Chapter 11

1057 Words
Chapter 11 "Anong ginagawa mo rito?" aniko ko. Hindi ko siya kilala, dalawang beses lang kaming nagkita. 'yon ay ang sa banyo ng umiiyak ako sa ginawa ng mga kaibigan ko, at ng araw na sinagot ko ang lahat ng pag-aakusa na tinatapon nila sa'kin. Hindi niya pinansin ang tanong ko. Seryoso lang s'yang tumingin sa'kin at sa kamay ko kung saan ang benda na nakalagay ang sugat ko. Unti-unti ay lumapit siya sa pwesto ko, dala ang isang plastic na may laman na kung ano sa loob. "Bakit mo ginawa 'yan?" tanong niya. Umiling nalang s'ya sa'kin. Wala pa rin nagbabago sa ekspresyon niya, wala pa rin kahit emosyon ang mukha niya kahit pa tignan ang mga mata niya ay wala kang mababasa. "Sagutin mo muna ang tanong ko, anong ginagawa mo rito? At sino ka ba?" Mga tinuring ko ngang kaibigan hindi akong magawang bisitahin. Kaibigan? Sino ba pinapatawa ko. Ako lang naman ang tumingin sa kanila na kaibigan ko sila, at sila? Hindi ko alam. Wala naman silang ginawa kundi ang pag-usapan ako patalikod, siraan ako sa lahat at ang pagtawanan ako. Anong kaibigan do'n? "Kalat sa buong school ang ginawa mo, Monica. Nagkakandagulo doon dahil sa'yo." Walang paligoy-ligoy niyang sabi. Walang emosyon ang makikita sa mga mata niya, walang kahit ano. "Ngayon, ako naman ang sagutin mo. Bakit mo na isipan 'yan?" Balik niyang tanong. "Dahil ba sa kanila?" Isa sa sila. Isa sila sa dahilan, isa sila sa dahilan kung bakit ko gusto putulin ang buhay ko. Tama siya, isa sila kung bakit ako naging ganito. Marahan akong tumango. Wala naman akong dahilan para magsinungaling sakanya, dahil kahit saan tignan. Isa sila sa nagtulak sa'kin. "Kung hindi totoo ang sinabi nila, bakit ka nagpaapekto?" Hindi ko alam, pero agad na nag-init ang ulo ko sa tanong niya. Aba putangina! Ikaw ba naman sabihan ng mga bagay na hindi mo ginawa di ka magagalit? Bobo ba sila? "So, ano dapat kalma lang kahit sinisira kana kasi hindi totoo? Bawal magalit?" Sarkastik kong tanong sa kanya. Sila lang ba may karapatan magalit? Sila naman ang naninira sa'kin, bakit sila pa ang galit? "Nagmumukha kang defensive sa ginawa mo," maigsi niyang sabi bago nakakalokong ngumisi. "Ganon naman, pagpinatulan mo defensive. Pagnanahimik naman ay guilty? San nyo ko gustong ilugar?" Mga pag-iisip ng tao, mga pag-iisip na hindi mo alam kung saan ilulugar. Nakaramdam na naman ako ng sa'kit ng dibdib ko. Sa tuwing na iisip ko sila naguguilty ako, hindi sa ginawa ko ang pag-aakusa nila pero sa ginawa ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga n'ya, marahan niyang tinaas ang kamay niya na sinyales ng pagsuko. "Hindi ako pumunta dito para galitin ka o pabigatin pa ang loob mo. Sa totoo niyan naiinis ako sa ginawa mong pagsagot sa kanila, 'yon kasi ang mga bagay na hindi ko nagawa dati. Ang ipagtanggol ang sarili ko." Tumayo siya mula sa pagkakaupo, mabilis siyang lumapit sa lamesa kung saan nakalagay ang mga prutas pati na rin ang kutsilyo na ginagamit. "Anong ginagawa mo?!" bulaslas ko. Unti-unting tumulo dugo mula sa daliri niya, habang siya ay tulala pa rin sa kutsilyo na hawak niya. Akmang tatayo na ako ng isang mapanindig balahibo na tawa ang namayani sa buong lugar. Para siyang baliw, ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Ang tawa niya, hindi normal dahil parang kahit anong oras ay kaya gumawa ng kung anong ikakasakit naming dalawa. "Wag mong sabihin na natatakot ka? Hindi ka nga takot mamatay, sabay dika makatingin ng maayos sa dugo?" muli siyang tumawa. Dahan-dahan ay lumalapit siya sa'kin, habang hawak ang kutsilyo sa kamay niya at ang isa naman ay ang patuloy na tumutulo na dugo niya. "Hawakan mo" mabilis kong kinuha ang kutsilyo na inabot niya sa'kin. May bahid pa rin 'yon ng dugo dahil sa ginawa niyang pagsugat sa sarili niya. "Ano bang ginagawa mo?" inis kong tanong sakanya pero imbis na sumagot siya ng maayos, ay isang malakas na tawa lang. "Tignan mo ang talas niyang hawak mo, Monica. Isipin mo na nakatarak 'yan sa katawan mong walang buhay, habang ang mama mo'y umiiyak sa ginawa mo." Napahinto ako sa sinabi niya. Agad na pumasok sa isip ko si Mama, kung paano s'ya umiyak sa harap ko at kung paano siya nadisappoint sa ginawa ko. "Ginawa mo na 'yan, monica. Binigay lahat ng pangangailangan mo sa pag-aaral, sa bahay, kahit sa ibang luho mo ginagawan ko ng paraan 'yan. Para kahit paano hindi mo maisip ang ginagawa ng ama mo, at para kahit paano ay maging buo ka." Hindi ko nakita ang paghihirap ni mama na buhayin ako ng mag-isa, habang si papa ay walang humpay siyang sinasaktan. Pisikal at emosyonal. Hindi ko naisip na baka si mama rin may problema, kaya gano'n nalang ang pag-aassume niya sa'kin. All this time pala, sarili ko lang ang iniisip ko. Hindi ko naisip ang ibang nakapaligid sa'kin, pero gusto ko lang naman ay makakausap sa problema ko. Si mama lang gusto ko kausapin do'n. Kaya ba ayaw rin ni mama makinig sa'kin, dahil isa rin ako sa problema niya? "Si mama," bulaslas ko. Unti-unting namasa ang mga mata ko. "Gusto ko lang naman siya makausap dahil hindi ko na kaya, hindi ko naisip na baka meron din siyang problema." "'yong mga kaibigan ko. Tinuring ko silang tunay na kaibigan pero wala silang ginawa kundi ang siraan ako sa lahat." Hinawakan ko ang tulis nang kutsilyong hawak ko. Matutuwa ang mga peke kong kaibigan kung nawala ako, pero si mama malulungkot pagmawala ako. Hindi dapat ako naging mahina, hindi ko dapat ginawa 'yon. Pero punong-puno na ako, sobrang punong-puno na ako ng problema't hindi ko na alam kung paano 'yon lulutasin lahat. Sa pamilya ko-kay mama at papa, sa pag-aaway nila sa harap ko. Sa mga kaibigan ko na walang tigil akong sinisiraan at ang disappointment na nakuha sa'kin ni mama. "Dapat lang naman talaga akong mawala," mahinang bigkas ko at diin ang daliri ko sa talim ng hawak ko. Wala akong maramdaman na sa'kit, ang nararamdaman ko lang ay ang dibdib ko. Malakas ang kabog, puno ng sakit, lungkot, galit at hinanakit. "Pero hindi pa ngayon. Babalikan ko sila." Buong-buo kong sabi, habang ang daliri ko ay malakas na dumadaloy ang dugo. Hindi ko sila papatawarin sa ginawa nila sa'kin, ginawa nila akong bato. Ginawa nila akong masama, pwes ngayon. Tignan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD