Four years later... ABALA sa pag-aasikaso ng almusal si Jianna. Pero maya't maya naman ang sulyap niya sa dalawang anak para bantayan. Nasa counter ang siyam na taong gulang na si Gale habang binabantayan ang mahigit tatlong gulang na kapatid nitong si Sofia na nakaupo naman sa high chair. Kahit may tatlong katulong sila sa bahay na iyon, mas gusto pa rin ni Jianna na siya ang personal na nag-aalaga sa kaniyang pamilya. Iyon na ang pinagkaabalahan niya simula nang ikasal sila ni Marsean at sa America na sila nanirahan. Sa abroad na rin ipinagpatuloy ni Gale ang pag-aaral nito. Si Marsean naman, ang mga negosyo nito sa America ang pinagtuunan ng pansin para magkasama pa rin daw sila palagi. Doon na rin siya nanganak sa bunso niyang si Sofia. Pero kahit gaano siya ka-busy sa araw-a

