Chapter 5

1413 Words
"Maybe death hurt less than life." -anonymous Chapter 5 Nakayuko akong pumasok sa room, hawak ang kabilang kamay ko na may kaunting hiwa na ginawa ko kagabi. Ang sarap sa pakiramdam na saktan ang sarili, habang emosyanal ka rin na nasasaktan dahil sa iba. Hindi mo maramdaman ang tunay na sakit sa ginagawa mo sa katawan, dahil mas nanaig pa rin ang sakit sa dibdib mo. Gusto kong iiyak lahat, lahat ng sakit na nararamdaman ko pero walang lumalabas sa mga mata ko. Naiipon lahat sa dibdib ko, kinikimkim ko ang lahat ng galit, sakit at puot sa buhay ko. Dagdagan pa ngayon na wala akong kaibigan na pwedeng lapitan, wala akong mapagkatiwalaan sa lahat ng problema ko. Pakiramdam ko mababaliw na ako, pakiramdam ko ang sarap tapusin ng buhay ko. "Grabe! Ang lakas manira ng iba" salubong sakin ni Rose. Hindi ko sila pinansin at dumiretso sa tabi ni Beri. Wala akong balak na tumabi kela Rose, hindi pa ako okay at pakiramdam ko mas lalo lang ako na stress. "Be, may narinig ako kanina na sinisiraan mo daw sila Rose." Nag-aalala na sabi ni Beri sakin ng tuluyan na akong makaupo. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Kalian pa? "Huh? Kalian?" nagtataka kong tanong sa kanya bago inayos ang sarili na humarap sa kanya. "Matagal na daw. Yun daw ang rason mo kung bakit ka lumayo sa kanila, kaya ka namin ipaglaban pero gusto namin malaman kung totoo ba ang sinasabi nila." "Walang katotohan ang kinakalat nila. Una, paano ko sila sisiraan kung sila lang naman ang lagi kong kasama. Pangalawa, hindi ako ganong tao hindi ko kaya mang-apak ng iba. At panghuli, lumayo ako sa kanila dahil nalulungkot at may problema ako na sinasabayan nila." paliwanag ko sa kanya. Hindi naman ako gano'n klase ng tao. Once na tinuring kitang kaibigan, ituturing ko na ring kapatid ko sa ibang ina. Hindi ako katulad ng kapitbahay namin, ayaw ko gawin sakin kaya ayaw ko rin gawin sa iba. "Sabi sa'yo eh!" sabi ni Jhasper na pumunta sa pwesto namin. "Hindi niya magagawa 'yon, tsaka kahit saan tignan mali sila sa ginawa nila." "May ano ba?"tanong ko. Bat may issue ako na hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari, bat may ganitong nangyayari ngayon? "Sinabihan mo daw silang bobo, nagbibiro lang naman daw sila." Sigaw ni Jhasper kunin ang atensyon ng iba. "Diba, sinisiraan niya kami" sagot ni Bea. Masama siyang nakatingin sakin ganon na din ang iilan naming mga kaklase na malapit sa kanya. "Kaya pala walang kaibgan yan dahil ganyan ugali" sabi ni Kath. Kaklase namin. "Kailan ko kayo siniraan?" kalmado kong tanong sa kanya. Napipikon na ako, una pinapahiya ako sa harap ng maraming tao. Ngayon naman gagawan ako ng walang katotohanan na kwento. "Pakunwari ka pa, wag ka ngang painosente!" tili ni Bea. Tuluyan ng naagaw ang atensyon ng lahat ng nasa klase. Tumingin ako sa kanya ng kalmado, nakaramdam nanaman ako ng sakit sa dibdib ko. "Wala naman talaga akong ginagawa sa inyo. Kayo lang naman ang nagpapalabas ng kung ano-ano na tungkol sa'kin." Sagot ko. Hindi ko na kaya manahimik, hindi ko na kaya pangmagtiis sa mga ginagawa nilang paninira sakin. Akala ata nila hindi ko alam na pinaguusapan nila ako, na ako ang sinisiraan at laging binabaliktad ang mga sinasabi nila. Para magmukha silang mabait at ako naman isang supladitang kontrabida. "Kami pa, pero nalaman namin na sinisiraan mo kami. Hindi lang naman sila Rose ang sinisiraan mo, pati na rin kami at ako." Galit na sabi ni Kath. "Hindi nga tayo close" natatawa kong sabi sa kanya. Paano ko naman siya sisiraan, ang alam ko lang naman sa kanya ay mahilig siyang tumawa. Kaya paano ko siya sisiraan sa iba, at hindi naman ako close sa iba para magkwento ng kung ano-ano. "Wag ka ng pavictim! Nagbibiro lang naman kami nakaraan, pero anong sabi mo sa'min na bobo kami. Bakit monica? Dahil ba matalino ka sa'min kaya ang lakas mo mag sabi sa'min ng ganon. Anong klase kang kaibigan?!" iskandalo rin ni Bea. Wow, siya pa ang may gana na magsalita at mag-akusa ng gano'ng bagay. Siya naman ang pasimuno ng lahat ng 'to. Ito nanaman ba kami? Ang playing victim nanaman ang gagawin? "Tanong ko sa'yo, may kaibigan ba na ipapahiya ang kapwa kaibigan sa harap ng maraming tao? Kaibigan ba kitang maituturing kung pati ako sinisiraan mo sa iba?" natatawa kong sabi bago tumingin sa pwesto nilang dalawa. "Tsaka biro? Biro ba ang ipagsigawan na may sugar daddy at may chikinini ako kahit walang katotohanan. Ngayon ang hinihimutok niyo, sinabihan ko kayong bobo? Paano kung sabihin kong biro lang 'yon" Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko ng sabihin ko 'yon, napangunguhan nanaman ako ng galit ko. Ang hirap pigilan ng emosyon, kung sa sarili mo alam mong punong-puno ka na sa mga ginagawa nila. "Hindi ka ba makaintindi ng biro, Monica? Biro nga lang ang sinabi namin na may sugar daddy ka, na may chikinini ka. Pinakita mo nga sa'min na pasa 'yon. Sana kung may problema ka samin dapat sinasabi mo!" paliwanag niya sakin. Halata na rin ang galit sa mukha niya, sa kanilang lahat. Wala naman akong pake, wala akong pake sa kanilang lahat. "Hindi matatawag na biro ang ginawa niyo, biro yon pagdating sa inyo pero para sa'kin? Ayos lang sana kung tayong apat lang ang nandon, pero ang ipagsigawan niyo. Why? Gusto niyo atensyon?" dahil ganyan ang ginagawa ng mga taong kinulang sa atensyon. Ganyan na ganyan, katulad ng ginagawa nila ngayon. "Hindi atensyon ang gusto namin. Baka ikaw? Pabida ka naman diba?" nakangisi na sabat ni Rose. "Pabida, siguro ang description ng pabida sa inyo ay ang pagsagot sa harap at pagrerecite. Alam niyo, sa punto na 'yon, kayo na ang may problema hindi ako." Walang emosyon kong sabi. Once na nagrecite ka, pabibo ka na. Once na pumunta ka sa harap para sumagot, kulang ka na sa atensyon. Tanginang pag-iisip 'yan, mga pag-iisip ng mga bobo na tao. "Wag mo nga kaming baliktarin dito. Kaya siguro galit na galit ka sa sugar daddy dahil meron ka talaga. Wag masyadong defensive na paghahalataan ka masyado." Sabay paikot niya ng eyeball niya sakin. "Kayo lang naman nagpapakalat ng may sugar daddy si Monica!" singit ni Beri na nasa tabi ko na. Galit na rin ang mukha niya, mukhang napikon na rin siya sa mga nangyayari ngayon. Sinong hindi diba? Ang kaibigan mo sinisiraan at ngayon balak kang gawing masama sa sarili nilang kwento. "Hindi naman ako defensive, hindi ko rin naman ginawa yung mga sinasabi niyo. Hahaha, baka kayo? Diba nga Bea laspag ka na?" natatawa kong sabi sa kanya. "Mas mukha ka pa ngang may sugar daddy kesa sa'kin." Kita ko naman ang pamumula ng mukha niya, na below to the belt ko na ata 'to. "How dare you para siraan ako sa harap ng maraming tao?!" galit na galit niyang sabi bago ako akmang lalapitan. Nag-uumpisa nanaman siya mageskandalo. "Nagtanong lang naman ako kung laspag ka na. Why so defensive?" balik ko sa kanya ng tanong. "Akala mo porket kaibigan ka namin hindi kita papatulan? Hah?!" sigaw niya at akmang lalapit sakin pero agad siyang pinigilan ng iba naming mga kaklase. "Kaibigan? Kaibigan ba kita? Alam ko kasi ang kaibigan, hindi ipapahiya ang kapwa kaibigan sa harap ng maraming tao." Kalmado kong sabi sa kanya. Napaupo ako sa upuan ko, nanginginig na ang buong katawan ko sa galit at sakit ng dibdib ko. Hindi ko akalain na ganito ang kayang gawin ng galit sa'kin, sobra akong nakokontrol. "Hindi ka ba makaintindi na biro lang yung sinabi ko?!" galit na sabi ni Bea. Galet na galet gustong manaket. "Hindi ka rin ba makaintindi na tanong ko lang 'yon?" nakangisi kong sabi sa kanya. Tignan mo nga naman, ang taong malakas manira. Triggered. "Wala naman kasi akong ginagawa sa'yo, bakit mo kami sinisiraan ng ganito" umiiyak niya ng sabi. Iskandalosa + Paawa = B E A Kanina, pavictim. Ngayon naman paawa, nice! Sana nag-artista nalang siya, bagay doble kara sa kanya. Ang mabait pagkaharap, pero malakas manira patalikod. Dalawang mukha sa iisang pangalan. "Wala kang gingawa pero pinapakalat mo kung ano-ano." Tumayo ako sa kinauupuan ko. Medyo nawala na ang panginginig ng katawan ko, pero walang niisang luha ang gusto sa mga mata ko. "Wala akong pinakakalat tungkol sa'yo! Hindi totoo 'yang mga pinagsasabi mo, monica!" sigaw niya. Pansin kong nakasarado na ang lahat ng pinto, pati ang mga bintana ay nakasara na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD