Chapter 1
VENICE SANDOVAL'S POV
-
"Damn you, Kris Warren Yu!" malakas kong sigaw sa kawalan, kulang na lang ay maputol ang litid sa leeg at noo ko.
Kasabay nito ay ang pagbagsak ko ng bote ng alak sa lamesa at saka pa marahas na napabuntong hininga. Lasing na nga marahil ako at makailang beses akong napasinok, idamay pa na nanlalabo na ang paningin ko. Hindi ko namalayang nakailang bote na pala ako.
Sh*t, bakit kulang pa rin? Bakit pakiramdam ko ay walang lasa iyong alak at parang umiinom lang ako ng tubig? Bakit ang sakit pa rin? Hindi ba't sabi nila, kapag uminom ka ng alak ay hindi mo mararamdaman iyong sakit at makakalimot ka sa problema? Bakit hindi ko iyon maramdaman ngayon?
Mayamaya pa nang kusang tumulo ang luha sa pisngi ko na maagap ko namang pinunasan. Matapos ang isa ay maroon pang isa hanggang sa naging sunud-sunod na ang pagluha ko, kung kaya ay napatakip na lamang ako ng mukha.
Nanginig ang balikat ko sa paghagulgol kong iyon, mahina akong umiiyak habang tuliro ang isipan. Ano bang mali sa akin? Bakit hindi ako magawang mahalin pabalik ni Kris? Dati naman na niya iyong nagawa. Dati naman ay mahal ako nito?
Bakit ngayon ay hindi na ako nito kayang mahalin? Bakit hindi niya ulit ako tanggapin ngayon at saka kami magsisimula ng panibago? Everyone deserves second chance, right? Ano bang mali?
Oo at nagkamali ako, isang beses— no! I mean, second? Third? F*ck! But hell, kaya kong magbago. Kayang-kaya ko para lang maibalik sa akin ni Warren ang dating pagmamahal niya. Kaya ko namang magbago, just me at least one last chance.
Suminghot ako at sandaling ninamnam ang sandaling iyon. Kasunod nito ay siyang nag-materialize sa utak ko ang mga masasakit na alaala ko kay Warren— ang mga sinabi nitong tagos sa puso ko.
"Ikaw naman ang dahilan kung bakit tayo humantong sa ganito, hindi ba?" mahina ngunit madiing wika ni Warren.
He's my long time boyfriend, five years to be exact. He's my first love. He's my chilhood sweetheart. He's my high school crush. Ako pa nga itong nanligaw sa kaniya noong college kami.
Dati nang magkakilala ang pamilya naming dalawa ni Warren. We're on the same boat, parehong mayaman ang pinanggalingan at magkasosyo pa sa mga negosyo. Mag-isang anak ni Tita Carmen at Tito Topher kaya sunod ito sa luho.
Nakilala ko siyang mayabang, snob at loner ngunit hindi maitatangging habulin siya ng mga kababaihan sa campus. At isa na nga ako sa mga babaeng nagkakandarapa sa kaniya noon.
Sa kabila ng kagaspangan ng ugali nito ay siyang bumawi ito sa panlabas na itsura. Hindi maipagkakaakilang makalaglag panty ang mala-adonis nitong katawan. Ang mga mata niyang ang masarap titigan na kahit ilang oras kong pagmasdan ay hindi ako magsasawa.
Ang ilong nitong matangos at ang labi niyang mapula-pula na kaysarap kagatin. Pati na rin ang panga nitong parating nakaigting, animo'y nang-aakit lang ng dilag sa campus.
Tila ba sa anyo niyang iyon ay nagkaroon ng paborito ang Diyos, naglaan ng mahabang panahon upang ukitin ang mala-perpektong Kris Warren Yu. God d*mn it!
Sa sobrang desperada ko na mapalapit sa kaniya ay ako na mismo ang nanligaw kay Warren. Kaunti lang kasi ang kaibigan nito noon, pili lang din dahil na rin sa pihikan siya pagdating sa mga taong pagkakatiwalaan at magiging kaibigan.
Hindi na alintana sa akin noon ang pagod ko sa araw-araw na pagbili ng mga tsokolate at bulaklak sa malapit na mall. Manigas man ang kamay ko sa paulit-ulit kong pagsusulat at pagbibigay ng love letter na alam kong hindi naman niya binabasa.
Sounds corny pero iyon ang totoo, pero isa ako sa mga babaeng nag-iiwan ng mga love letter sa locker nito. Kaya laking gulat ko na lang nang isang araw ay pinansin niya rin ako. Doon ko siya mas nakilala ng lubos, doon ko natantong he's worth the wait.
Naging bulgar ako sa totoong nararamdaman ko para rito, hindi na rin bago sa akin kung isnabin man ako nito. Hindi rin nagtagal, sa hinaba-haba man nga ng prusisyon— finally, he said yes.
