"Depression is a mood disorder that causes a persistent feeling of sadness and loss of interest. Also called a major depressive disorder or clinical depression, it affects how you feel, think, and behave and can lead to a variety of emotional ang physical problems. Nang tinanong kita mrs, ang sabi niyo ay sinaktan siya ng ama niya bago siya pumasok sa school,"
What? Sinaktan ni Kuya Harold si Monica bago pumasok? Kaya ba ang dami niyang pasa ng makita ko siyang walang malay?
Tumingin ako kay ate, marahan lang siya tumango at pilit na pinipigilan ang luha niya.
"At pag-uwi niya ay may binigay s'ya sa inyong grade at nagkaroon kayo ng ilangan. Base on that situation, kahit saan tignan ay siguradong pressured ang anak niyo when it becomes to study, sa bahay niyo naman ay may problema din that gives her a trauma. May sinasabi po ba siya sa inyo about her life? Sa nangyayari sa buhay niya sa pang araw-araw?"
"Wala po, doc. Pero sa tuwing sinisilip ko siya kapag nagbubukas siya ng social medias ay nag-iiba ang awra niya." Tumango-tango ang doctor sa kanya.
"Last time I entered her room, I saw him panic ng marinig ang ingay sa nahulog na bagay. Inshort, hindi lang depression kundi pati trauma na rin ang kinakaharap ng anak niyo. Siguro dahil sa p*******t sa kanya o sa madalas niyang makita sa paligid niya." Nagsulat ito ng iilang mga gamot sa papel at inabot sa'min.
"'Yan ang mga gamot niya na kailangan niyang inumin araw-araw. Make sure na wag niyo siya masyadong iwan mag-isa, always ask her kung ano ang nasa isip niya at kung ano ang nangyayari. Depression is not easy, buhay po ni Monica ang nakasalalay dito. Once na nagawa niya na ang suicidal attempt at hindi Malabo na gawin niya ulit." Sabi ng doctor bago ngumiti.
"Mrs, hanggat sa maaari ay ilayo niyo siya sa bagay na ikaiistress niya. Sigurado ako na may iba pa siyang dahilan, if you want po ay irerecommend ko kayo sa kaibigan kong Psychotherapist para mas matutukan po siya. And also ilayo siya sa mga bagay na makapagpapaalala ng problema o trauma sa kanya. Mas mabuti nang libangin niyo siya sa ibang bagay o bigyan nang pagkakaabalahan sa bawat oras."
Wala na akong maintindihan, hinayaan ko nalang na mag-usap si Ate Ali at ang doctor sa sitwasyon ni Monica.
Kahit ako ay iisipin na may iba pa siyang problema. Sigurado ako do'n.
Lumabas kami sa office ng doctor, dumiretso kami sa labas ng kwarto ni Monica at doon naupo.
"Ate" aniko. "Totoo ba na sinasaktan ni Kuya Harold si monica?"
"O-oo, wala akong magawa ngayon Amika. Aalis ako ng bansa, maiiwan ko ang anak ko na ganyan ang kalagayan. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko ngayon, Amika." Umiiyak na sabi ni Ate bago tinakpan ang mukha niya.
"Ako ang bahala sa kanya ate, pero kailangan paba na istay natin siya sa school niya ngayon?" tanong ko.
"Dalhin mo nalang siya sa Pyschotherapist, Amika. At kung malaman mo na dahil din sa school ang problema niya, kailangan natin siyang ilipat." Pero paano kung ayaw ni Monica?
Paano kung ayaw niya rin magpalipat ng school kahit isa sa reasons ng depression niya 'yon?
Bahala na, basta ang kailangan ngayon ay asikasuhin ang pamangkin ko. Mas lalo na ngayon na tama ang hinala ko,
"Ikaw ang bahala sa desisyon." Umupo ako sa tabi niya bago siya ni Yakap.
Tandang-tanda ko ang lahat ng nangyari dati. Kung paano ko rin yakapin si Mama habang hinihintay ang sasabihin ng doctor dahil sa ginawa ni Ate.
Ate Ali is one of the victim of r**e, at si Monica ang bunga no'n. halos patayin niya ang sarili niya dahil sa nawalang puri niya.Si Kuya Harold, siya ang taong 'yon,. Ang walang awang gumahasa kay ate, at si Ate naman ay gusto magkaroon ng sariling pamilya kaya mas pinili niya ang maging kabit.
"Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko ngayon, Amika. Patong-patong na ang problema ko," aniya.
Hinayaan ko nalang siyang umiyak, habang sinasabi ang lahat ng problema niya.
Isa sa pinakamainam ang ilabas ang problema sa puso't-isip kesa sarilihin. Katulad ngayon ng nangyari kay Monica, sinarili niya ang bawat problema na kinakaharap niya kaya siya humarap sa ganito.
"Kailangan mo maging malakas. Isipin mo ang anak mo, sigurado akong mas lalo siyang mastress kung makita kang ganito." Payo ko.
Tumango naman siya bago bumitiw sa yakap. "Bibili ako ng gamot, asikasuhin mo na si Monica. Nakaayos na ang papers sa paglabas niyo."
Tumango ako at hinayaan siya.
Wala pa rin talaga siyang balak na magpakita kay Monica, kahit ngayon lang at kausapin ang anak. Pero siguro mas ayos na rin 'to, kesa makita nanaman ni Monica na umiiyak ang mama niya dahil sa kanya at sa problema nila sa bahay. Siguradong mastress lang ang bata.
Hindi na muna ako pumasok sa loob, at nanataling nakaupo dito sa labas.
Problema sa magulang, p*******t ng ama niya at ang pressured sa pag-aaral. Tatlong klaseng problema pala ang kinakaharap niya, ng una ay akala ko natural na matalino na si Monica dahil sa dami ng awards niya pero lahat pala 'yon ay nakuha sa sipag niya.
Ngayon, kumakaharap siya sa sakit na depression dahil sa mga problema na 'yon. Hindi ko tuloy maiwasan isipin kung meron siyang kaibigan sa labas o sa loob ng school para sarilihin ang lahat.
Mas maayos kasi kung ang problema ay nailalabas mo, sa pag-iyak o sa paglalabas ng sama ng loob sa ibang tao kesa ang sarilihin at kimkimin lang sa dibdib.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago tumayo. Mas mabuti ng tanungin ko siya sa problema niya, hindi kami gano'n kalapit sa isa't-isa pero mas maayos ng kunin ko ang loob niya para naman kahit paano'y may mapagsabihan siya.
Pumasok ako sa loob ng kwarto at doon nakita ko siyang hawak ang kutsilyo habang nakahawak sa mga talim nito.
"Monica anong ginagawa mo!?"
Kasabay ng pagsigaw ko ay ang pagkahulog ng kutsilyo sa kamay niya.
Monica