HAPPY DAUGHTER

1513 Words

NAKARATING na sila sa bahay ni Luther na hindi na nila muling napag-usapan ang tungkol kay Gale. Pagkatapos niyang sagutin ang tanong nito, hindi na ito kumibo. He just gave her a hug. Kahit ang kanilang anak ay mahigpit din nitong niyakap. Matagal, punong-puno ng emosyon na kahit si Jianna na nanonood lang ay damang-dama iyon. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi rin naman niya magawang itanong kay Luther kung paano nito nalaman na anak nito si Gale. Siguro nga… lukso ng dugo? “Tito Luther, kayo po ba talaga ang tatay ko?” tanong ni Gale sa ama nito bago sila bumaba ng sasakyan. Ang totoo niyan, hindi na mabilang ni Jianna kung ilang beses na iyong itinanong ng kaniyang anak simula nang sabihin nila ang totoo bago sila umalis ng apartment. Kitang-kita niya kung gaano kasaya si Gal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD