Chapter 2
Venice
-
"Anong sinabi mo?" maang kong tanong kay Leo habang pinanlalakihan ito ng mata.
"Wala, ang sabi ko ay napakamanloloko mo," aniya at saka pa nang-aasar na tumawa, iyong tunog mangkukulam katulad ng palagi niyang pang-asar sa akin na isa raw akong witch.
"At manhid ako?" palatak ko, muli ko siyang hinampas sa braso nito "Paano ako naging manhid, samantalang tagos sa puso ko itong nararamdaman ko, huh?"
Pagak akong natawa, nagulat pa ako nang nakisabay ito sa pagtawa ko na para bang may nakakatawa talaga sa sinabi ko dahilan para lalo lang mag-init ang ulo ko sa lalaking ito.
Kahit kailan talaga ang bwisit na Leo na 'to! Huwag siyang tumawa-tawa riyan, gayong broken hearted ako rito. Baka magdilim pa ang paningin ko at hindi ko masabi kung ano pang magagawa ko sa kaniya. Baka higit pa sa hampas ang magawa ko rito.
"Umalis ka na nga! Wala ka talagang magandang dulot!" singhal ko rito at walang habas na sinapak siya sa kaniyang braso.
Naglikha iyon ng malakas na tunog, kaya natanto kong napalakas ang pagkakasapak ko. Maagap na napahawak siya roon, nawala rin ang kaninang pagtawa niya at napalitan ng pagkakatiim bagang.
"Hindi ka lang manloloko, ano? Mapanakit ka rin." Ngumiwi ito sabay tayo mula sa pagkakaupo sa katabi kong stool. "Hindi naman ikaw ang ipinunta ko rito, but nevermind. Maghahanap na lang ako ng chicks, kaysa makipag-usap sa isang witch."
Taas-noo itong tumalikod, nakapamulsa pa ang dalawang kamay sa suot niyang faded jeans. Hindi maiwasan ay sinundan ko ito ng tingin kung saan deretso ang tungo niya sa dancefloor.
Mayamaya pa nang may nilapitan itong kumpol ng mga babae. Awtomatikong tumili ang tatlong haliparot habang kaniya-kaniyang sayaw sa harapan ni Leo, animo'y nagpapagalingan.
Mayamaya pa nang ituro ni Leo iyong babaeng nasa gitna, rason para iyong dalawang kasama nito ay bagsak ang mga balikat na tumalikod sa gawi nila. Hudyat na ang babaeng iyon ang napili ni Leo.
At hindi ko malaman kung anong special sa babaeng iyon, bukod sa maikling skirt at tube ang suot nito ay hindi naman siya kagandahan. Iyong buhok pa niya ay parang hindi naliguan ng ilang buwan.
Nasa bungad lang sila, kaya kitang-kita ko kung paano inilapat ni Leo ang kaniyang kamay sa baywang ng babae at hinagod paitaas sa paraang nang-aakit. Siya namang ngiti ng babae at saka pa sumandal sa dibdib ni Leo.
Tch, that punk!
Hindi na bago sa akin ang ganitong eksena dahil dati pa naman ay babaero na ang lalaking iyan, kabi-kabilaan ang mga sabit. Monthly pa kung magpalit ito ng babae na para bang nagbibihis lang ng damit.
Pero ang kalandian niyang iyan ay hanggang diyan lang. Hindi man nito sabihin ay alam kong takot siya sa commitment. Never in his entire life na may naturingan siyang girlfriend.
Puro flings, after makuha ay kaagad ding iitsa patapon. Nakakaloka lang talaga. Kaya never ko ring nagustuhan iyang ugaling mayroon si Leo, kahit pa matalik siyang kaibigan ni Warren.
Kung ayaw niya sa akin, pwes ay ayoko rin sa kaniya. Kung siya ay puro flings lang, ako naman ay gusto ko ng commitment. Ayokong maramdaman na option lang ako, kaya marahil pati kay Brandon ay nagpaloko ako.
Napairap ako sa hangin nang mabilis na sinunggaban ni Leo ng halik ang babae, tila ahas na pumulupot ang dalawang braso nito sa baywang ng babaeng grabe rin kung makalingkis sa leeg ni Leo.
Bumuga ako ng marahas na hininga. Hinayaan ko na sila. Wala ng pag-asa ang lalaking iyan na magbabago. Kawawa naman kung sakali ang magiging asawa nito in the future, kung may magtatagal man sa kaniya.
Doon ko natanto na wala rin pala kaming pinagkaiba ni Leo, parehas na manloloko. Kaya marahil galit kami sa isa't-isa— hindi hamak na galit sa kapwa manloloko ang isang manloloko.
Kibit ang balikat kong bumalik sa pwesto, saka ko natanto na halos mabasag na iyong basong hawak ko sa sobrang higpit nang pagkakahawak ko roon, halatang nanggigigil. Pagak akong natawa, bago initsa iyon sa harapan ko.
Muli kong itinukod ang dalawang siko sa marbled counter top. Pumangalumbaba ako habang tahimik na nag-iisip kung ano pang pwede kong gawing pagmamakaawa kay Warren.
Ang huling kita namin ay iyon na mismo, todo iwas ito sa akin. Minsan ko ring nalaman na gusto niya akong ipa-ban dito sa Black Alley na siyang madalas nilang tambayan kasama ng buo nitong barkada.
Ngayon ay wala siya, panigurado rin ako na nasabi na sa kaniya ni Leo na nandito ako, kaya hindi na iyon magdadalawang-isip na magpunta pa rito, o magsayang man ng oras para sa akin.
Higit isang buwan ang pinalipas ko at sa loob ng mga nagdaang araw ay ganito na ang naging routine ko. Pagka-out sa trabaho ay deretso ako kaagad dito upang salubungin siya kung sakaling magpunta man ito rito.
Kapag hindi ay iiyak na lang ako buong magdamag. Paulit-ulit na iinom hanggang sa makatulugan ko na lang ang sakit sa puso ko. Gabi-gabi akong nagsisisi kasi ang tanga ko— bakit ba masyado akong naging marupok?
Napahinga ako nang malalim. Mayamaya pa nang halos mapalatak ako, ang daliri ko ay napapitik pa sa hangin nang may sumagi sa isipan ko. Right! Balak nga pala kaming ipakasal ni Tita Carmen at Tito Kristopher.
Minsan nang napagkasunduan nila Mommy at ng pamilya ni Warren na ipakasal kami balang-araw. Nakatadhana na kami sa isa't-isa at tamang panahon na lang ang hinihintay.
Animo'y nagkaroon ako ng pag-asa sa oras na iyon. Tamang-tama, malapit na ang kaarawan ni Warren at naisip kong iyon na ang pagkakataon ko para muling magkrus muli ang landas namin.
Why not greet him a happy birthday with surprises, right? Hindi man siya matuwa ay ayos lang, tiyak ko namang wala na itong kawala. Bukas na bukas din ay kakausapin si Daddy patungkol dito. I grinned like an evil witch.
"Are you just wasting your time drinking like a mad man?"
Nahinto ako sa pag-iisip nang may naupo sa kaninang pinag-upuan ni Leo. Hindi ko man lingunin ay agaran nang nagpantig ang tainga ko. Sa presensya pa lang nito ay umalpas na ang galit sa puso ko.
Dahan-dahan ay sinipat ko ito ng tingin, ang natural na pagkakangisi ng mukha niya ang nabungaran ko, tila ba ano mang oras ay handa akong gawan ng masama. Tch, the real son of a b*tch is here.
"And why are you doing here? Hindi ka pa ba masaya na nakikita akong nasasaktan?" mahinang sambit ko.
Then Brandon just shrugged his shoulder. "Ako ba ang may kasalanan? As far as I remember, ikaw mismo ang nagtulak sa sarili mo para mahulog sa akin."
Ang kapal ng mukha.
Brandon Villareal is just a pure sc*mbag. Oo at minsan ko siyang pinagpantasyahan, nahulog sa matatamis nitong salita, nalulong sa pekeng pagmamahal niya, pero hindi na ngayon.
F*ck. Nang maalala ko ang mga nangyari sa pagitan namin ay kusang kumuyom ang kamao ko. Tila ba diring-diri ako sa sarili ngayon at kung bakit ko ba pinatulan ang lalaking ito.
What makes him special? Wala. Siguro nga ay nabulag lang ako ng mga oras na 'yon, na nagawa kong lokohin si Warren para sa kaniya. Wala akong sinisisi kung 'di ang sarili ko. Tama, masyado akong marupok at malandi.
Noong mga panahong wala ng oras sa akin si Warren, minsan siyang naging abala sa school projects at isama pa na tine-train na siya ni Tito Kristopher na mamahala ng kanilang Wine and Liquor Company na nakabase pa sa China.
That was the time I made a big mistake.
"And as far as I recall, malaki ang galit mo kay Warren. Kaya mo nga ako sinulot sa kaniya, hindi ba?" balik pagtatanong ko kay Brandon, rason para magitla ito sa kaniyang kinauupuan.
Ngunit mabilis din siyang tumawa. Napangiwi ako nang tila mag-materialize sa harapan ko ang mukha ni Leo na siyang panay din ang tawa. Tinatawanan nila ako na parang ang laki kong tanga.
"Excuse me? For your information, you're not that good in bed, marahil iyon din ang dahilan kung bakit mabilis ka lang pinakawalan ni Warren."
Sumikdo ang puso ko sa narinig, kapagkuwan ay mas lalong namuo ang galit sa akin. Hindi raw ako magaling, kaya pala ay binabalikan ako ng g*gong 'to? Makailang beses akong hinahabol para lang maikama ulit ako. Sino ngayon ang tanga sa amin?
"So, nandito ka ba para matikman ako ulit? Para isaksak diyan sa kukote mo na hindi ako magaling gumiling, pero ikaw 'tong panay ang lapit sa akin?" Tumawa ako sa tunog mangkukulam, talagang pinangatawanan ko na iyong pagiging witch ko. "Asa ka, Brandon. I've learned my lessons."
"Come on, Venice." Hinawakan nito ang kamay kong naroon sa marbled counter table.
I knew it. Gusto kong matawa ngunit nananatiling malamig ang expression ko, saka pa initsa ang kamay niya. Galit ang mga matang ipinukol ko rito, sandali pang bumaba ang atensyon ko sa kabuuan nito.
Wearing a black tuxedo with a red bow tie, malamang ay galing pa ito sa trabaho at dumeresto kaagad dito sa Black Alley. Malaki rin ang pangangatawan ni Brandon, 'di hamak na habulin ng mga kababaihan.
"Just leave me alone, Brandon. Maghanap ka na lang ng iba riyan na pupunan ang pangangailangan mo," tinatamad kong wika, bago muling hinarap ang bartender sa harapan.
Balak ko sanang abutin ang bote ng alak nang pigilan niya ako. Nagulat pa ako nang mabilis nitong inikot ang katawan ko upang iharap sa kaniya at walang anu-ano'y marubrob akong hinalikan.
Nanlaki ang parehong mata ko sa biglaan nitong ginawa, kaya sandali akong hindi nakagalaw at naestatwa na lamang sa pagkakaupo ko. Naramdaman ko ang mahigpit nitong pagkakayapos sa baywang ko, rason para manuot ang kirot sa balat ko.
Samantala ang isa niyang kamay ay nakahawak sa panga ko upang pagdamutang makawala, o makalanghap man lang sana ng hangin. Pinisil pa nito ang panga ko dahilan para mapaawang ang bibig ko.
Pagkakataon niya iyon upang ipasok ang kaniyang dila sa loob ng bibig ko. Doon ay natauhan ako, ang isang kamay ko ay malakas na tumutulak sa dibdib nito ngunit ganoon nga talaga kapag pursigido, ayaw magpaawat.
Mayamaya pa nang halos malaglag ako sa kinauupuan kong stool nang may biglaang humila kay Brandon. Sa kadahilanang hawak nito ang baywang ko kanina ay napasama ako at kamuntikan pang mapasubsob.
Huli na nang ma-realize ko kung sino ang humatak kay Brandon. Abala ako sa pag-aayos ng tindig ko, nakarinig na lang ako ng mga sigawan sa mismong harapan ko, kaya maagap akong nag-angat ng tingin dito.
"F*ck! Get the hell out of me!" singhal ni Brandon sa lalaking panay ang suntok sa mukha niya.
Nang mamukhaan kung sino ang lalaking iyon ay kaagad na nalaglag ang panga ko sa sahig. Natulos ako sa kinatatayuan at tanging pagnganga na lang ang nagawa habang pinapanood si Leo na walang awang sinasapak si Brandon.
Parang kanina lang ay naroon siya sa dance floor at nagsasayaw, papaanong nangyaring nandito siya at nakikipagpalitan ng suntok kay Brandon? Nang mabalik sa reyalidad ay mabilis akong lumapit sa dalawa.
Bago pa man kami mapalabas ng bar ay ako na ang umawat sa kanila. Dahil si Leo itong malapit sa pwesto ko ay siya ang hinihila ko, hindi ko na inisip kung ako ang masaktan niya. Basta ay panay lang ang hila ko habang mahigpit ang kapit ko sa kaniyang baywang.
"F*ck! Magtigil nga kayong dalawa!" bulyaw ko sa kanila ngunit isang sapak pa ang iginawad ni Leo kay Brandon dahilan para tuluyan na siyang mapasalampak sa sahig.
Napasigaw ako sa gulat. Hindi ko rin malaman kung dapat ko bang daluhan si Brandon ngunit nananatili ang pagkakayakap ko sa katawan ni Leo, kung saan ramdam na ramdam ko ang pag-aangat-baba ng dibdib nito.
Hindi rin nagtagal nang marahas niyang tinanggal ang mga kamay kong nakayapos sa kaniya, bago ako hinarap at nakitang puno ng galit ang parehong mata nito sa hindi malamang rason. Napalunok pa ako nang makitang nagtatagis ang bagang nito.
"Gusto mong magkabalikan kayo ni Warren, but here you are... flirting with the same man. You are not just a witch, Venice— you're a f*cking whore." Hindi na ako nito hinayaang magsalita nang mabilis niya lang akong nilampasan upang umalis, halos mapaupo pa ako nang banggain nito ang balikat ko.