PAGKATAPOS nilang maghapunan ay naglambing naman si Gale na sama-sama raw nilang panoorin ang paboritong cartoon movie nito. Nang matapos iyon ay saka naman nito nilaro ang mga laruan na inihanda na pala ni Luther sa playroom. Naglambing din ito na bukas na raw sila umuwi dahil gusto pa nitong makasama nang matagal ang ama. Hindi naman niya matanggihan ang kasiyahan ng anak kaya pumayag na siya kahit ito lang ang nadalhan niya ng extra na damit. Si Jianna naman ay sinamahan ng katulong sa magiging kuwarto niya para makapagpahinga raw muna siya. Bigla kasing tumawag ang secretary ni Luther sa Manila. Importante raw. Nagtataka nga siya dahil gabing-gabi na. Gayon man ay pilit niyang iwinaksi sa kaniyang isipan ang hindi magandang eksena na naglalaro sa kaniyang imahinasyon. Hindi porke

