Mabilis lumipas ang panahon at ngayon ay gagraduate na kami sa senior high school, next year ay college na kami ni cynthia, i wanted to study abroad. Si cynthia naman ay mas gustong dito na lang sa pilipinas. Ayaw daw niya sa states it is because of some reason's. At kung ano man iyon ay hindi ko na lang muna inalam pa. Ako naman ay gusto kong pag-aralang mabuti ang mga negosyo namin. I wanted to be a brilliant businesswoman someday. They always think i could be a successful bachelorette on my own hard ways. Ang mom and dad ay palaging naka supporta sa kong anong gusto ko. Sobrang saya nga nila ng malaman nilang business course ang kinuha ko. Absolutely, bata pa lang ako ay hinasa na nila akong maging pamilyar sa loob ng negosyo. At first i was hesitant to say no to them, but little by little ay naa-accept ko na rin naman ang katotohanang ako lang talaga ang kanilang maaasahan sa huli. No choice kumbaga dahil nag-iisang anak lang nila ako. At dahil isang taon nalang ay magiging college na ako ay naka ready na lahat doon sa aking papasukang eskwelahan ang lahat ng aking mga kakailanganin. Ang mommy ay napaka advance mag-isip sa mga ganitong bagay. I couldn't help but be proud and amazed. Minsan ay natanong ko siya if ever na mahiwalay ako sa kanila ni dad kung okay lang ba sa kanya o ano. She stopped packing my things around and look at me intently, there's a signs of sadness on her beautiful face. Silence take over for a while. She took a deep breathe and uttered a words that makes my heart skips for a minute. Kinuha niya ang aking kamay bago ito dinala sa kanyang dibdib.
"Anak, sa totoo lang. Hinding hindi ko kaya ang mawala o miski malayo ka lang sa aming tabi ng daddy mo. You don't know how hard it is for us to let you go. Pero anak, kailangan mo'ng maging matatag it is not because you're alone. It is because life is not in favour sometimes, and life isn't fair even if you try to be one." It took a minute for me to absorb everything she said. Sa huli ay nagyakapan na lang kaming mag-ina. Kaya ko naman'g manirahan pansamantala sa Florida dahil nandoon din naman ang aking pinsan na si Sharmaine. Sa side ng mommy ko, dahil doon na sila naninirahan. At kumuha din si mom ng aking condo unit doon sa katabi mismo ng university na aking papasokan. Gusto daw niyang malapit lang upang huwag na akong ma hassle pa.
Hindi ko namalayan ang oras, linggo at buwan. Ngayon na ang araw ng aking alis papuntang US. Mommy and daddy bring me to our private airport. We had our own Jet that will be sending me to my destination. I once told my parents not to be so special about everything. Still, hindi sila pumayag lalo na't hindi daw sila ang magsusundo sakin. So instead of having a commotion between us i just let them nalang. Sa susunod na linggo na lang daw sila susunod sa akin doon dahil my important meetings si dad at si mom naman ay mayroon din. These two parents of mine was too workaholic and i couldn't preclude of what they wanted. As long as they both do their part as my parents also. Matapos lumapag ang jet na sa aming distinasyon ay agad akong tinulongan ng isang crew upang dalhin ang aking mga gamit pababa. The smooth yet cold wind blows my long straight hair, halos ma tabunan na rin ng ilang hibla ng aking buhok ang aking shades na suot. Agad akong sumunod sa crew na nagdala ng aking mga gamit papunta sa isang magarang sasakyan na nakaparada sa harap ng Jet. Merong apat na naka men in black suit sa gilid ng sasakyan. Agad sumibol ang kaba sa aking dibdib, hindi ko alam kung bakit ngunit parang my nararamdaman akong hindi maganda. Matapos maipasok lahat ng aking mga luggage ay pinagbuksan ako ng isa sa mga naka black suit. Agad naman akong pumasok sa loob ng sasakyan at halos maitulos ako sa aking inu-upoan ng biglang makita ang taong nasa loob. What the heck! This can't be. Hindi naman ito tumingin sa aking banda at diretso lang itong tumitingin sa unahan. Without a second thought he uttered words like he knew whats inside my thoughts.
"Don't question me now, i don't have the right to answer," He looks so damn intimidating and superior in his aura. Naka three piece suit din ito na kulay grey and black. Naka dekuwatro ang kaliwang paa habang naka suot ito ng itim na shades. My nerves are shaking knowing that he's with me. At saan kami pupunta? Bakit siya ang andito? Bakit siya ang kasama ko? At bakit siya nandito sa Florida? Maraming bakit ang nasa aking isipan ngunit kahit isa niyon ay walang sumagot. Do my parents know this? Did they hire this arrogant man beside me? Pero.. hindi ba't sabi sakin ni cynthia ay isa itong sikat na mayaman na bachelor sa buong mundo. How could my parents hire him? Baka nga siguro hindi nangangalahati ang meron kami sa kanya. So it's impossible. Pero hindi pwedeng basta na lang ako sasakay dito baka mamaya e meron itong gawing masama. O di kaya baka kidnapping to dahil wala naman sinabi ang mga magulang ko na heto ang susundo sakin. Akmang lalabas na ako ng bigla ulit itong magsalita. Hindi pa kase kami umaalis dahil my inaasikaso pa sandali ang driver nito sa labas. I averted my gaze up to him and looked at his eyes directly. Hindi ko maiwasang mainis na my halong kaba sa aking dibdib.
"Where do you think you're going? Do you think im going to abduct you?" Sabi nito habang tinatanggal ang shades nitong nakabalot sa mga madidilim nitong mga mata. Agad kong pinagsisihan na tumitig ako sa mga nakakapaso nitong mata ngunit ininda ko ang tensyon na iyon at pinagpatuloy ang pagtatagisan ng titig rito, hanggang sa hindi ko na napigilan ang frustration.
"Then why are you here? And where the hell where we going? My cousin sharmaine is supposed to be the one who picked me up here. So what's the freaking reason for all of this.." I asked in irritable manners. Taimtim naman itong nakatitig lang sa kin habang ako naman ay umiwas na ng tingin at tumingin na sa harap. I knew that he's scanning me because I can see through my peripheral vision.
"You'll know when we'll arrive there, and don't make me repeat what i've said, i told you i am not going to answer your fvking question because I don't have the right to do it. So stop accusing me of something and keep your mouth shut.." His voice seems scary and intimidating so i decided to cut off every question that i've been aching to be answered by him. Hindi ko namalayan na naka idlip ako sa aming byahe kaya nagtaka ako na kay bilis naming nakarating sa aking condo. I'll just take a glimpse of the look at my side and i wonder why he is still not getting out. Nakatutok pa rin ito sa kanyang cellphone at nagtitipa ng mukhang mensahe ata. Naramdaman siguro nitong nakatitig ako kaya mabilis itong nag angat ng tingin at sinalubong ang aking mapupungay na mga mata. Kita ko ang sandaling pagkagulat nito ngunit agad din iyong napalitan ng madilim. Hindi ko nababasa ang kanyang mood agad kasing nag-iiba ang mood nito. Una akong nagbaba ng tingin at hinintay ang pagbukas ng pintoan na nasa aking gilid. Sakto namang bumukas iyon kaya lumabas na agad ako at nagpalinganga sa paligid. Nandito ako ngayon sa labas ng condo ko at mangha akong napatingin dahil sa sobrang taas nito. It was not just an ordinary condo where you can see everywhere, it is a high deluxe condo unit here in Florida. T'was for the vip's people only. Dinala ng mga naka men in black suit ang aking mga luggage at agad na sumunod sa mga ito. Ilang hakbang pa lamang ang aking nagawa ng biglang my baritonong tinig ang nagpigil sakin. He's really demanding and bossy in his tone.
"Stop there.. Let me accompany you," hindi ko alam ang isasagot, napipi ako sandali dahil sa sinabi nito. Ngunit ang mas ikinagulat ko pa ay ang pangkuha nito sa aking kamay at giniya niya ako papasok ng building. Damn! I felt the sudden current inside me. Para bang isa akong bagay na nagpatianod na lang sa ginawa nito. What happened to you Havana Caitlin? Where exactly your mind is? Dahil sa pagsita ng aking isipan ay agad kong hinatak ang kamay na hawak nito. Nabigla ito sa aking ginawa ngunit agad ding nakabawi at seryoso itong tumingin sakin.
"I—i can walk properly, you don't need to hold my hand," i said between stuttering and shaking. Nervous and anxious was evident in my aura this time. Hindi ko na kaya pang itanggi dahil sobra na akong naguguluhan dito. Bakit na naman kasi ito sasama pa. Mukha namang my business pa itong pupuntahan. Tila nakuha naman nito agad ang gusto kong ipahiwatig. Kinuha ko na ang pagkakataong iyon at agad ko na itong tinanong.
"Wala ka bang ibang pupuntahan? You look like you're having some business to attend to. So why are you still here?" Ang seryosong tingin nito ay agad na napalitan ng kalmadong tingin. Bago ito nagsalita ay bumuntong hininga muna ito.
"Okay.. you're right, i have many things to do later but first let me bring you to your unit. After that i'll leave.." He said calmly but his voice was deep. Tumango ako at sumunod na dito dahil na una na itong maglakad. Hindi na siya nakahawak sakin marahil ay ramdam nitong naiilang ako. Sumakay kami sa VIP elevator dalawa lang ang kakasya sa loob, ang mga gamit ko naman ay nauna nang ihatid ng mga body guard's nito. Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng elevator dahil ni isa sa amin ay walang nagtangkang magsalita. Ipinagpasalamat ko naman iyon kaya guminhawa sandali ang aking loob. Tumunog ang elevator hudyat na nasa floor na kami ng aking unit. Nauna itong lumabas at sumunod naman ako. Nakita ko agad ang aking mga gamit sa labas. Ini swipe ko muna ang aking card key hanggang sa bumukas ang automatic door ng aking unit. Kukuhanin ko na sana ang aking maleta ng bigla rin itong yumuko upang kuhanin iyon. Sa kasamaang palad ay sabay kaming nauntog sa isa't isa. At ng sa pag-angat ko ay siya ring pag angat ng tingin nito. Halos mapugto ang aking hininga ng maramdaman kong sobrang malapit ang aming mukha. Halos magdikit na rin ang mga tongki ng aming ilong dahil sa sobrang lapit. I was so damn stupid. Ako agad ang nag-iwas at natatarantang pumasok na sa loob. Sumunod naman agad ito na hindi nagsasalita. Sobrang awkward ng aming dating ngayon. I don't know what to say, or even how to say thank you to him. Inilagay nito ang aking mga gamit sa aking mini sala, nakatingin lang ako dito habang hindi parin alam ang gagawin. My dinukot ito na kung ano sa loob ng suit nito at agad iyong inabot sakin. Kinuha ko naman agad iyon it was a calling card, magtatanong sana ako kung para saan ba ito nang bigla itong magsalita.
"Call me if you need anything, i should go for now," He said and left me hanging. Ilang minuto akong nakatingin sa calling card nito bago nagpasyang pumasok ng kwarto upang ilagay lahat ng mga gamit ko. Nagtataka ako kung bakit dalawa ang kuwarto ng aking unit. I was about to check the room but it's locked. Hindi ko namalayan na dalawa pala ang room na kinuha ni mom, siguro ay para kanila dahil kapag nagbakasyon sila rito upang bisitahin ako ay meron silang mahihigaan ni dad.
Matapos kong mailagay lahat ng aking mga gamit sa kabinet ay agad akong nagpahinga. Hindi pa naman ako nagugutom. Hindi ko inakalang makakatulog ako buong maghapon dahil sa pagod. Bumangon ako sa aking kama at pumunta sa bathroom upang gawin ang aking night routine. Magagabi na at hindi pa ako kumakain ng lunch, pero okay lang minsan nakakaligtaan ko din naman kasi. Matapos kong maligo ay agad akong nagbihis ng loose shirt at cycling na halos panty na lang. Wala naman akong pakialam dahil mag-isa lang naman ako rito wala rin naman'g my makakakita sakin. Ipinulupot ko ang aking mahabang buhok sa towel at lumabas na.
Halos mawindang ako sa aking nabungaran, it was him who's doing something in the kitchen while topless. His only wearing Calvin Klein boxer shorts and an apron. He looks so damn freaking hot in his aura. Namula ako sa isiping iyon, nakatalikod ito sakin kaya hindi ako nito napansin. At ng humarap na ito ay bahagya pa itong natigilan at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, agad na dumilim ang tingin nito. Doon ko lang napansin ang ayos ko at ayos niya. Freaking goodness! Sobra nag-init ang aking mukha habang natulos sa aking kinatatayuan. Tumikhim naman ito habang hawak hawak ang isang bowl ng niluto nitong pagkain. He was about to catch my attention but then i was so out of my mind. A second had passed and finally I'm back at my state.
"W-what are you doing here,?" I asked out of the blue. Seryoso itong tumingin sa akin at sumagot.
"I'll be living here too.. We're on the same roof but not in the same bed so stop thinking nonsense there and let's eat," he uttered plainly. Never mind of how shocked i am.
"WHAT,?!" Sa sobrang pagkabigla ko ay napataas ang bosses ko. Anong ibig niyang sabihin na dito siya titira? How could it be possible that we were living both here? Bakit wala ba itong matutuloyan?
"Why? I-i mean wala ka bang matutuloyan? Any penthouse or condo also,?" Hindi na ako nag atubiling magtanong rito dahil hindi naman pweding iisa lang kami ng tirahan. Never have i ever imagined in my life na titira ako sa isang bahay kasama ang lalaking to. Mas mabuti pa na mag-isa kesa ang makasama ko ang hindi ko naman masyadong kilalang tao. Mataman ko itong tinitigan hanggang sa hindi na ito nagsalita. Umupo na ito sa island table na nasa harap ng kitchen at nagsimula ng kumain.
"Why are you still standing there? Aren't you going to eat your dinner?" He asked vividly. Naglakad ako papunta rito ay umupo sa kaharap na upoan nito at nagtatakang nakatingin parin ako rito.
"Why don't you answer my questions? Are you really serious about it,?" Ibinaba muna nito ang mga kobyertos na hawak nito bago nagsalita.
"Yes, i am serious.. Why don't you ask your parents about this also hmm?" Sagot nito sa nang-uuyam na tinig habang ang mga tingin naman nito ay halos tumagos na sa aking kaibutaran. Wala akong maapuhap na isagot rito dahil totoo naman ang sinabi nitong bakit hindi ko tanungin ang mga magulang ko kung bakit kami magkasama nito. Dahil kung heto lang rin ang tatanungin ay wala akong matatanggap na matinong sagot mula rito. Tahimik kaming kumakain habang panaka naka'y sumusulyap ako rito ganon din naman ito sakin. Di ko alam bakit sa dinami dami ng pwede kong makasama ba't heto pa? I shouldn't live with him. Mamaya ay tatawagan ko ang mga magulang ko dahil kanina ay cannot reach silang dalawa. I feel something is going wrong, hindi naman ugali ni mom na hindi ako agad kumustahin rito at ni dad. I know they wont let their princess be with someone whom we don't trust. At lalo na sa lalaking to na hindi ko lubusang kilala dahil pangatlong beses pa lang naman naming pagkikita to. Matapos naming kumain ay akmang huhugasan ko na ang mga plato ng magsalita ito nakatalikod kase ito habang merong kinakausap sa cellphone nito.
"Leave that in the sink i will continue that after here," saad nito bago uli tumalikod. Naismid naman ako dahil sa inakto nito. Ano ba akala niya sakin? Hindi marunong sa gawaing bahay? Tsk, he's really testing me. Ani ng isip ko. Hindi ko sinunod ang sinabi niya bagkus ay ipinagpatuloy ko ang paghuhugas hanggang sa matapos ko na ito. Sandali akong naghagas ng kamay, lalakad na sana ako ng makita kong seryoso itong nakatitig sakin. Tinaasan ko siya ng kilay bago nagsalita.
"Do you think I can't do any household chores right? Well your assumptions about me was all wrong," Iniwan ko itong natigilan, agad kong sinara ang aking pintoan at pabagsak na naupo sa gilid ng aking kama. Bumalik sa isip ko ang nangyari sa event noon, ang tingin kase nito sakin non ay mahina at hindi kaya ang mga gawain na mabibigat o kung ano mang mga gawain na akala niya wala sa bokabularyo namin. My parents raised me in a good manner and had some decency in everything. They also teach me how to live a simple life yet. Hinanap ko ang aking phone at mabilis kong dinial ang number ni mom, ganoon pa rin out of coverage, next thing i do is to call my dad. Ganoon din hindi ma contact so i decided to contact my bestfriend, two more rings and she picked up. Nabuhayan agad ako ng marinig ko ang bosses nito.
"Hello, sino to?" Tanong nito sa kabila, doon ko lang na ramdaman na ibang number na pala ang aking gamit. I smile and answer her back.
"Hey, it's me.. Caitlin" ani ko.. tumili naman ito agad, okay okay! Here we go again. Matagal din kase kaming hindi nakapag-usap simula noong huling linggo hindi nga nito alam na nakaalis na ako papuntang US.
"Hoy bruha, alam mo ba.. Nakakatampo kana talaga, you didn't tell me that you're living na agad agad, hindi ba't next week pa ang bukas ng klase niyo? Why the hell out so hurry sis,?" ani nito sa nagtatampong bosses. Napalunok naman ako ng sarili kong laway dahil sa tanong nito. Ano nga ba ang isasagot ko?
"A-ano kase. . M-mom told me that it's better for me to go early than the usual opening class, alam mo naman si mommy right. .?" narinig ko ang malalim na buntong hininga nito dahilan para ma guilty ako dahil sa hindi naman talaga ako nakapagpaalam dito ng pormal. Although cynthia knew it in the first place, she never knew that this would come so early. We haven't bid a formal goodbye to each other.
"Alright, i'll visit you soon nalang maybe next month. .?" Excited na tanong nito, salungat naman ang naging reaksyon ko. Agad sumibol ang kaba at alinlangan sa aking dibdib dahil sa agaran nitong desisyon. Hindi niya pwedeng malaman na kasama ko ang lalaking aroganteng dalawang beses ko pa lamang nakita ngunit ngayon heto at magsasama kami sa iisang bubong. I find it annoying. Damn!
Sandali lang ang naging tawagan namin ni cynthia. Matapos niyon ay nagpasya na akong magpahinga. Bukas ko na uli tatawagan sina mommy dahil baka nga sobra nilang busy dalawa. I don't want to interrupt tho. Akmang pipikit na sana ako ng biglang my kumatok sa aking pintoan. I was stuck between open the door or hayaan na lang ito upang akalain nitong natutulog na ako. Sa huli nanaig parin ang pagiging respectful ko. I opened the door and damn, nagulat pa ako ng sa pagbukas ko ay sobrang lapit nito sa pinto. What the! Agad na naghurumentado ang aking puso ngunit agad ko naman iyong isinantabi at mahinang tinanong kung anong kailangan nito.
"What is it..?"
"I just want to check you, if you need something im at the right side of this room. You can knock there anytime.." he sounds sincere yet his dark looks remain. Hindi naman ako makapagsalita kahit na sumagot man lang dito na 'ok sige' dahil sa matinding kaba. Akala ko kase kung anong kailangan nito. Hindi na nito hinintay ang naging tugon ko bagkus umalis na itong walang paalam. Bumalik na rin ako sa loob ng aking silid at maingat na isinara ang pintoan. Nagtataka pa rin ako kung bakit ba ito nandito at bakit ba kami magkasama sa iisang condo? How does everything here happens in just a span of time? Iisa lang ang makakasagot nito. Si daddy.
Buong gabi akong tulala hanggang sa madaling araw na akong natulog. I was so desperate to know everything behind all of this.