Imbis na tanungin nila ako kung ayos lang ba ako, o anong problema ko mas pinili pa nilang siraan ako sa marami. Ang sakit ng dibdib ko, pakiramdam ko ay hindi pa sapat ang ilang taon namin na pagkakaibigan.
Ayos lang naman sana kung harapan nilang sabihin ang problema nila sa'kin, kung anong problema sa ugali o ginagawa ko pero bat humantong pa sa ganito?
Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi. Ang dami ko ng iniisip na problema, dinagdagan pa nila. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko, imbis na sila ang malalapitan ko sila pa ang mas nagpatumba sa'kin lalo.
"Kaya mo 'to, Monica. Pekeng kaibigan sila hindi sila kawalan, tandaan mo!" bulong ko at patuloy na pinupunasan ang mga luha ko na patuloy lang sa pagbagsak.
Hindi mo sila kailangang iyakan Monica. Hindi sila karapat dapat sa luha mong 'yan.
Pinilit kong patahanin ang sarili ko bago lumabas ng cubicle, wala pa rin tao at isang babae ang nakatingin sa'kin. Walang emosyon ang mata niya, walang kahit anong mababasa kahit sa mukha niya.
Seryoso lang siyang nakatingin sa'kin hanggang makalabas ako ng tuluyan sa cubicle.
Pumunta ako sa sink at naghilamos, laking gulat ko nalang ng nasa tabi ko na siya.
"Narinig ko ang mga sinabi mo kanina" mahinahon niyang sabi pero parang may laman ang bawat salita niya. "Katulad mo naranasan ko na yan."
"Yung ano?" maang kong tanong sa kanya, hindi ko siya kilala pero sa tipo palang ng uniform na suot niya ay parehas kami ng course pero mukhang ibang major lang siya.
"Plastik na kaibigan, siniraan at umiyak sa cr" natatawa niyang sabi bago ako hinawakan sa balikat,
"Makakayanan mo 'yan, wag kang papatalo sa kanila. Tanungin mo ang sarili mo kung ano ba ang kinaiinisan nila sa'yo at gawin mo lalo, hangga't mamatay sila sa inggit."
"T-teka, paano mo nalaman?"
"Katulad ng sabi ko kanina, naranasan ko na 'yan. Hindi mawawala sa mundo ang ganyang mga tao, ang hilahin ka pababa hangga't di ka na makabangon pero wag kang mawalan ng pag-asa. Dahil ang mga ganyang tao hindi ka lang kayang lamangan." Natatawa niyang sabi bago tinanggal ang kamay niya sa balikat ko.
"Umiyak ka, hangga't gusto mo umiyak. Namnamin mo ang bawat sakit na binigay nila sa'yo, unti-unti makakatakas ka at makakawala ka sa ginawa nila sa'yo. At doon matutunan mo ang lahat, na hindi lahat ng nasa paligid mo ay totoo at kailangan pag-aksayahan ng oras pati luha." Malalim na sabi niya.
Seryoso pa rin ang mukha niya, wala akong makita na kahit anong emosyon pero ang mga salita niya ay may diin. Tama naman siya, pero sa sitwasyon ko wala akong ibang masamahan.
Sila lang ang tinuturing kong kaibigan, sakanila ko pinaikot halos kalahati ng college life ko. Wala akong ibang masasamahan, wala akong pwedeng iyakan.
"Tandaan mo ang sinabi ko sa'yo, dahil darating ang oras na tatawanan mo sila." Huling sabi niya bago tuluyan ng lumabas ng cr.
Pinunasan ko ang mukha ko, hindi ko siya kilala pero bat parang alam niya ang lahat ng nangyayari sa'kin ngayon?
Lumabas ako ng cubicle at pumunta sa room, sabay-sabay ang irap ng iilan ang nakuha ko pati na rin ang nakangising si Bea at nakataas na kilay ni Rose.
Hinayaan ko sila, wala akong magagawa.
"Ang tagal mo naman sa banyo, chinat kita pero hindi mo sineen" bungad ni Beri sa'kin.
"Ay, pasensya na. Pwede ba na sa inyo muna ako sumama?" pakiusap ko. Kailangan ko talaga ng pwedeng samahan, kailangan ko ng masasandalan pero pakiramdam ko walang pwedeng pagkatiwalaan.
"Actually gusto ka namin dati pa, masipag ka at ang galing mo sa harap ng maraming tao. Kaya bakit naman hindi?" sagot ng isa sa grupo ni Beri na si Jaspher.
Agad naman akong napangiti sa sinabi niya, atleast kahit paano ay may makakasama na ako.
"Salamat!"
Medyo gumaan ang pakiramdam ko kahit paano, mahihirapan akong mag-adjust dahil iba na ang makakasama ko pero mas-ayos 'to.
Mas maayos kung iba na ang magiging kasama ko kesa mag-isa ako na kinakain ng problema ko, o ang makisama sa dating tinuring kong kaibigan pero patalikod akong sinisiraan.
Pumasok ang pangalawa naming prof, nagbigay ng mga sasagutan at agad na umalis.
Wala na kaming next subject dahil may meeting ang lahat ng professor kasama ang president ng school namin.
Kasabay ko si Beri, Jaspher, Joyce at Bryan na lumabas ng school. Buti nalang at parehas kami ng dadaanan ni Bryan pauwi at kahit paano'y may makakasama ako.
"Ano bang nangyari?" tanong ni Bryan. "Bakit ka umalis sa group mo at sumama sa'min? Anong dahilan mo?"
"Nakaraan ko pa gusto lumayo sa kanila, iba kasi ang nararamdaman ko sa tuwing kasama sila o kausap. Kanina nalaman ko na may pinapakalat sila na ikakasira ko, kita mo kahapon hindi pumasok sila Rushielle sabay kanina iba na ang tingin sa'kin. May iba na palang nangyayari," pagpapaliwanag ko.
"Ano ba ang nangyayari?"
"Nalaman ko na pinapakalat nila na sinabihan ko daw sila ng bobo kahapon, totoo naman pero yung maging magmalinis at hindi sinabi ang mga tunay na nangyari at ginawa nila." sobrang nakakasama ng loob.
Sila ang inaasahan ko na makakasama ko hanggang makagraduate pero sila pa pala ang gagawa ng paaraan para sa pagbagsak at pagkasira ko sa ibang tao.
"Oo nga, kahapon ilang beses ka nila pinahiya kahapon. Napailing na nga lang kami kung bat kapa sumasama sa mga ganong kaibigan, masyadong toxic." Kaya pala umiling sila kahapon, kaya pala ganon nalang ang tingin nila.
Atleast alam ko na may mga tao parin kahit paano na concern sa'kin kahit papaano, at sa mga hindi ko pa inaasahan na mga tao ko malalaman 'yon.
"Ayon nga, sinabi nilang biro lang daw 'yon. May biro ba na ipapahiya ka sa harap ng tao at hihilahin ang damit mo para may mapagtawanan, sabay sa bandang huli ako pa ang ginagawa nilang masama" naiinis kong sabi.
Sila lang ang nakilala kong gano'n na tao, mga sanay na mambaliktad at gumawa ng storya na ikasisira ng iba, sana nagjournalism nalang sila total magaling naman sila gumawa ng storya.
"Hayaan mo na sila, mga walang magawa lang yan. Tsaka kahit saan mo tignan lamang ka sa kanila" umiling lang ako.
"Mas lamang sila sa'kin hindi lang nila nakikita, dahil mas inuuna nila akong tignan" totoo. Maswerte sila kumpara sa'kin.
"Hayaan nalang natin" sabi ko para maiwasan ang topic.
Hindi rin nagtagal ay bumaba na ako ng jeep na sinasakyan namin, nakayuko lang akong naglalakad ramdam ang kakaibang kirot sa puso ko.
Ang sakit, masakit pala traydurin ng sariling kaibigan. Ganito pala ang pakiramdam ng nararamdaman ng iba.
"Mabuti umuwi kana agad, heto ang allowance mo. Aalis ako, 'yang allowance para galingan mo sa pag-aaral hindi para lumandi." Bungad ni mama bago ako tinalikuran at lumabas ng bahay.
Mas sumakit ang dibdib ko sa sinabi ni mama, bakit ganito? Bakit parang wala akong kakampi dito sa bahay?
Bakit ganito ang trato nila sa'kin bakit ganito?
Lahat naman ginagawa ko para magustuhan nila ako, para kahit paano ay maging proud sila sakin na maging kaibigan o anak pero bat ganito ang ginagawa nila sakin?
Binaba ko ang bag ko sa sofa at pumunta sa kusina para kumuha ng pagkain, nang mahagip ko ang kutsilyo sa gilid. Kinuha ko 'yon at tinignan ang matulis niyang hasa.
Paano kung patay na ako, makikita ba nila ang mga maganda at paghihirap na ginawa ko?