That was the time na sobrang saya ko, na sa wakas ay napaamo ko ang isang Kris Warren Yu. For the record, ako ang unang girlfriend niya! Ako ang first love nito, I'm such a blessed. I swear, ako na yata ang pinakamasayang babae noon.
Kaya ngayon ay hindi ko mawari kung bakit bumaliktad ang mundo? Kung bakit nagawa ko siyang gawan ng kasalanan? Hindi ba talaga naging sapat iyong pagmamahal ko sa kaniya?
"Look, Venice, I am so done with your bullsh*t, all right? Hindi lang naman ito ang unang beses na niloko mo ako. Remember? At sa iisang tao pa talaga," walang emosyong turan nito habang kitang-kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga.
Sa narinig ay nagbalik ako sa reyalidad. Nawala ang masasayang alaala namin noon at narito ako ngayon sa kasalukuyan, tinatanggap ang hinanakit at galit ni Warren sa akin.
Nag-angat ako ng tingin dito at nakita ang madilim niyang mukha, kumikinang ang parehong mata nito marahil sa nagbabadyang luha ngunit malaki ang pagpipigil niya roon. Seryoso ako nitong tinitigan, tipong hindi mapapatawaran ang galit niya sa akin.
"Ano ba ang mayroon sa kaniya na wala sa akin, huh? Ganoon ba siya kagaling sa kama?" Lumakas ang sigaw nito dahilan para maagap kong tinakpan ang bibig nito.
"Hindi iyon gano'n, Warren! Please, let me explain! Pakinggan mo ako, kaya ko namang sabihin lahat ng katotohanan. Just let me explain!" pagsusumamo ko ngunit marahas niya lang akong itinulak.
Sa lakas ng pagkakatulak nito ay kamuntikan pa akong matumba, ilang hakbang paatras ang nagawa ko. Gulat na napatigalgal ako sa harapan nito, halos hindi makapaniwala sa ginawa niyang karahasan.
Matapos niyang punasan ang bibig ay matalim ang mga matang pinakatitigan ako nito pamula ulo hanggang paa, saka pa bulgar kong nakita ang pandidiri sa mukha niya. Kasabay ng tila pagkadismaya at pagkaawa.
"Hayaan mong marinig nila Mommy kung gaano ka nakakadiri, Venice. Tinanggap na kita ng dalawang beses, tingin mo ba ay matatanggap pa kita ngayon?" Tumaas ang isang kilay nito, mayamaya pa nang umiling-iling siya.
"Kaya nga ipapaliwanag ko, makinig ka muna kasi..." nahihirapan kong sambit, dala nang mabigat kong paghinga dahil sa matinding pag-iyak ko ngayon.
"Kung hindi pa nagsumbong sa akin si Leo na nakikipagkita ka na naman ulit doon sa lalaki mo ay hahayaan mo akong maging tanga? Ganoon ba iyon, Venice Sandoval?"
Speaking of which— that f*cking Leo! Isa lang naman siya sa malapit na kaibigan ni Warren, best buddy na rin kung maituturing. Above all, isa siyang dakilang playboy!
Paano ba nito nalalaman kung saan ako nagpupunta? Inuutusan ba siya ni Warren na sundan ako at i-report lahat ng ginagawa ko sa araw-araw na nagdaraan? Kataka-takang mas alam pa nito ang mga whereabouts ko.
Ang daming naglalaro sa utak ko, mga tanong na gusto ng kasagutan. Umawang ang labi ko ngunit hindi ko na rin nagawang makapagtanong nang muling nagsalita si Warren.
"Sige na, umalis ka na, Venice. Ayoko na ng gulo, masakit na ang ulo ko sa kaiisip kung bakit mo ito nagagawa sa akin. Please lang." Hinilot nito ang sentido, bago marahas na napabuntong hininga. "Wala ka ng babalikan, tapos na tayo at hanggang dito na lang tayo."
Tumulo ang luha ko, tuluyan nang walang nagawa. Nagpaubaya ako dahil alam ko rin sa sarili kong malaki ang kasalanan ko. Wala na akong dapat ipaliwanag, nabanggit naman na siguro ni Leo ang mga nangyari.
Hindi na muling nagsalita si Warren, tumalikod na ito upang pumasok sa malaking gate ng kanilang mansyon dito sa La Corazon's Residences. Dinayo ko pa siya rito nang matanggap ko ang text niyang sinasabing maghiwalay na kami.
Wala ng ibang sinabi kung 'di iyon lang kaya madalian akong nagpunta rito para magpaliwanag. Nakakatawa lang na ang lakas ng loob kong pagpakita na parang wala akong ginawang masama sa kaniya.
Doon ko natanto, baka nga mas magaling si Brandon— ang lalaking palaging pinag-aawayan namin ni Warren. Isa si Brandon sa mga naging client ni Daddy sa trabaho niya na siya ring inireto sa akin ni Mommy.
Noong una ay wala lang sa akin ang lalaking iyon hanggang sa mahulog na lang ako sa patibong nito. Panandalian akong naging masaya kay Brandon, naging bulag ako at naging sarado ang utak.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na dating magkaaway si Brandon at Warren. Dati nang itinuring ni Warren bilang bestfriend si Brandon ngunit mas piniling gawan ng masama. Who knows what is it, maging ako ay hindi ko alam. Kaya marahil ay naging ilag ito sa lahat at naging mapili sa kaibigan.
At ngayon ko lang mas na-realize, walang makakatalo sa taong tanggap ka sa kung sino ka man at kung ano ka. Iyong lalaking ilang beses kang pinatawad, muling tinanggap at patuloy na minahal ng walang pag-aalinlangan.
Sa ikatlong pagkakataon, baka nga nauntog na lamang ito at nagawa akong bitawan ng ganoong kadali. Kaya hanggang ngayon na buwan ang lumipas ay kinasusuklaman pa rin niya ako.
Mas lumakas ang pag-iyak ko. Wala na akong naging pakialam kung pagtinginan man ako ng mga taong nasa paligid. Maingay din ang nasabing bar, kaya alam kong walang nakaririnig sa akin.
Ang laki ng pagkakamali ko, kaya gusto ko iyong itama, gusto ko ulit bumalik kami sa dati ni Warren. Kaya ko namang magbago, bigyan niya lang muli ako ng isang pagkakataon at pangako, huli na talaga 'to. Huling-huli na.
"Iyan ang napapala kapag hindi marunong makuntento, tamang iyak na lang sa tabi at saka magsisisi bandang huli." Dinig kong palatak ng boses lalaki sa gilid ko.
Sandaling tumigil ang pagluha ko at dahan-dahan na nilingon ito, mukha ni Leo Ortiz ang nabungaran ko kung saan nakangisi pa ang g*go, tila ba nasisiyahan pa siya sa nakikitang itsura ko ngayon.
Halatang kararating lang nito at deretso kaagad dito sa counter ng bar upang um-order ng iinuming alak. Mabilis kong nalanghap ang pamilyar na natural niyang amoy, ganoon pa man ay naningkit ang mga mata ko.
Bulgar na umasim ang mukha ko, ang kaninang nababagabag kong damdamin ay biglang nagpupuyos sa galit. Umahon ang inis ko rito dahilan para walang pasabing sinuktok ko siya sa dibdib.
"This is all your fault, d*mn you!" Imbes na masaktan ito ay narinig ko pa ang pagtawa niya. "I so f*cking hate you to death! Kasalanan mo 'to! Kasalanan mo! Kasalanan mo, Leo!"
"Hindi ako tanga na hahayaang ginag*go ang kaibigan ko, Venice. Babaero ako, pero loyal ako sa mga kaibigan ko, okay?" matigas nitong wika, bago initsa ang kamay ko paalis sa dibdib niya.
This punk is really getting on to my nerves!
Inayos nito ang gusot sa kaniyang suot na black polo shirt kung saan hapit na hapit sa katawan nitong pumuputok ang mga muscle mula sa balikat at braso. Malamig ang emosyon nito nang balingan niya ako.
Pagak akong natawa. Kalaunan nang tumigil na ako sa pag-iyak at inayos ang sarili mula sa pagkakaupo sa isang mataas na stool. Isang singhot pa ang ginawa ko, bago makailang ulit na pinunasan ang basang pisngi.
"Kontrabida ka talaga sa buhay ko, ano? Noon pa man ay ayaw mo na ako, tutol ka sa relasyon namin ni Warren. Kahit kailan ay hindi ka naging masaya para sa aming dalawa o kahit man lang sa kaibigan mo," mahabang pahayag ko, kulang na lang ay magpasabog ako ng bomba sa pagmumukha nito.
Nakakainis siya! Naiinis ako sa gwapo niyang mukha! Nakakainis na kahit galit ako ay nagagawa ko pang mamangha sa kung paano ito ngumisi sa harapan ko. Argh! Bwisit talaga!
"My instinct are always right. Ma-attitude ka na dati pa, hindi na rin nakapagtataka na sumakabilang lalaki ka." Mahina itong tumawa, tila ba nang-uuyam. "You're a witch, Venice. The ugly one with a pointed nose."
Sh*t talaga!
Umawang ang labi ko sa mga naririnig mula sa walang filter niyang bibig. Oo nga't matagal na kaming magkakakilala, pero sino ba ito at tila ba judge kung husgahan ako? At witch? Bulag ba siya, huh? Lahat ay gandang-ganda sa akin, pero kung laitin niya ako ay parang kasumpa-sumpa ang itsura ko.
"Kaya ayaw ko sa 'yo, bukod sa manloloko ka na ay napakamanhid mo pa," wika nito na halos magpaulit-ulit sa pandinig ko.
Manhid? Wow, huh? Manhid ako? Like f*ck, manhid na ba ako sa lagay na 'to? Gayong damang-dama ko ang pagkawasak ng puso ko? Iyon ba ang manhid? Kung ganoon pala ay ang sarap na lang mamatay.