bc

Kuya Andrew

book_age18+
343
FOLLOW
2.3K
READ
HE
age gap
playboy
drama
office/work place
rejected
like
intro-logo
Blurb

Trese anyos lamang si Ana nang unang tumibok ang kaniyang puso para kay Andrew na sampung taon ang tanda sa kaniya.Sa murang edad ay umaasa siya na mapansin siya ni Andrew bilang isang babae, pero nakababatang kapatid na babae lamang ang turing nito sa kaniya. Hanggang sa nag-migrate sa ibang bansa ang pamilya ni Andrew. Naiwan si Ana na bigo. Lumipas ang ilang taon, ganap nang dalaga si Ana. Siya ding pagbabalik ni Andrew sa bansa. Buong akala niya'y nakalimutan na niya ang binata, pero nagkakamali siya. Muling nabuhay ang pagtingin niya sa binata na akala niya'y patay na. Pinangako niya sa sarili na hindi na niya hahayaang masaktan pa siya ulit ng parehong lalake sa pangalawang pagkakataon. Kaya ba niyang pigilan ang damdamin kung ang lalake na dati'y bata ang turing sa kaniya ay walang kasing kulit kung makabuntot sa kaniya?

chap-preview
Free preview
First love
Binaba ko ang bag sa upuan naming kawayan bago ako humarap sa salamin. Napangiti ako dahil hindi pa din nabubura ang liptint sa aking labi. Nakipahid lang ako kaninang breaktime sa aking kaklase. Hindi na maputla ang aking labi. Mukha na akong dalaga talaga. Naglagay na din ako ng polbo sa aking mukha bago ako tumagilid upang tingnan ang aking itsura sa salamin kapag naka-sideview. Ang bagal lumaki ng dede ko. Baby bra pa din ang gamit ko hanggang ngayon, samantalang ang iba kong kaklase ay malalaki na at nakakagamit na sila ng bra. Kaya siguro hindi ako napapansin ng crush ko, dahil flat pa din ang dibdib ko. Maganda naman ako at bukod doon, maliit ang aking bewang at ang aking puwet ay mabibilog. Dahil friday naman ngayon, nakasuot ako ng pants at sweetheart blouse. Ayos na 'tong suot ko. Sana lang ayos na din 'to sa mga mata ng crush ko. "Anna, ikaw ba iyan?" "Opo, Mama! Aalis po muna ako." Nagmamadali na akong lumabas ng bahay bago pa ako pigilan ni Mama. Dinig ko na ang mga yabag niya mula sa kwarto, kaya patakbo na akong lumabas. "Saan ka na naman pupunta? Kararating mo lang! Iyong assignment mo!" sigaw ni Nanay mula sa pintuan ng aming bahay. Kumaway naman ako sa kaniya. "Biyernes po ngayon! Bukas ko na po gagawin! Pupunta lang po ako kina Ate Rosalyn, Mama!" Pero syempre hindi naman talaga si Ate Rosalyn ang pupuntahan ko doon kung hindi ay ang kapatid nitong lalake na si Kuya Andrew. Habang naglalakad, nakasalubong ko naman si Ate Rosalyn. Nakasuot siya ng dress at may dala siya na medyo malaking bag. "Hi, Anna!" "Saan ka po pupunta, Ate?" "Pupunta kami ng boyfriend ko sa Baguio. Sa Sunday ng gabi ang balik namin." Sunday pa? "Sina Tita at Tito po nasa bahay niyo?" "Nasa palengke sila. Si Andrew lang ang nasa bahay ngayon." Yun! Pinigilan kong mapangiti nang marinig ko ang pangalan ni Andrew. Pangalan pa lang niya ang naririnig ko, kinikilig na ako. "Ingat po kayo, Ate." "Salamat. Bibilhan kita ng pasalubong." Malapad akong ngumiti. Gustong-gusto talaga ako ni Ate. Pati din naman ang mga magulang niya. Mula baby pa ako, hinihiram na nila ako sa mga magulang ko. Sa kabilang kanto pa ang bahay nila. Iyong bahay na malaki na nasa pinakadulo. Nang makalayo si Ate naglakad na ulit ako. Tamang-tama na mag-isa lang si Kuya Andrew ngayon. Pero teka ano'ng sasabihin ko? Bahala na nga. Isang linggo ko din siyang hindi nakita. Na-m-miss ko na talaga siya. Pumasok ako sa kanilang gate. Halos kamag-anak naman at kaibigan ang mga kapitbahay kaya siguro hindi nila nila-lock ang gate nila. Mukhang nasa sala si Kuya Andrew, dahil naririnig ko pa ang malakas na patugtog niya mula sa stereo. Lumapit na ako sa pintuan. Nilakasan ko ang katok para marinig niya mula sa loob ng bahay. Isa, dalawa hanggang sa sunod-sunod na katok. Nanakit tuloy ang mga daliri ko. Ngumiti ako nang magbukas ang pintuan. Pero ang ngiti ko ay nauwi sa pagnganga dahil walang suot na damit pang-itaas si Kuya Andrew. Ang guwapo niya talaga! Ang macho! Tumikhim siya, kaya tila bumalik din ako sa aking sarili. "H-Hi, K-Kuya Andrew." Kumurap ako na kinasinghap niya at iwas ng tingin. "Anna..." Ngumiti lang ulit ako. Ang tagal naman niya akong papasukin. Ayaw ba niya akong pumasok? "Ano'ng ginagawa mo, Kuya?" "Nanonood." Nanonood pero ang lakas ng music niya. "Makikinood din ako," sabi ko sabay daan sa kaniyang gilid kaya bumitaw ang kamay niyang nakahawak sa may pintuan. Pumasok ako at nakita ko ang nakangangang babae sa kanilang tv. Ang mga mata nito ay nakatirik din. "Ano'ng pelikula ang pinapanood mo, Kuya?" Kaso nagmamadali niyang tinanggal ang dvd mula sa dvd player. "Pangit, palitan ko na lang," sabi niya. Namili siya ng ibang dvd. "Spiderman, gusto mo?" tanong niya. "S-Sige," sagot ko naman bago naupo sa sofa. Napatingin ako sa harap ko. Sa kanilang lamesita na gawa sa salamin. May nakapatong na baby oil doon at walang takip. May isang malaking box din ng tissue at ilang piraso ng tissue na lukot na. Suminghot ako nang may maamoy akong kakaiba. Ano iyon? Bakit amoy zonrox? Pagkatapos isalang ang dvd, nagmamadaling pinulot ni Kuya iyong mga nalukot na tissue. Pumasok siya sa kusina, para siguro itapon ang mga iyon. Siguro may sipon si Kuya kaya ganoon. Pagbalik niya ay may dala siyang basahan, na pinamunas niya sa lamesita. Hati naman ang atensyon ko. Kay Kuya Andrew na topless pa din hanggang ngayon. Ang ganda ng katawan niya. Para siyang model ng brief. Kagaya nang magazine na dala ng isa kong kaklase sa school. Nag-e-exercise kasi siya kaya may muscle siya, sobrang maalaga siya sa kaniyang katawan. May mga dumbbells din siya sa labas. Napaiwas ako ng tingin nang napansin ko na nakatitig na pala siya sa akin habang nakataas ang isang kilay. Kalaunan ay pumalatak siya at napangisi. Bumalik ulit siya sa kusina. Habang hinihintay siya, tinuon ko na lang din ulit ang aking paningin sa tv. Pagbalik ni Kuya may dala siyang isang tray. May dalawang baso ng juice at isang plato na may dalawang sandwich na may palaman. Ang isa ay peanut butter na paborito niya at iyong isa naman ay chicken na mayonnaise na gustong-gusto ko. May nakalagay din sa maliit na bowl, fruit salad. "Kain," sabi niya bago kinagatan ng malaki ang kaniyang sandwich. Kinuha ko na din iyong akin at kinagatan ng maliit kahit na takam na takam ako dito. Ang huling kain ko nito ay nang isang linggo pa at dito din sa bahay nila. Iyong araw na pinuntahan ko siya pero sabi ni Tita nasa Makati daw siya at isang linggo daw siya doon. Nakatingin si Kuya sa tv habang kumakain. Samantalang sa kaniya naman ako nakatingin. Ingat na ingat ako sa pagkagat baka mabura ang liptint ko. Dinampot niya ang kaniyang juice ng hindi tumitingin sa may mesa. Nang maubos ko naman ang sandwich, uminom na din ako ng juice. Maya't maya akong sinulyapan ni Kuya kaya hindi ko na siya magawang titigan pa. "Sa'yo na ang salad," sabi niya kaya agad naman akong nagpalasamat. "Thank you, Kuya." Sabay dampot nito at sinimulang kainin. Ang sarap talaga. Kaya gustong-gusto ko ding nagpupunta dito, e. Bukod sa nabubusog ang aking mga mata dahil sa guwapong anak nina Tita, nabubusog din ako ng mga masasarap na pagkain nila. Hindi kami mayaman. At sapat lang din ang kinikita nina Mama at Papa sa kanilang trabaho at paglalako ng kung ano-ano minsan. Pero laking pasalamat ko din na hindi naman kami naghihirap. Nahiga siya sa sofa. Ang unan ay pinatong niya sa kaniyang mga hita. Ang isang kamay niya ay ginawa niyang unan. Ayun, mas mukha na talaga siyang model n'ong mga brief na nakita ko sa magazine. Napapakagat tuloy ako ng labi sabay iwas ng tingin dahil nahihiya ako sa aking iniisip. "Bakit ka naka-liptint?" tanong niya na kinatanga ko pa ng ilang segundo. "Ah..." Nagkamot ako ng batok sabay tingin sa kisame, naghahanap ng sagot sa kaniyang tanong. "Para magkulay pula ang labi ko," sagot ko kalaunan. "Bagay naman sa akin, di ba? Mukha na akong dalaga?" "Ang bata mo pa." Bumagsak ang balikat ko sa kaniyang sinabi. Bata pa ako? Pero fifteen na ako! "Fifteen na ako. Nagsusuot na nga din ako ng bra, e!" Napatingin naman siya sa baba ng aking mukha. Nag-iwas siya ng tingin bago tumawa. Napahiya tuloy ako. Siguro iniisip niya na wala akong dede, kaya hindi pa ako dalaga. "May boyfriend ka na ba?" Nahihiya man, nakaramdam din ako ng tuwa. Bakit kaya niya tinatanong? Hindi kaya gusto din niya ako at gusto niya akong maging girlfriend? "W-Wala pa." "Crush lang," sabi ko sabay tingin sa kung saan-saan. "Masyado ka pang bata para makipag-boyfriend." Ano? Akala ko pa naman may gusto siya sa akin. Akala ko gusto niya akong maging girlfriend kaya tinatanong niya. "May boyfriend na nga ang iba kong kaklase, e," sabi ko naman. "Huwag mo silang gagayahin." "Eh, bakit ikaw? Ang aga mo din daw nagka-girlfriend sabi ni Tita." Tumawa siya. "Iba naman kasi iyon. Menor de edad ka pa lang, huwag ka munang papasok sa isang relasyon." At napagsabihan pa nga. Bata siguro talaga ang tingin niya sa akin kasi wala pa akong dede. Ano kaya ang gagawin ko para lumaki na ang dede ko? "Oo nga pala, may pasalubong ako sa'yo." Tumayo siya at pumasok sa kaniyang kuwarto. Nakatitig lang naman ako sa pintuan niya na mayroong signage na Knock twice, habang hinihintay siya. Paglabas niya inabot niya sa akin ang isang paper bag na mayroong kalakihan. Gustong-gusto ko ng makita ang laman ng paper bag kaso hindi pa kasi tapos itong pinapanood namin. At gusto ko pa siyang makasama kaya mamaya na lang ako uuwi. "Salamat, Kuya Andrew." Tumango lang siya, sinulyapan ako bago muling nanood. Tahimik lang siya pero masaya ako ngayon dahil magkasama kaming dalawa. Walang ibang tao, kaming dalawa lang. Pakiramdam ko nasa sinehan kami at nag-d-date. Sana magustuhan din niya ako. Hihintayin ko siya hanggang sa maging dalaga ako. Siya ang unang magiging boyfriend ko. Sana hindi na muna siya mag-asawa. Okay lang na mag-girlfriend muna siya pero hanggang doon lang. Nagbukas ang pintuan kaya napaayos ako ng upo. Dumating na sina Tita. "Oh, nandito ka pala, Anna." "Opo." Magkalayo naman kami ng upuan ni Kuya Andrew kaya hindi naman siguro nila iisipin na may iba kaming ginagawa, di ba? At mukhang sa aming lahat, ako lang naman ang nagbibigay ng malisya sa lahat ng 'to. "Tamang-tama, hija, may bigay na kakanin ang kumare ko. Magdala ka nito pag-uwi mo." "Sige po, Tita." Pagabi na din kaya uuwi na lang din siguro. Masaya na ako sa kaunting oras na nagkasama kami ni Kuya Andrew. Bukas na lang ulit. Ano kaya ang idadahilan ko naman bukas? Habang hinihintay sa kakanin na bigay ni Tita, nanood na muna ako. Hindi ko na matitigan pa si Kuya Andrew dahil nanonood din kasama namin si Tito. "Anna, heto na!" Tumayo na ako at agad binitbit ang paper bag bago tinanggap ang tatlong patong ng container na inaabot ni Tita sa akin. "Thank you po, Tita. Kuya Andrew, salamat din. Mauna na po ako. Tito..." "Sige, hija." Tuwang-tuwa ako habang pauwi ako. Nasa labas din ng bahay sina Nanay at Tatay, umiinom ng kape. Hati sila sa isang tasa ng kape, para tipid. "Ano iyan, Anak?" "Pagkain po, bigay ni Tita." Pumasok na din si Nanay sa loob upang matingnan ang pagkain na dala ko. Natakam ako sa bigay ni Tita. May kaldereta at dalawang klase ng kakanin. Sakto at hindi pa nagluluto ng ulam si Mama, pritong itlog lang siguro o kaya tuyo ang ulam namin dahil wala naman akong nakikitang ibang ulam dito. "Magbihis ka na para makakain na din tayo," sabi ni Nanay. Napatingin siya sa paper bag na hanggang ngayon ay bitbit ko pa din. "Ah, pasalubong po ito ni Kuya Andrew. Magbihis na po muna ako, Ma!" Patakbo akong nagpunta sa aking kuwarto. Hindi na muna ako nagbihis dahil inuna kong tiningnan ang bigay ni Kuya Andrew. Bagpack na pink, Mga ballpen, notebook, pencil case. May isang malaking bar ng chocolate at may tshirt at keychain na galing pa ng Cebu! Tuwang-tuwa ako. Muli na naman akong nangarap ng gising. Bumalik na naman ang pag-i-ilusyon ko na gusto din ako ni Kuya Andrew. Oh my God! Gusto ako ni Kuya Andrew. Siguro hinihintay lang niya akong mag-eighteen. May tatlong taon pa. Huwag kang mag-alala, Kuya Andrew. Hihintayin kita. Hindi ako magkakagusto sa iba. Hinding-hindi ako titingin sa iba at tatanggap ng manliligaw kahit pa gaano sila kaguwapo. Dahil para sa akin, ikaw ang pinakaguwapong lalake sa balat n lupa. Kinaumagahan habang umiinom ng milo sa labas ng bahay. Huminto sa tapat namin ang sasakyan ng mga magulang ni Kuya Andrew. Nagbukas ang bintana kaya tumayo ako at bahagyang lumapit. "Aalis po kayo, Tita?" "Oo, hija. Pupunta kami ng Nueva Ecijah." May bahay at farm sila sa Nueva Ecija, kaya madalas ding wala ang mag-asawa. "Si Kuya Andrew po, kasama niyo po?" "Hindi, hija. Maiiwan siya." "Sige po. Ingat po kayo." "Oh, heto nga pala." Inabot niya sa akin ang isang brown paper bag. Nag-bake na naman siguro si Tita ng cookies. "Salamat po, Tita! Mag-ingat po kayo." Natuwa ako na umalis sila, dahil mag-isa na naman ulit si Kuya Andrew. Ano naman kaya ang idadahilan ko mamaya kapag nagpunta ako doon? Inubos ko na muna ang aking Milo, tamang-tama sa cookies na bigay ni Tita. Wala sina Nanay at Tatay ngayon, maaga silang umalis para magtinda. Araw kasi ng tiangge ngayon. Naghugas na din muna ako ang pinagkainan, nagwalis bago naligo. Bukas na ako maglalaba. Sabado pa lang naman ngayon. Nahirapan pa akong mamili ng susuotin ko dahil hindi pa pala nalabhan ni Nanay ang mga shorts kong maayos. Nagsuot na lang ako ng bestida na above the knee ang haba. Nagpolbo ako at teka... Wala pala akong liptint. Hindi pa ako nakabili dahil kulang pa ang pera ko. Hindi ako kumakain ng meryenda para lang makapag-ipon ako. At saka hindi din naman kayang makabili ng matinong meryenda ang baon ko. Kinuha ko ang piso sa aking wallet. Bibili na muna ako ng lipps candy at gagamitin kong pampapula ng aking labi. Ayan, pula na ang labi ko! Ngumiti ako at kumindat sa salamin. Nag-locked na muna ako ng mga bintana bago ako umalis ng bahay. Naging marahan ang lakad ko, dahil mainit na. Sa gilid at sa may lilim ng puno ako naglakad para hindi ako pagpawisan. Dapat fresh at amoy baby powder pa din ako hanggang mamaya. "Anna, saan ka pupunta?" tanong ng isa sa aming kapitbahay. Malayong kamag-anak na namin siya sa side ni Mama. "Kina Kuya Andrew po, Tita." "Ah. May bisita si Andrew..." Ay ganoon? Pero tutuloy pa din ako. "Babae..." Tinikom ko ang aking labi. Nakaramdam din ako ng kaba sa hindi ko malamang dahilan. Sino kaya iyong bisita ni Kuya Andrew? "Oh, siya... Mamamalengke pa ako." "Sige po." Tumuloy na din ako sa lakad ko. Gusto kong malaman kung sino iyong bisita ni Kuya Andrew. May bagong nobya kaya siya? Ang saklap naman. Pero hindi bale, hindi naman siya seryoso sa pakikipag-relasyon, e. Naglalaro lang daw siya, sabi ni Tita. Hindi pa din n'on mabubura ang nararamdaman ko para sa kaniya. Pagpasok ko ng gate nila, umalingawngaw agad ang malakas na tunog ng stereo. Mahilig kasi talaga sa music si Kuya Andrew. Nagbabanda siya nang high school siya hanggang college. Natigil lang siya nang magka-work na. Sumilip ako sa saradong bintana. Wala si Kuya Andrew dito. Akala ko ba may bisita siya? Nagpunta ako sa may bintana ng kusina at wala din sila doon. Hanggang sa narinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa kanilang banyo. Lumapit ako doon at dinikit ko ang aking tenga sa may semento. Narinig ko ang hagikgik ng isang babae. Naliligo iyong babae. "Harap ka. Let me suck your nipples." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Kuya Andrew. Magkasama sila sa banyo! Sabay silang naligo? At ano iyong sinabi ni Kuya Andrew? Malakas ang tugtog pero naririnig ko ang mga boses nila dahil nakadikit ang tenga ko sa pader. Hanggang sa ang sunod kong narinig ay nagpawindang sa akin. "Ah, Andrew. Ang sarap!" Hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi alintana ang init ng araw na tumatama sa aking balat. Ano 'to? Ano'ng ginagawa nila? "Sa kuwarto na natin ituloy," sabi ni Kuya Andrew. Doon pa lang ako nahimasmasan. Hinakbang ko na din ang mga paa ko, pero hindi para umuwi kung hindi para sumunod sa kuwarto. Nakasara ang kurtina pero may naiwang awang na sapat lang para makita ko ang tao sa loob ng silid ni Kuya Andrew. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang babaeng hubad. Ang sexy niya, malaki ang kaniyang dibdib at ang puti-puti pa niya. Pinupunasan niya ang basa niyang buhok. Niyakap naman siya ni Kuya Andrew. Hubad din si Kuya Andrew! Maya-maya pa ay naghalikan na ang dalawa. Ang kamay ni Kuya Andrew ay humawak sa puwet ng babae, sa kaniyang hita, bewang hanggang sa umakyat ito sa dibdib ng babae. Ilang beses niya itong hinimas bago siya yumuko at halikan ang dibdib ng babae. Alam kong mali ang ginagawa nila. At alam kong mali din na narito ako at nanonood pero hindi ko magawang umalis. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Asawa na yata ni Kuya Andrew ang babae. Alam kong ang ginagawa nila. Ginagawa lang ito ng mag-asawa. Wala na akong pag-asa pa. Wala ng pag-asa na maging kami ni Kuya Andrew. Akala ko magugustuhan niya ako, pero may nobya na pala siya at baka sa susunod na araw pakakasalan na niya. Ilang minuto akong nakatayo dito sa labas. Humina na ang sounds sa stereo kaya naririnig ko ang boses nilang dalawa lalo na iyong babae kapag napapalakas ang tili nito. Uuwi na ako. Wala na. Wala na talaga akong pag-asa pa kay Kuya Andrew. Nagkulong lang ako sa aking kuwarto hanggang sa dumating sina Nanay. Nagtataka pa siya kung bakit daw ako matamlay. "May sakit ka ba?" "Wala po. Ayos lang po ako." Umiyak pa ako pagsapit ng gabi, kaya namumugto ang mga mata ko kinaumagahan. Wala na sina Nanay nang lumabas ako ng kuwarto. Umalis na sila para magtinda. Naglaba na lang din ako upang hindi ko na maisip pa si Kuya Andrew. Lunes ng hapon, nadatnan ko ang Mama ni Kuya Andrew sa bahay. Nagbigay siya ng mga prutas at gulay kay Nanay na galing sa farm nila sa Nueva Ecija. Kinumusta lang niya kung kumusta ang araw ko. Matamlay pa din ako, kaya pati ang ginang ay nagtataka na din. "May sakit ka ba?" tanong ni Tita. "Nang sabado pa iyan matamlay," sabi naman ni Mama. "Bakit? May dinadamdam ka ba, hija? May boyfriend ka na?" Umiling ako. "Wala po." Paano pa ako magka-boyfriend. Ang anak niyo may aasawahin na. Siya lang naman ang gusto kong maging boyfriend, e. Nabalitaan ko na nasa bahay pa din nila iyong babae, kaya hindi na ako ulit bumalik sa kanila. Kahit nang dumating ang panganay nilang anak, hindi pa din ako pumunta doon. Kaya nagpunta na lang si Ate sa bahay upang ibigay ang pasalubong niya para sa akin papuntang Baguio. Pero pagkatapos ng isang linggo, nabalitaan ko na wala na ang babae. Umalis na ito. Ang sabi ni Mama ay mag-a-abroad daw ang babae. Narinig ko ang mga magulang ko na nag-uusap. "Akala ko pakakasalan na siya ni Andrew," sabi ni Papa. Natigil ako sa pagsagot ng aking assignment upang makinig sa kanila. "Alam mo naman ang lalakeng iyon. Masyadong babaero." Nagtawanan silang dalawa. "Sa gandang lalake ba naman kasi, babae na ang lumalapit sa kaniya." "Kaya nga," sabi ni Mama. Matagal akong napaisip. Kung hindi asawa, bakit nila ginawa ang bagay na iyon? Hindi tuloy ako nakatulog ng maayos. Iniisip ko iyong nabalitaan ko. At pagdating ng umaga, pagkatapos ng ilang oras na pag-iisip at pagmumuni-muni, nabuhayan ako ng loob. Masaya at masigla na ulit ako. Gusto ko na ulit si Kuya Andrew. Sabado ngayon kaya wala na naman kaming pasok. Naligo ako at nagsuot ng maiksing short at sando. Pupunta ako kina Kuya Andrew. Naglagay ako ng polbo at bumili ako ng lipps candy. Kaso pagdating ko sa kanila, ang sabi ni Tita may bisita daw na babae si Kuya Andrew. At ibang babae na naman. Nandoon sila sa kuwarto ng lalake. Mainit nga ang ulo ni Tita, e. Si Tito ay umiling-iling na lang. May bago na naman siyang nobya. Bagsak ang balikat ko at aalis na sana nang magbukas ang pintuan ng silid ni Kuya Andrew. Kasama niya iyong maganda at sexy na babae na lumabas. Wala talaga akong pag-asa kay Kuya Andrew. Dibdib pa lang talo na ako sa mga babae niya. "Hi, Anna," bati ni Kuya. Maliit akong ngumiti. "Buti at nagpunta ka dito, may mga ibibigay ako sa'yo." Puwede bang pagmamahal mo na lang ang ibigay mo sa akin, Kuya Andrew? Iyon lang naman ang gusto ko. Baka magtaka siya kapag umuwi na lang ako bigla, kaya naupo ako sa sofa. Niyakap siya ng babae at hinalikan sa labi bago ito lumabas ng bahay. Ah, aalis na ata. Sana huwag na siyang bumalik. Nang makaalis ang babae, lumabas naman ng kusina si Tita. At heto nga, nagsimula na siyang manermon. "Mabuti naman at pinaalis mo na. Naku, Andrew! Sa isang buwan nakakailang babae ka! Makakarma ka diyan sa ginagawa mo!" Tumawa lang naman si Kuya Andrew. "Sinusulit ko lang naman ang huling buwan ko dito." Tatawa-tawa itong umiilag sa paghampas ni Tita sa kaniya. Tumigil din naman si Tita. "Kumain ka na muna, Anna. Malapit ng maluto iyong spaghetti." "Sige po, Tita. Salamat po. l" Pumasok naman si Kuya Andrew sa kaniyang silid at paglabas niya ay may dala siyang dalawang malaking plastic. Nagulat pa ako. "Ang ilan dito ay mga hindi ko pa nagamit. Ang iba naman ay galing kay Ate. Binilin niya na ibigay ko sa'yo. Nasa Manila siya." "Salamat, Kuya Andrew." Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago napataas ang isang kilay niya. "Bakit naka-lipstick ka na naman?" Ngumuso ako. "Wala lang, para lang gumanda ako." Nanatili akong nakanguso habang nakatingala kay Kuya. Nag-iwas naman siya ng tingin. "Maganda ka naman, eh. Huwag ka ng mag-lipstick muna. Bata ka pa. Saka huwag ka munang magpaligaw." "Kailan ako puwedeng magpaligaw?" Nangingiti niyang kinamot ang kaniyan noo. "Kapag twenty ka na. O kapag nagtatrabaho ka na." "Ang tagal pa n'on." Pero mahihintay kaya niya ako? Heto na naman ako. Parang kanina lang ang lungkot-lungkot ko. "Bata ka pa para mag-boyfriend." "Kapag puwede na akong mag-boyfriend binata ka pa ba n'on?" Napaawang ang kaniyang labi. "Maybe..." Nagtaas siya ng kilay. Maybe? "Ang bata pa niyan..." Dumating ang mga kaibigan ni Kuya Andrew kaya tinuon ko sa kanila ang tingin ko. Kagaya ni Kuya Andrew ang guwapo din nila. Si Kuya Uno, Kuya Esteban at Kuya Ned. Kagaya ni Kuya Andrew mga engineer din sila. "Hi, Anna!" sabay-sabay nilang bati sa akin. Kumaway naman ako sa kanila at nahihiyang ngumiti. Nanatili namang nakatayo si Kuya habang nakasuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng kaniyang pants. Wala siyang suot na tshirt kaya litaw na naman ang maganda niyang katawan, lalo na ang mga pandesal sa kaniyang tiyan. Ang guwapo niya! "Bata pa," sabi ni Kuya Ned kaya napakurap ako at napaiwas ng tingin. Nakatingin pala silang lahat sa akin, nakakahiya! At ano iyong sinasabi nila na bata pa? Ako ba iyong tinutukoy nila? Kung hindi ba ako bata pa, may pag-asa kaya ako kay Kuya Andrew? Tinawag na ako ni Tita, kaya pumasok na ako ng kusina upang kumain. Pagkatapos kumain ay umuwi na din ako agad, dahil wala na din naman na sina Kuya Andrew dito. Sabi ni Tita gumala daw sila sa plaza. Baka mambababae na naman daw. Inisip ko na lang na hindi naman mahal ni Kuya ang mga babae niya, kaya ayos lang. Tanggap ko siya. Kapag nagdalaga ako at naging kami, sisiguraduhin kong hindi na siya titingin pa sa ibang babae. Dahil ako lang sapat na. Pero mukhang maging ang mundo ay kontra sa amin. Dahil pagkaraan ng isang linggo nakarating sa akin ang isang masamang balita. "Umalis na sina Andrew kaninang tanghali," sabi ni Nanay pagdating ko galing eskwelahan. "Po? Saan po siya nagpunta?" "Umalis na sila, Anak. Silang buong pamilya. Nag-migrate na sila sa Italy." "K-Kailan po sila uuwi?" "Baka hindi na sila uuwi. Doon na sila titira at magkakapamilya." Lahat ng pangarap ko para sa amin ni Kuya Andrew ay gumuho. Bakit hindi man lang siya nagpaalam sa akin? Bakit hindi man lang sila nagsabi?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
463.2K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
497.7K
bc

The Perfect Luna

read
4.0M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
602.0K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
464.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook