3 'Di pinili

1023 Words
Dahil sa sobrang panliliit ko sa aking sarili ay pinili ko na munang tumigil sa pagpunta sa club. Dalawang linggo na yata akong puyat dahil sa pagpapakasaya sa club. Na-realize ko na hindi ako belong sa ganoong mundo. Nagmumukha na kasi akong social climber dahil lahat ng mga taong naroon ay mga mayayaman. Ako lang ang saling-pusa na sinasama ni Almira. Siguro kailangan ko munang mag-strive para kahit paano naman maging level nila ako. I need to find a job and be financially stable. At isa pa, sobrang nasaktan ako. Nawalan ako ng self confidence. Pakiramdam ko ang pangit ko. Parang ayaw ko ng maniwala sa mga nagsasabi na maganda ako at malakas ang s*x appeal ko. Kung maganda at malakas ang s*x appeal ko na gaya ng sinasabi nila. Bakit hindi man lang ako mapansin ni Jetro? Ni sulyapan ako hindi man lang niya magawa. Wala man lang bang kapansin-pansin sa akin? Maybe, I should follow Almira's advice from now on. I should stop myself from falling for him before it gets deeper. Naalala ko na naman ang nangyari noong nakaraang gabi. Sinama ako ni Almira sa isang house party ng family friend daw nila. Halos parehas lang naman siya kung ikukumpara sa club na pinupuntahan ko pero ang pinagkaiba lang ay may mga dare at games na nakadagdag sa excitement. Nagulat ako ng makita ko si Jetro at kuya Aki sa party na iyon. Himala na walang babae na nakadikit sa kanila. May lumalapit sa kanila pero hindi nila pinapansin. Nakita ko din kung paano mang-snob si Jetro partikular sa isang babae. "See that woman?" Nginuso sa akin ni Almira ang babae na hinawi ni Jetro. "She's a famous w***e," wika ni Almira. Tumingin ako sa puwesto nina Jetro. Nakapuwesto sila sa bandang kaliwa samantalang kami ni Almira ay nasa gawing kanan. Katapat nila. Nang mapatingin si kuya Aki sa aming banda ay ngumiti siya at bahagyang inangat sa ere ang hawak na inumin. Ganoon din ang ginawa namin ni Almira. Pero si Jetro, as usual hindi man lang ngumiti. Siguro kung nandito si ate Tasha ay ngingitian niya ako. Naging maingay ang lahat ng tao sa party ng magsimula na ang mga dare. "Guys, I dare you to find your pair and make a body shot with her," anunsyo ng host habang nakatingin sa mga lalake. Lalake ang dapat maghanap ng kapareho pero ang ilan sa mga babae na ang nagkusang lumapit sa mga lalake na natitipuhan. Lalo na ang mga babae na wala namang kapareha na nagpunta dito. May kapareha na din si Almira, doon ako nakaramdam ng kaba ng makita ko na halos lahat ay may kapareha na. Ako na lang ang naiwan. Tinignan ko ang gawi ni Jetro at nakita ko na wala pa siyang kapareha. Bumilis ang pintig ng puso ko. My Gosh! Magkakapareha kami. Tapos sa bodyshot pa, tili ng utak ko. "Guys, this is a game. Come on, get your pair," paalala ng host. Uminom si Jetro ng alak saka nagsimulang humakbang. Napahawak ako ng mahigpit sa nagkabilang gilid ng laylayan ng aking damit habang mabilis ang t***k ng puso ko dahil sa pinaghalong kaba at excitement. Seryoso lang ang mukha ni Jetro. Kahit ayaw mo sa akin, wala kang magagawa. Gusto kong pumikit dahil tila nananaginip ako. Pero ang akala kong panaginip ay naging bangungot. Mabilis siyang humakbang palapit sa babae na ini-snob niya kanina. Para akong sinaksak. Hindi sa pagiging exaggerated pero iyon ang nararamdaman ko. Nanghina ako at nanginig ang tuhod ko dahil sa emosyon na hindi ko mapangalanan..Naghalo-halo ang naramdaman ko. Pakiramdam ko ito ang unang heartbreak ko. Talagang mas pinili pa niya ang babaeng iyon. Sa dalawang babae na ayaw niya. Ako ang nasa pinaka-least or never magiging option niya. Kahit nasasaktan ako ay hindi ko nagawang magbaling ng tingin sa iba. Walang kurap ko siyang pinagmasdan. Mula sa pagdila niya ng asin sa leeg ng babae hanggang sa pag-lagok niya ng alak at pagkagat ng slice ng lemon na nasa bibig ng babae. Para akong maiiyak pero pinigilan ko. Nakita ko ang mukha ni kuya Aki at Almira. Alam kong alam nila kung ano ang nararamdaman ko, dahil obvious naman na gusto ko si Jetro. Nailing ako. Para na akong baliw kakaisip ng bagay na iyon. Pahiyang-pahiya ako at higit sa lahat nakakapanliit ng sarili ang nangyaring iyon. Hindi puwede ito. Kailangan kong ibangon ang aking sarili. Magpapagabda ako, hindi para kay Jetro kundi para sa sarili ko. Siguro, kailangan ko na munang maghanap ng pagkakaabalahan at pagkakakitaan. Bilang pinayagan naman ako ni nanay na dumito na muna sa Manila ay sasamantalahin ko na din para matutong mamuhay mag-isa. Bumalik na siya sa probinsya kasama ang mga magulang ni ate Tasha. Babalik na lang daw sila dito sa Manils sa kasal ni ate Tasha at kuya Adrian. Sa bahay na ni kuya Adrian tumutuloy sina ate at ang kambal. Hindi ako doon tumuloy, sinabi ko na dito na muna ako sa bahay nina ate dahil nandito ang mga stocks ng mga kailangang i-deliver. Ako na muna ang bahala sa mga for shipping na finish products ng macrame. At safe naman dito, kaya ayos lang na dumito muna ako. Mababait din naman ang mga kapitbahay. Nakapalagayan ko ng loob ang ilan sa mga kapitbahay na halos kasing edad ko lang din. Naengganyo ako sa trabaho nila at sinabi ko na baka puwedeng isama din nila ako. Mga push girl daw sila, weekends lang ang pasok at above minimum ang sahod. Parang ang lakas makaganda ng trabaho nila kaya naman gusto ko din i-try. Baka ito ang kailangan ko ngayon lalo na at nawala yata ang 1/2 na self confidence ko sa katawan. Kaya naman ngayon kailangan kong tapusin ang mga sariling pa-order ko para bukas ay makapag-apply ako. Nakaraan pa nakapending ang mga ito at inunti-unti ko ang paggawa dahil madalas naman akong nasa labas. Kung saan-saan nagsusuot. Mag-party para lang makita si Jetro. Jetro na naman. Kailangan ko na talagang magkaroon ng ibang pagkakaabalahan para hindi ko na siya maisip. Kapag wala pa din akong trabaho pagsapit ng isang buwan ay baka pauwiin ako ni nanay ng Cagayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD