ILANG BUWAN pa ang lumipas at nagpatuloy ang malaking pagbabago ni Marsean. Napansin ni Jianna na habang tumatagal ay palala nang palala iyon. Kung paanong palamig nang palamig na rin ang pakikitungo sa kaniya ng asawa. Mas madali niya sanang matatanggap kung sa kaniya lang nagbago si Marsean. Pero pati sa mga anak nila ay tila nanlalamig na rin ito. Lalo siyang nasasaktan dahil nalulungkot na rin ang mga bata. Lalo na si Gale. Kahit nga si Sofia na wala pang kamuwang-muwang ay halatang miss na miss na rin ang ama. Umiiyak ito at gustong lumapit kapag nakita si Marsean. Pero kahit ang kargahin sandali ang anak ay tila hindi na magawa ng kaniyang asawa. Tulad na lang ngayong umaga ng Sabado. Sabay-sabay silang nag-almusal dahil walang pasok. Pero natapos na lang sa pagkain si Gale na

