Buong-buo kong sabi, habang ang daliri ko ay malakas na dumadaloy ang dugo. Hindi ko sila papatawarin sa ginawa nila sa'kin, ginawa nila akong bato.
Ginawa nila akong masama, pwes ngayon. Tignan nila.
"Hindi sa gano'n ang gusto kong ipa-"
"Monica anong ginagawa mo!?" Hindi niya matapos ang gusto niyang sabihin, at sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko ang hawak ko.
Napatingin ako sa pinto. Si Tita.
"Bakit ngayon ka lang po, tita?" normal kong tanong sa kanya na parang walang nangyari.
Mabilis siyang lumapit sa'kin at sumigaw para tawagin ang nurse na agad din pumunta sa kwarto ko. Tahimik lang ako, habang ginagamot ang daliri ko pati na rin sa babaeng nandito sa kwarto ko.
"Anong pangalan mo ija? Kaibigan ka ba ng pamangkin ko?" tanong niya sa kasama ko.
"Greza. Greza Sarmiento."
Walang emosyon niyang sabi bago muling tinignan ang pwesto ko, nakatingin siya sa sugat ko at napaiwas ng tingin.
"At kaibigan ko po ang pamangkin niyo."
Sinungaling!
Hindi ko nga siya kilala, at ngayon lang ang pangatlong pagkikita namin.
Akmang magsasalita na sana ako ng bigla siyang tumayo.
Doon ko lang napansin na tapos na ang paglalagay ng gasa sa sugat niya, mukha na siyang ayos at wala sa mukha niya na iniinda niya ang sakit.
Katulad kaninang pumasok siya, walang ekspresyon at hindi nanaman mabasa. Baliw ba siya?
"Tita, pwede po ba kami mag-usap?" pakiusap ko. Tumango naman si Tita at kinuha ang kutsilyo bago lumabas.
"Anong pag-uusapan natin?" walang emosyon niyang tanong.
"Ano ba talaga ang kailangan mo?" walang paligoy-ligoy kong tanong.
Lahat ng tao may kailangan sa tuwing lumalapit. Katulad niya, sigurado akong lumalapit lang siya sa'kin dahil may kailangan siya.
Walang totoo sa tao, wala ni isa.
"Kailangan ko? Ikaw. Ang matinong pag-iisip mo monica." Makaguluhan niyang sabi bago naupo sa higaan ko. Katabi ko habang tinitignan niya ang daliri niya.
"Nang araw na makita kita sa banyo, alam ko na may iniinda ka. Hindi ko maintindihan kung anong klaseng nakapaligid sa'yo at hindi nila makita ang dinadala mo sa pagtingin sa mga mata mo. Naalala ko yung sinabi ko sa'yo ng unang magkita tayo na, nakikita ko ang sarili ko sa'yo." Mahina siyang tumawa.
Tawang peke, tawang walang kahit anong bakas na saya.
Tawang sa kanya ko lang na rinig sa buong buhay ko, parang wala siyang buhay. Parang nandito lang siya sa mundo dahil kailangan.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Wag na wag mo ng pagtangkaan ang buhay mo, Monica. Hindi ka bibigyan ng ganyan pagsubok kung hindi mo kakayanin. Lagi mong tandaan, may taong mas mahirap na dinaranas kesa sa'yo na patuloy lumalaban sa buhay." Aniya.
"Hindi niyo ko maintindihan! Ang gusto ko lang naman ay kausap, masasabihan ko nang problema ko't maiiyakan pero parang ang hirap sa kanila. Pati kay mama, parang ang hirap pakinggan nang mga hinaing ko sa buhay." Bulaslas ko.
Hindi nila ako maiintindihan, dahil wala sila sa katayuan ko. Wala ni isa sa kanila ang makakaintindi sa'kin.
"Wag mong sabihin na hindi kita maiintindihan! Dahil mas masama pa ang dinanas ko kesa sa'yo Monica. Mabuti nga ikaw may matatawag pang mama pero ako wala." Pasigaw niyang sabi.
Kalmado lang s'ya, ang mga mata niya ay unti-unting nagkaroon ng emosyon. Pero katulad kanina ang emosyon na 'yon ay sa'kit at lungkot.
"Unang nakita ko na nakikipagtalo ka sa mga kaibigan mo. Nainis ako sa'yo, bakit ba hindi ako naging kasing tapang mo? Bat ba hinayaan ko nalang na gano'nin nila ako." Mapakla siyang tumawa bago tumingin sa'kin,
"Hindi masamang lumaban Monica. Walang masama sa ginawa mo, kung nasa isip mo na kung hindi sila dapat pinatulan. Gagawin at gagawin nila sa'yo yun nang paulit-ulit hanggang bumagsak ka na."
"H-hindi ako mali? Pero ang s-sabi mo-" hindi niya na ako pinatapos sa pagsasalita. Ngumiti siya sa'kin, ngiting may buhay kahit paano.
"Gusto ko lang malaman kung ano ang nasa isip mo, Monica. Kung sa tingin mo walang makaiintindi sa'yo, mali ka. Ang mga taong makaiintindi sa'yo ay ang taong alam ang pinagdaradaanan at mga taong willing kang intindihin." Bumuntong hininga siya bago inabot ang plastic na hawak niya.
Kumuha siya sa loob ng isang chocolate. Hinati niya 'yon sa dalawa bago inabot sa'kin ang isa.
"Binilhan kita ng chocolate. Kainin mo pagstress o kung ano-ano pumapasok sa isip mo." Kinagat niya ang natitirang hawak niya bago tumayo at tumango sa'kin. "May klase pa ako, una na ako."
Tumango nalang rin ako at hindi na siya pinigilan pa na lumabas.
Tinignan ko ang chocolate na hawak ko, mumurahin lang 'yon pero grabe ang effort na ginawa niyang pagpunta dito. Unti-unti kong kinain ang binigay niya, maya-maya naman ay dumating na si Tita.
Nakangiti siya sa'kin bago mabilis na lumapit.
"May kaibigan ka pala, akala ko walang bibisita sa'yo dito. Naisip ko tuloy na siguro lonely ka sa school niyo. Oo nga pala Monica, lalabas na tayo bukas ng umaga." Masaya niyang sabi bago pinakita ang papel.
Napansin ko naman ang nakasulat do'n. penmanship ni mama.
"Tita, kay mama na sulat 'yan. Nandito po ba siya?" umaasa kong tanong.
Siguro akong sa kanya ang sulat na 'yan, mula sa pagsulat ng pangalan ko at pangalan niya.
Ibig sabihin nandito si mama pero bakit;
"Nandito siya kanina, Monica. Ayaw niyang pumasok dito at inaasikaso lang ang papel mo sa paglabas." Tumango-tango nalang ako.
Sa tingin ko galit pa rin si mama sa ginawa ko. Sino ba naman ang hindi magagalit kung isa pa ako sa naging problema niya ngayon?
Bumuntong hininga nalang ako, binaba ang hawak kong plastic.
Pagsisihan ng lahat ang ginawa nila sa'kin, lahat sila.
"Tita, galit na galit sa'kin si mama?"
"Hindi naman ija, nahihiya lang 'yon sayo magpakita. Pero sa susunod ay pupunta siya sa bahay natin, doon na rin siya magstay." Masayang sabi ni tita sakin, "Kaya wag ka na malungkot dyan"
Kahit naman sabihin na 'wag na ako malungkot kusa pa rin 'yon. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko, sobrang bigat pa rin n'ya.
Pero sisiguraduhin kong maaayos 'to, dahil walang binibigay na problema ang Diyos kung hindi naman kakayanin. Katulad ng sabi ni Greza.
Si Greza.
Sino ka ba talaga?
---
"Welcome home, Monica!" Masayang sabi ni tita Amika.
Nilibot ko ang buong paningin ko sa bahay, mas malaki ang sa kanya kesa sa amin at pati ang salas niya ay full aircondition.
Makikita mo ang hirap ni tita sa pagiging ofw niya. Ang isang maging nurse sa ibang bansa ang pinakamahirap, pero ngayon, kita naman ang paghihirap na natamo niya sa ibang bansa.
"Salamat po tita," mahinhin na sabi ko bago tuluyan na pumasok sa loob.
Na upo ako sa isang sofa. Maganda ang pagka-gagawa sa bahay niya, siguradong malaking pera din ang ginamit niya sa pag papagawa dito.
Sa amin nga ay hindi pa exclusive subdivision pero ang gastos ay halos mag dalawang milyon na.
"Ma-upo ka muna dyan, Monica, i-aakyat ko lang itong mga gamit mo sa magiging kwarto mo." Tumango ako.
Kita ko na binuhat niya ang gamit ko. Hindi naman kami dumaan sa bahay, pero ang bilis niyang na kuha ang gamit ko.
Sigurado akong nasa paligid lang si mama. Bakit kasi ayaw niyang mag pakita sakin.
Gano'n na ba siya ka-disappointed sakin, para kahit ang bisitahin o puntahan manlang ako sa hospital ay di na niya magawa.
Gano'n ba ang naging impact sa kanya nang mga ginawa ko?
Wala naman akong nobyo, hindi naman totoo ang binibintang sakin na may kasintahan ako.
Tunay nga na kaibigan, wala ako, nobyo ba kaya?
Naalala ko na naman sila. Ang mga tinuring kong kaibigan na malaki pala ang galit sakin. Mga kaibigan na patalikod akong sinisira sa iba, maging bida't may makwento lang sila.
Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas na naman ng kabog, ang sakit na naman.
Ayaw ko silang alalahanin, ayaw ko sila ma-isip pero ang utak ko. Paulit-ulit silang pinapasok sakin, paulit-ulit pinapa-alala sakin na wala talaga akong tunay na kaibigan.
Alam ko naman yun, umpisa palang ang lahat, alam ko na. Lumalapit lang naman sila sakin para mahatak ko rin sila pataas, para may masabi sila at makuhanan sila ng sagot.
Pero sa case ko, wala silang makuha. Kaya ang ginawa ay patalikod nalang akong sinisiraan sa iba. Gagawa pa nang kwento para maging bida sa iba.