Chapter 13

1457 Words
Masakit pala na i-hate mo ang tao na gusto mong i-keep. Pero mas mahirap palang maging tanga, may masabi lang kaibigan. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Mas mabuti nang kumain nalang muna ako, kesa ang i-stress ang sarili ko sa mga bagay-bagay na hindi naman kailangan. Pag punta ko sa kusina ay kumuha ako nang tinapay, chocolate at isang baso ng gatas. Iyon lang naman ang laman ng ref ni tita kaya no choice ako kundi 'yon ang kainin. Besides, gusto ko din naman nang chocolate. Gusto kong i-try ang sinasabin ni Greza tungkol sa chocolate. DESSERT = STRESSED reliver. Hindi naman ako basta-basta na stress lang ngayon, na sa mas mataas pa nga ako at yun ang depression. Nakakatawa. Sabay-sabay akong ginagago nang lahat, nag sabay-sabay silang lahat, kaya ito ang nangyari sakin. Nganga. Walang ibang ma-asahan kundi ang tita ko lang, at ang sarili ko. Wala naman tutulong sakin mag pagaling, kundi ang tita ko lang at ang sarili ko. Atleast kahit papaano'y may tita pa ako sa tabi ko. 'Wala na nga ako papa, wala pa mama, kawawa naman si Monica.' Hindi ko mapigilan ang mapatawa sa na iisip ko. Kawawa naman ako, kawawang-kawawa. "Monica!" Mabilis na lumapit sakin si tita at hinawakan ang braso ko, samantala ang isa niyang kamay ay nakahawak naman sa dibdib niy. "jusmiyo kang bata ka! Akala ko naman ay umalis ka nang bahay," Bulaslas niya. Maliit na ngiti ang pinakita ko sa kanya, bago tinaas ang kinakain kong tinapay para alukin siya. "Nakaramdam po ako nang gutom, kaya hinalungkat ko po ang ref niyo. Pasensya na po," hinging pa-umanhin ko. Tinignan niya lang ako, pati ang pagkain na nasa lamesa. Malalim siyang bumuntong hininga bago ngumiti sakin at pumalakpak. "Tama yan, Monica. Kumain ka nang marami para naman ay magkalaman ka, tignan mo ang katawan mo sobrang payat!" Umalis sa pag kahahawak sakin si tita. "Na gugutom ka na ba? Gusto mo'y pag lutuan kita? Gusto mo ba ng tinola o adobo?" Sunod-sunod niyang tanong. Napakamot nalang ako nang noo ko bago kumagat sa hawak kong tinapay. "Siguro po tinola nalang muna. Gusto ko po muna nang sabaw," suhestiyon ko. Sa totoo lang ay gusto ko ma-initan ang loob nang tyan ko. Madalas kasi ay walag laman ang tyan ko dahil sa bigla akong na wawalan nang gana, o kaya naman ay bigla nalang sasakit ang dibdib ko. "Osige, pumunta ka na sa kwarto mo. Yung kulay pink na pinto," tumango ako. Tumalikod na ako, habang bitbit ang palaman at ang tinapay. Umakyat na ako sa second floor, hindi na ako na hirapan pang hanapin ang pink ma pinto dahil bungad lang naman 'yon. Pag pasok ko ay isang maliit na bagay ang naka-agaw sa atensyon ko. Ang picture frame, kung saan nakalagay doon ang picture namin ni mama. Si mama. Kailangan niya kaya ako pupuntahan dito? Malapit na siya umalis pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nag papakita sakin. Gusto ko manhingi nang sorry sa kanya. Sa disappointment, sa g**o at sa pagkitil ko sa buhay ko. Napatingin ako sa buong lugar. Nakakulong nanaman ako sa isang kwarto, ako lang ang mag isa at walang kausap. Dapat ay masanay na ako, dahil simula sa pag balik ko sa school ay sigurado ako na ako ang magiging laman ng balita. Sigurado din ako na kung ano-ano na ang kumakalat na tungkol sakin. Mas lalo na sa pamilya ko kung bat ako naging ganito. Humiga ako sa malambot na kama. Pink na pink ang buong kwarto, halatang babae ang may-ari nito. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Hinding-hindi na. Gusto nang kausap, na parang ayaw ko. Gusto ko maging masaya pero at the same time ayaw ko rin. Nakakatakot makipag-usap, parang anytime huhusgahan ka nila base sa sinasabi mo. Katulad nang nangyari sakin, akala ko ay ayos lang na maging kaibigan nila ako, 'yon pala ay hindi. Tinatawag nila akong bida-bida dahil sa pagiging matalino ko, sa pangunguna ko sa klase at pagiging friendly ko sa iba. Haha. Crop that friendly thingy, friendly-friendly, samantala ngayon ay wala akong na kita niisa sa kanila na bisitahin ako sa hospital. O kaya naman ay kamustahin manlang ako, if ayos na ba ako, kung maganda na pakiramdam ko o ano. Nakakatawa lang. Totoo, hindi lahat nang tinuturing mong kaibigan ay tunay na kaibigan. Nandyan lang ang iba madalas dahil meron ka, kayang ibigay sa iba ang gusto nila doon sila kakampi. Ang sakit lang sa dibdib ko. Na nabaliktad nila ako. Ako ang ginawa nilang masama sa bagay na hindi ko naman ginawa. Oo nga't mahilig ako mag aral, pero never kong inisip o kahit isa lang na mang apak nang ibang tao. I hate it. Pero that's the reality, na hindi lahat ng tao ay totoo. Madalas dyan sa kanila, kung sino pa ang tama ay gagawin nilang mali. Katulad ni Bea. Nagawa niya nga akong baliktarin gamit ang pera niya. Nabaliktad niya ang tunay na may kasalanan dahil sa pera na meron siya. Anong palag ko doon? Mayaman 'yon ako, matalino lang. Gusto ko maging masaya, pero parang ayaw ko. Masakit kasi. Masaya ka ngayon, mamaya naman ay you feel empty na. Yung parang pinatikim lang sayo ang konting kaligayahan, tapos ayun. Tapos na nganga na at the end. Kaya minsan, mahirap din maging masaya. Masaya ka ngayon, mamaya naman ay hindi na. Kaya ano pang sense, edi wag nalang sumaya para wala nang ibang pag-iisipan pa. Diba? Nag pakawala ako nang malalim na buntong hininga. Ang g**o nang buhay, mas magulo pa kung paano i-solve ang math. 'Arf! Arf!' agad akong napabangon sa kinahihigaan ko. Isang malakas na kahol nang aso ang narinig ko. Hindi ako nag kakamali. Alangan naman pusa ang kumahol. Hindi ba? Tumingin ako sa pinto nang kwarto ko, doon bumungad sakin ang isang St. Bernard na aso. Maliit palang siya, ang cute ng balahibo niya, pati na rin ang tenga niya na bagsak na bagsak. Agad akong lumapit sa pwesto niya at binuhat. Medyo mabigat siya pero kaya naman, "Na gustuhan mo ba, monica?" Napatingin ako sa kung saan nang galing ang boses. Si tita Amika, nakangiti siyang lumapit sakin at na upo sa kama ko. "Sa inyo po ba 'tong aso tita?" Tanong ko bago ngumuso sa aso na nasa harap ko, pero umiling lang siya bago ako hinawakan sa buhok. "Regalo ko yan sa'yo. Ilang taon kitang hindi na regaluhan, kaya ayan nalang. Noong bata ka mahilig ka na sa aso, kaya sana ngayon mahilig ka pa rin," nakangiti niyang sabi. "Opo tita! Sobrang hilig ko po talaga sa aso. Ibig sabihin po ba nito, akin to?" Manghang tanong ko. Ito ang unang beses na mag ka-aso ako na ako mismo ang mag aalaga. Hindi kasi pwede ang hayop sa bahay dahil sa allergy si papa sa aso. Kaya kahit anong gusto ko ay hindi pa rin pwede. Si papa ang batas sa bahay kaya wala akong palag. "Oo, alagaan mo yan nang mabuti," tumango ako at niyakap si Tita. Nag paalam naman siya agad na baba na sa kusina. Hinatid lang pala ang aso ko na mahimbing na natutulog sa higaan ko. "Ano kayang ipapangalan ko sa'yo?" Tanong ko sa kanya. Dapat ay maganda ang pangalan niya. Yung malayo sa pangalan ko pero medyo katunog. Baka mamaya ay kung ipapangalan ko siya sakin, sabihin ng iba na isa akong aso. Hahaha. "Alam ko na! I will call you meow nalang," nakangiting sabi ko. Mukhang na gulat naman siya sa pag tili ko, tumingin siya sakim bago hikab at bumalik sa pag tulog. Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa inasta niya. Parang siya ako, pero siya ay walang pakealam basta makatulog. "Promise, meow. Aalagaan kita sobra!" Masayang sabi ko. Atleast wala man akong kaibigan, may aso naman ako pwedeng makasama ko. Humikab ako at inunat ang mga kamay. Nakakahawa ang pag tulog niya sa kama ko, malakas pa naman ang AC. Nahiga ako sa kama, at nilapit siya sakin. Minsan buti pa ang aso, walang masasabi sayong masama. Hindi katulad nang tao na kung ano na papansin sayo ay pupunahin. At ang masakit ay sisirain pa. Katulad ni Bea, dinaig pa ang ugali nang aso sa kaplastikan. Napangisi ako. Masamang gumanti, masamang manakit nang kapwa. Inunahan nila ako, lintek lang ang walang ganti. Dahil sa kanila, naging ganito ako. Para akong baliw, kung ano-anong pumapasok sa isip pero isa lang ang sisiguraduhin ko. Uumpisahan ko ang lahat kay Bea. Kay Bea na sumira sakin, ang nag udyok sa para kitilin ko ang buhay ko. Uunahin kita, Bea. Maghanda ka, dahil mas masamang magalit ang mabuting kaibigan. Masama akong magalit. Kayong lahat, iisa-isahin ko. Sasaktan ko kayo, katulad nang p*******t na ginawa niyo sakin. Napangisi ako. Ako naman ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD