Chapter 3
Venice
-
You're a f*cking w***e.
Iyan ang katagang nagpaulit-ulit sa pandinig ko hanggang sa makauwi ako ng bahay, makatulog kinagabihan at magising kinabukasan. Kaya naman ay sobrang sama ng gising ko ngayong umaga.
May parte namang totoo ang sinabi ni Leo, pero nakakainis lang at nanggaling pa talaga sa kaniya? Bwisit siya! Bakit hindi ito manalamin at baka sarili nito ang pinagsasabihan niya.
Isa rin naman siyang malanding nilalang, kung sinu-sino ang kinakalantari at kinakama. Kapag nagsawa na ay saka naman itatapon na parang basura lang. Wala naman kaming pinagkaiba, kaya manahimik siya riyan.
Isa pa, as if ginusto ko iyong paghalik sa akin ni Brandon. God knows kung gaano ko kagustong makawala at isumpa siya, pero hindi ko na rin kailangang magpaliwanag pa kay Leo. Sino ba siya?
Mariin kong hinilot ang sentido ko nang bumangon ako mula sa pagkakahiga. Hindi ko nga alam kung paano pa ako nakakauwi nang maayos. Kung paano ako nakakapag-drive, gayong lulong ako sa alak kagabi.
Well, pwede ko na bang ipagmalaki na kahit lasing ako ay mapagkakatiwalaan ako pagdating sa pagmamaneho? Tch, God d*mn it!
Masakit ang ulo ko, pasuray-suray pa akong naglakad dala ng katamaran at lumabas ng kwarto. Dumeretso ako sa baba at tinungo ang kusina upang makapaghanda ng tsaa para naman mahimasmasan ako.
Walang tao rito sa bahay, anong oras na rin kasi akong nagising. Tiyak kong nasa trabaho na sina Mom and Dad, they're busy collecting money. Wala naman sa akin kung wala na silang oras para sa akin.
Isa pa ay matanda na ako para hangarin ang pagmamahal at kalinga nila. I can do it all by myself. Hindi ko sila kailangan. Napahinga ako nang maluwang, bago naupo sa stool ng marbled counter table.
Sakto pa ang pagpasok ng isang lalaki sa kusina. Wearing his only boxer short, kaya kitang-kita ko ang matipuno nitong katawan. Nag-uumapaw ang abs nito, pati ang pagkasiksik ng mga muscles niya sa braso at dibdib.
Napairap ako, samantala ay ngumiwi lamang ito sa gawi ko. He's my lil brother, Trevor Sandoval. Three years ang agwat namin. He's only twenty years old ngunit ang katawan ay animo'y nagbabatak sa kanto.
"Yari ka kay Dad, anong oras ka na naman nakauwi kagabi," turan nito, bago nagsalin ng tubig sa pitsel at inilapag sa harapan ko.
"Wala kang pake," saad ko at napairap nang makita ang pag-ismid niya sa akin. "Ganoon talaga kapag nagmamahal."
Sa sinabi ko ay halos mahulas ang emosyon nito sa mukha, kulang na lang ay itapon niya sa akin ang hawak na baso na puno ng tubig. Natawa na lamang ako sa katotohanang wala pa itong nagiging girlfriend ever since.
Salungat ni Leo ay napaka-womanhater nitong si Trevor. Mahipuan nga lang ng babae ay akala mong tuod sa paglagay ng alcohol sa buong katawan. Minsan ko nang naisip na baka bakla ito ngunit hindi. Malayong-malayo iyon sa katotohanan, pero minsan ay iyon ang pang-asar ko sa kaniya.
Makisig pa ito sa makisig, ang boses nito ay kasing tigas ng abs niya. Ang tindig ay animo'y isang sundalo na handang sumugod sa giyera. Well, he has gynophobia— also known as anxiety-base, or a fear of women.
"Kaya bago ka pa man maubusan ay maghanap ka na ng babae mo," dagdag ko dahilan para matigil siya sa pag-inom.
"G*go ka ba?" bulgar niyang sambit, kaya napahalakhak ako. "Magkamatayan na, pero hindi iyon mangyayari. Itaga mo iyan kay Warren na hindi ka mahal."
Aba, tang—
Sa sinabi nito ay galit ko siyang tinitigan. Kalaunan nang siya naman ang tumawa, tila ba natutuwa sa nakikita niyang reaksyon ko. Ngunit hindi ako nagpatalo, nginisian ko ito at pinagtaasan ng kilay.
"Sayang naman ang lahi natin kung hindi mo ipapatikim iyang sperm cell mo sa kababaihang nangangailangan ng anak."
"Nandiyan naman si Travis," saad nito.
Speaking of which, pumasok si Travis sa kusina na katulad ni Trevor ay tanging boxer lang ang saplot. Pasayaw-sayaw pa ito habang nakikinig sa kaniyang headphone at tinanggal lang nang malapitan kami.
"What's up, siblings?" maangas nitong sabi at deretsong naupo sa katapat kong upuan.
Kinuha pa niya kay Trevor ang hawak na baso at inisang lagukan ang lamang tubig no'n. Malakas siyang napadighay at nailing-iling kaming sinipat ng tingin ni Trevor na natutulala na lang sa kaniya.
Well, Travis is Travis. Marahil magkamukha sila ni Trevor dahil naturingan silang kambal ngunit magkalayo naman pagdating sa ugali. Travis is way more matured, galawgaw din at madaldal. Above all, maraming side chicks.
Katulad ko ay pasaway din ito, matigas ang ulo at hindi marunong sumunod sa utos ng magulang. We have our own rules. Kibit ang balikat kong nagbaba ng tingin sa tsaa kong hindi pa nangangalahati.
"Narinig ko ang pangalan ko, anong pinag-uusapan ninyo?" dugtong pa nito nang hindi kami magsalita.
"Tanong mo riyan kay Venice," pahayag ni Trevor at saka pa ako itinuro, bago tumalikod upang lisanin ang kusina.
Kibit ang balikat ko at nagpasya na ring tumayo, kasabay ko si Trevor nang lumabas kami ng kusina dahilan para marinig namin ang pagsigaw ni Travis na naiwan pa roon.
Natawa na lamang ako at madaliang umakyat patungo sa kwarto. I need to rest, mamaya rin ay kakausapin ko na si Dad patungkol sa nakatalagang pagpapakasal namin ni Warren. This is my last resort.
Kung hindi pa ito gagana ay talagang mapipilitan akong idaan sa dahas. Akin lang si Warren, ano man ang mangyari ay sa akin lang siya. Itaga niya pa iyan sa bato, kukunin ko ito at hindi na pakakawalan pa ulit.
Sumapit ang gabi, sa sobrang tagal ng oras sa paghihintay ay nakatulog na lang ako. Nagising lang ako nang mag-alarm ang cellphone ko sa oras na alas siete, kung saan ang oras na siyang uwi ni Dad dito sa bahay.
Matapos maligo ay nagsuot lamang ako ng comfy shorts at malaking t'shirt na siyang pagmamay-ari pa ni Warren. Binigay niya sa akin ito noong mga panahong sa unit pa ako nito natutulog.
Iyon 'yung mga panahong nag-aaral pa kaming dalawa. Sa layo ng University sa bahay ay nagpasya akong manatili muna sa side ni Warren, kaya ang kinalabasan ay para kaming mag-live in partner.
Suot ang pares ng tsinelas ay lumabas ako ng kwarto. Hindi ako bumaba, bagkus ay dumeretso ako sa dulo ng ikalawang palapag kung saan matatagpuan ang master's bedroom, katabi nito ay ang opisina ni Dad.
Tatlong beses akong kumatok, nang matantong may tao naman sa loob ay walang sabi-sabing pinihit ko ang doorknob at doon ay naabutan si Daddy na abala sa pagsusulat ng kung ano.
"Dad," pukaw ko rito at deretsong naglakad palapit sa lamesa niya.
"What it is, hija? Sinabi sa akin ni Trevor na madaling araw ka na raw nakauwi kagabi," pahayag nito, rason para mapangiwi ako.
Hindi iyon ang ipinunta ko rito, kaya hindi ko ito pinansin. Pabagsak akong naupo sa isang silya at matamang tinitigan si Dad, matanda mang maituturing ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang gwapo nitong mukha.
Kuhang-kuha nila Travis at Trevor ang mukha ni Dad, pamula sa malalalim nilang mga mata, matangos na ilong at mapupulang labi. Samantala ay kay Mommy naman ako nagmana.
"Dad, hindi ba't balak niyong ipakasal kami ni Warren?" deretso kong sabi at wala ng paliguy-ligoy pa. "Gusto ko na pong maikasal sa kaniya."
Sa sinabi ko ay nakita ko ang pagkakagitla nito, bumakas pa ang wrinkles sa magkabilaan niyang mata, pati na rin sa noo. Hindi nagtagal ay ako naman ang nagulat nang walang pag-aalinlangan na tumango ito.
"All right, kung iyan ang gusto mo."
Kaya wala na akong pinalampas na panahon. Nang dumating ang kaarawan ni Warren at nabalitaan kong sa Black Alley nila iyon ise-celebrate ay kaagad akong nagpunta roon. Suot ko lamang ang red dress kong kinapos sa tela.
Labas ang magkabilaang baywang ko at ang cleavage ko. Ewan ko na lang kung hindi pa maakit sa akin si Warren. Pinaghandaan ko talaga ito, kaya ngayon ay ngingiti-ngiti akong pumasok sa Black Alley.
Mabilis kong tinungo ang second floor kung saan bakal na railings lang ang naghaharang doon, kung kaya't kitang-kita ko ang magkakalapit na mga VIP rooms. Nang mahinto sa unang pintuan ay walang anu-ano'y binuksan ko iyon.
"Hello everyone! Miss me?" nakangising sambit ko, saka pa umarko ang isang kilay nang makita ang isang babae na bago lang sa paningin ko.
Animo'y nakakita ng multo ang mga kaibigan ni Warren na dati ko ring itinuring na kaibigan. Nariyan sina Vanessa, Gabriel, Paul Shin at Leo na maang na nakatingin sa akin. Ngunit hindi ko sila pinansin at lumapit sa kinaroroonan ni Warren.
"Don't you ever touch what's mine," utos ko sa babaeng katabi ni Warren.
Sino naman kaya ang isang 'to? Flavor of the month? As far as I remember, kumukuha lang itong si Warren ng babae para may ipangselos sa akin. The f*ck, kung tutuusin ay walang-wala naman ito sa akin.
Pinilit kong kinalma ang sarili kahit pa ang lakas ng pagtibok ng puso ko. Nanginginig din ang dalawang tuhod ko dahil ramdam na ramdam ko ang mainit na paninitig sa akin ni Leo, lalo na sa kabuuan ko.
"Hello, honey. I missed you," sambit ko pa upang iwala ang atensyon kay Leo na siyang kinakain na ang sistema ko.
"Hoy, tanga!" Dinig kong palatak ni Vanessa at saka pa ako idinuro.
Sandali ko itong tinapunan ng nabuburyong tingin. "Don't call me stupid— you look even stupider than me, skank."
"Woah! Ang angas mo, ah?" Tumayo ito mula sa pagkakaupo, galit na galit siyang napatitig sa mukha ko. "Lumabas ka nga rito, you're not even welcome here."
"I will, not unless Kris will come with me," sabi ko, saka pa marahas na hinila patayo si Warren. "Let's go, honey."
Napangiti ako rito nang malingunan siya, iyong ngiting nang-aakit. Wala mang emosyon ang naka-imprinta sa mukha niya ay alam kong na-miss ako nito dahil ako ay miss na miss ko na siya.
"Let's talk about our marriage," bulong ko at bago pa ito makaalma ay mabilis ko siyang hinatak palabas ng VIP room.
Mahigpit na hawak ko siya sa isang kamay, wala naman itong naging pagtutol, marahil ay baka tinamaan na ng alak kaya malakas ang loob ko ngayong mapapasa-akin siya. Nang makalabas ng bar ay mabilis kong nahanap ang kotse niya.
Muli ko siyang hinila at pinagbuksan pa ito ng pintuan mula sa passenger's seat. "C'mon, Warren. Let's talk."
"Hindi ba't sinabi ko nang ayaw na kitang makita? Why are you even here? Sinisira mo ang gabi ko, Venice," matigas nitong turan, kaya mas lalo akong nagpaawa.
"Please, just this one. Let me just explain my side." Huminga ito nang malalim, bago padarag na initsa ang kamay ko.
Nauna na siyang pumasok sa loob ng passenger's seat, kaya madalian din akong sumunod sa loob. Nagulat pa siya nang sa kaniya ako mismo umupo, rason para halos itulak ako nito ngunit mabilis kong isinarado ang pintuan ng kotse.
"What the f*ck, Venice?" bulyaw nito sa mukha ko, pero natawa lang ako.
"Shh. Let me talk."
"Bullsh*t." Mariin itong napapikit at ewan ko ba sa sarili, imbes na magsalita ay natagpuan ko na lamang ang sarili na gina-grab ang pagkakataon na mahalikan ko siya.
Nanigas ang katawan nito sa ginawa ko, kapagkuwan ay ipinulupot ang dalawang braso ko sa leeg niya upang hindi siya makalayo. Sakto pa nang bumukas ang pintuan, kaya magkasabay namin iyong nilingon.
Bumungad sa paningin ko ang babaeng katabi kanina ni Warren. Hindi ko na ito pinansin at muling hinalikan si Warren, mayamaya pa nang padarag na naisarado ng babae ang pinto.
Hindi rin nagtagal nang halos ma-out of balance ako nang itulak ako ni Warren, napasandal ako at napasubsob sa driver's seat nang mabilis na lumabas si Warren ng kotse rason para mapahiyaw ako sa sakit.
"F*ck!" Ngumiwi ako at madaliang umayos, sinundan ko ito sa labas ngunit nakita kong hinahabol na nito ang babaeng papalayo.
Tangkang susundan ko ito nang may humatak sa braso ko at pilit na ipinaharap sa kaniya. Nanlaki pa ang dalawang mata ko nang masilayan ang madilim na mukha ni Leo, kaagad na nagbaba ito ng tingin sa labi ko at walang pakundangan na pinunasan iyon gamit ang kaniyang hintuturo.
Sa ginawa nito ay literal na natulala ako sa mukha niya na para bang isa siyang out of the world species, kaya hindi ako makapaniwala habang pinagmamasdan ang pagdaan ng tila sakit at paghihirap sa parehong mata nito. Rason din para matuliro ako, kasabay nang pagkalito ko.
"Stop it, Venice. Just stop it, please," tila nanghihinang banggit niya, bago ako galit na tinitigan. "I feel so f*cking jealous. So, please, stop it."