabalik siya sa kinauupuan nila ng kaniyang mga kaibigan. Nang makaupo siya ay sinulyapan ako ng iba niyang mga kaibigan. Ngumiti naman ako at bahagyang kumaway sa kanila. Bumuntong hininga ako, nakakapanlumo ang ganitong pakiramdam. Bago pa ako maiyak ay napagpasiyahan ko ng bumalik sa kinauupuan namin ni Almira. "Oh, ano, basted ka no?" kantiyaw niya ng makaupo ako sa tabi niya. Umiling lang ako at isa-isang iniisip lahat ng hindi maganda sa akin. "Almira, pangit ba ako?" tanong ko ng hindi ko makayanang isipin ang bumabagabag sa akin. Natigilan siya sa pag-inom ng alak at saka ako sinulyapan. Tinitigan niya ako na para bang sinusuri. "I told you, you are gorgeous!" sinsero niyang compliment sa akin. "Sinabi ba niya na pangit ka?" tanong niya bago sumimsim sa kaniyang alak. "Hindi daw ako ang tipo niya. Opposite ko daw ang gusto niya sa isang babae," wika ko, tila batang nagsusumbong. Tumawa si Almira at umiling-iling. "Kawawa ka naman, wa-epek ang pagpapaganda mo para sa kaniya. Pabayaan mo na nga kasi siya, mas madami pang guwapo at higit sa kaniya." Kinuha niya ang isang baso ng alak at nilagay sa kamay ko. "Mag-inom ka na lang. Para kang namatayan, nandito tayo sa club para magsaya." Kinukumpas niya ang kaniyang ulo at balikat kasabay ng malakas na tugtugin dito sa bar. Hindi naman para magsaya ang pinunta ko dito eh. Bumuntong hininga ako at hinanap ng aking paningin si Jetro. May katabi na naman siyang babae. Sexy, flawless, maganda at higit sa lahat halatang mayaman. Yaman lang naman ang wala ako kumpara sa mga babaeng umaaligid sa kaniya. "Huwag mo ng tignan. Try mong ituon ang pansin mo sa iba," muling paalala ni Almira. Mula ng una kaming magkakilala lagi na niya itong sinasabi sa akin. Bawal daw magkagusto kay Jetro dahil tipo niya ang hindi marunong magmahal. Obvious na obvious daw ako kaya lagi niya akong tinutudyo at pinapayuhan. May tao ba na hindi marunong magmahal? Lahat ng tao capable magmahal. Siguro ang mga tipo lang nila ang naglalaro pero kapag nahanap na nila ang babaeng para sa kanila ay doon pa lang sila magseseryoso. At ang swerte ni ate Tasha kay kuya Adrian. Mapapa-sana all ka na lang talaga. Ako kaya? Paano kaya ako mapapansin ni Jetro. Ni hindi man lang niya ako matapunan ng tingin. Kahit kaunting pansin man lang sana magiging masaya na ako. "Huwag kang mainggit sa mga babaeng 'yan. Pang-one night stand lang sila ni Jetro. Swerte na kung gawin siyang FUBU," sabi ni Almira. "FUBU?" kunot noo kong tanong sa kaniya. "f**k buddy. Kapag kailangang magparaos, gagamitin." Napanganga ako sa sinabi niya. Mayroon pa lang gano'n? "Pero sila?" tanong ko. Bigla akong na-curious. "Walang label. No love, just pure lust." Tumango-tango ako. "Bakit ka interesado, huh?" mapanghusgang tanong ni Almira sa akin. "Na-curious lang ako. First time kong marinig ang salitang 'yan," sabi ko. "Hmmm. Don't you ever dare stoop to that level just to be with him." Pinaningkitan niya ako ng mata. Tumango naman ako. "Malabo," sabi ko. "Good." "Malabo na maging FUBU kami, kahit one night stand baka hindi pa 'yan magkakamali sa akin." Napaubo siya. Pinakita niya sa akin ang panggitnang daliri niya sa akin. Sumimangot naman ako. Totoo naman kasi ang sinabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD