“MASAYA ka ba talaga, Luther?” untag dito ni Jianna para basagin ang katahimikan nang hindi siya kumibo sa inaalok nito. Napakurap-kurap naman ito na kanina lang ay titig na titig sa kaniya. “Yes, Ji. Sobrang saya ko na ngayon. Alam mo ‘yong pakiramdam na ang tagal-tagal mong naramdaman na malungkot ka, na nag-iisa ka lang sa mundo. Pero sa isang iglap lang, dahil nakilala mo ang anak mo at nakita mo na ang babaeng alam mong para sa’yo, naging okay na ang lahat?” Bumilis ang t***k ng puso niya nang haplusin nito ang kaniyang pisngi. “I-I’m sorry kung hindi ko agad sinabi sa’yo ang tungkol kay Gale. Natakot kasi ako na baka hindi ka maniwala o baka hindi mo siya matanggap. Hindi ko kayang makita ang anak natin na nasasaktan dahil sa rejection from her dad.” “At bakit ko naman gagawin ‘y

