He's back

1306 Words
Years later... "Anna!" sigaw ni Rofel mula sa labas na umalingawngaw hanggang dito sa loob ng kuwarto ko. Pinagbuksan ko na siya agad ng pinto bago pa niya magiba ang aking pintuan. Base sa itsura niya, naka-Marites mode on na naman siya. Sa ganitong oras ng umaga may nasagap na siya agad na tsismis ja dahilan ng pagpunta niya dito. "Alam mo ba!" wika niya at kahit kinakapos pa ng hininga ay sinimulan ng mag-kuwento! "Hindi pa," sarkastiko kong sagot. "Eto naman, eh, 'yong crush mo simula pagkabata na si Kuya Andrew." Inirapan ko siya. "Oh ano'ng meron?" walang interes kong tanong sa kaniya. "Bumalik na siya dito sa lugar natin. Kanina habang naglalakad ako papunta sa may bakery para humili ng pandesal. May nakita akong magarang sasakyan sa tapat ng bahay nila," excited niyang kuwento na with matching actions pa.. Tiningnan ko lang ang kaibigan ko. Kunwari wala akong interes sa sinasabi niya, kahit pa ramdam ko ang biglang pagbilis ng t***k ng aking puso. Nakakainis! Ang tagal na n'on, Anna! That was four years ago. Bakit parang affected ka pa din sa kaniya? Hindi 'to puwede! Nakalimutan ko na siya. Wala na nga akong pakialam sa kaniya, e! Ngumisi ang kaibigan ko. Sinuri niya ang aking mukha. Nananantya at tila binabasa ang laman ng aking isipan, kaya mataray ko siyang tiningnan. "Matagal na panahon na 'yon no," asik ko sabay irap. "Talaga? Bakit parang namula ka?" pang-aasar niya sa'kin. "Hindi ako namula, no. Pinkish white lang talaga ang balat ko," pagdadahilan ko. "Pinkish white, your face." "Hindi nga ako apektado," naiiling kong sagot. "Okay. Dapat lang na 'di ka na maapektuhan do'n. Sinaktan ka niya noon." Pinaalala pa talaga ang bagay na matagal ko ng kinalimutan. May kirot pa din akong nararamdaman tuwing naaalala ko iyon. Hindi ko na lang pinahalata sa kaibigan ko na apektado ako. Kahit ang totoo ay ramdam ko pa din ang tila pagkapunit at pagkapira-pirado ng aking puso. The pain serves as a warning or reminder. MAAGA akong nagising kinaumagahan. Espesyal na araw ito ngunit pakiramdam ko ay hindi na espesyal. Siguro sa nakaraang limang taon ay inaasam at inip na inip ako sa paghihintay na dumating ang araw na 'to pero ngayon ay hindi na. Bumuntong hininga ako at marahas na nagpakawala ng hangin sa bibig. "Ana, bumangon ka na riyan at magsisimba tayo!" sigaw ni Nanay sa labas ng pinto. Tahimik lamang ako na bumangon at diretso na sa banyo. Araw ng linggo ngayon at nataon pa na kaarawan ko. Sa simbahan ay nakatuon lamang ako sa altar at tahimik na nagdasal. May tumabi sa'kin sa gilid kaya naman umusod lang ako ng kaunti. Punuan kanina ang simabahan kaya naman hiwalay ang upo ko kina nanay at tatay. Kami ng kapatid ko ang magkatabi sa ibang hilera. Nang nasa Ama Namin na ang parte ng misa ay nagulat ako ng hawakan ng katabi ko ang kamay ko. Nilingon ko siya at gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ko kung sino. Nginitian niya ako ng signature na makalaglag panty niyang ngiti. Seryoso lamang ako at hindi ko na siya pinag-aksayahan pang suklian siya ng ngiti. Agad kong binalik ang tingin ko sa harap. Nang mag-peace be with you ay hindi ko na din siya tinapunan ng tingin. Patawarin sana ako ng Diyos dahil kahit sa simbahan ay nakakagawa ako ng kasalanan. Nang matapos ang misa ay mabilis pa sa alas-kwatro akong naglakad palabas ng simbahan. Sa labas ng gate ko na lang hinintay ang nanay ko dahil ang kapatid ko ay nakita ang mga kaibigan at sumama na sa mga ito. Napakunot noo ako ng makita ko si nanay na kasama na si Andrew palabas ng simbahan at patungo dito sa kinaroroonan ko. "Oh anak! Pinagpaalam ka ni Andrew na ipapasyal ka daw ngayon," sabi ni nanay, kaya naman ay tinignan ko si Andrew ng masama. Tinaasan lamang niya ako ng kilay. Nakipagtitigan. Agad akong nag-iwas ng tingin, dahil napapaso ako 'pag ganyan na nakatuon sa akin ang mga mata niya. Bakit ba hanggang ngayon para pa rin ako 'yong batang ako na patay na patay sa kaniya noon? Walang alam sina Nanay tungkol sa nakaraan. Ang alam lang nila ay talagang malapit ako sa pamilya ni Andrew, dahil halos pamilya na din ako ituring ng pamilya niya noon. Tinuturing akong nakababatang kapatid na babae ng kaniyang kapatid na babae. Lingid sa kanilang kaalaman na kaya lang naman ako laging pumupunta sa kanila noon ay upang makita at makasama ko si Andrew. Akala nila nakatatandang kapatid na lalake ang tingin ko kay Andrew. Kung alam lang nila. Kahit labag sa loob ko sumama ako kay Andrew. Tahimik lamang ako mula ng sumakay ako sa sasakyan niya. Hindi ko na tinanong kung saan ba kami pupunta dahil ayaw kong magsalita o makipag-usap sa lalake na ito. "Saan mo gustong kumain?" tanong niya. Alam kong sinusulyapan niya ako pero ang tingin ko ay nakatutok lamang sa labas ng bintana. "Ikaw bahala," walang gana kong sagot. "Bakit ba ayaw mong tumingin kapag kinakausap ka?" tanong niya. Wala namang bakas ng pagkainis mula roon. "Masakit sa mata," tanging sagot ko na kinatawa niya. "Masyado bang pogi?" tanong niya at may himig ng humor. "Mukha mo, ang kapal," sagot ko ng hindi pa din siya tinitignan. "Talaga? Parang hindi ka naman patay na patay sa mukha na ito," wika niya at doon na ako bumaling ng tingin sa kaniya. Talagang pinaalala pa sa akin. Ang kapal! "Excuse me?" pagtataray ko sa kaniya. Ngising-ngisi siya dahil nagtagumpay siya sa pagkuha ng aking atensyon. Tinaasan niya ako ng kilay nang nanatili pa din ang matalim kong tingin sa kaniya. "Correction. Noon 'yon, noong bata pa ako." "Bata ka pa naman, ah," komento niya. "Hindi na ako bata. Hindi na ako nagsusuot ng baby bra," sagot ko naman. Namula ang mukha ko ng bumaba ang tingin niya sa dibdib ko. "Bastos!" asik ko sa kaniya. "Paano naman ako naging bastos?" Tinaas ko ang kamay ko upang pigilan na siyang magsalita dahil napipikon na ako sa kaniya. Hindi na din siya umimik pa nang makita niyang inis na inis na ako. Pagkarating namin sa mall ay nauna na muna kaming kumain sa isang restaurant. Sa fastfood ang tinuro ko pero sabi niya hindi daw healthy ang fastfood. "Sabagay, matanda ka na. Kailangang maging concsious ka na sa health mo," komento ko. Tinignan niya ako ng masama. "Bakit?" tanong ko. "Wala, ang ganda mo talaga," wika niya at hindi pinansin ang pang-aasar ko sa kaniya. "Ngayon mo lang alam?" sagot ko. "Matagal na, bata ka pa maganda ka na. Pero ngayon na dalaga ka na, mas lalo kang gumanda," wika niya habang nakatunghay sa 'kin. Pakiramdam ko kasingpula na ng kamatis ang aking mukha. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko sa sinabi niya. Nag-iwas ako ng tingin. Sakto naman na dumating na ang order namin na pagkain kaya doon na lang tinuon ang pansin ko. NAGLIBOT kami sa buong mall. Binilhan niya ako ng mga damit sa department store at mga sandals. Pinipilit pa niya na bilhan ako ng celphone pero nagmatigas ako na hindi na. Kung tutuusin mali nga na binilhan niya ako pero katwiran niya para daw ito sa limang taon na kaarawan ko na wala siya. Madilim na sa labas at malakas ang ulan ng matapos kami sa pamimili. Sinamahan ko na din siyang mag-grocery ng stocks niya. "May bagyo yata," dinig kong wika niya bago niya paandarin ang sasakyan niya. "Sa bahay ka na kumain ng hapunan, ipagluluto kita," wika niya ulit. Tumango lamang ako bilang sagot. Kahit naman hindi ako komportable na magkasama kami ay hindi na lang ako kumontra. Baka asarin na naman niya ako o kaya'y isipin na apektado pa rin ako sa kaniya kapag tumanggi ako. Ayaw kong isipin niya na tulad pa din ako ng dati.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD