"GUSTO mo pa rin bang kalimutan, Jianna?"
Pakiramdam ni Jianna ay pulang-pula ang kaniyang mukha nang pakawalan ni Luther ang mga labi niya.
Sandali lang naman ang halik na iyon ngunit sapat na para mabuhay ang pagnanasa na matagal ng natutulog sa sistema niya.
She felt cheap habang nakatingin sa binata na naka-one night stand niya noon at boss na niya ngayon.
God! Bakit kasi sa dinadami-dami ng magiging boss ko sa mundo, siya pa?
"Well, okay lang naman sa'kin kung ayaw mo pang kalimutan ang nangyari sa atin noon," untag sa kaniya ni Luther. "We're both single anyway."
Napatitig siya rito.
Hindi niya alam kung bakit parang tumalon ang puso niya sa nalamang single pa rin ito. Gusto sanang itanong ni Jianna kung ano ang nangyari sa kasal nito noon. Ngunit nahihiya siya na malaman ni Luther na pinakialaman niya ang cellphone nito noon.
Tumikhim siya. "Paano mo naman nasabi na single pa ako?"
Ngumisi ito. "Nakita ko sa employee's record mo."
Kumabog ang dibdib niya.
Kung binasa pala ni Luther ang profile niya sa kumpanya nito, ibig sabihin, alam na rin nito na may anak na siya?
Ano naman ngayon kung malaman niya ang tungkol kay Gale? Hindi naman niya siguro iisipin na anak niya ang anak mo. Unless, makita niya... sabat naman ng isipan niya.
"Hindi porke't single pa ay puwede mo na akong halikan ano mang oras na gustuhin mo, Sir," nakasimangot na sagot ni Jianna. "Una po sa lahat, empleyado n'yo ako at boss ko kayo. Pangalawa, m-may boyfriend na ho ako," pagsisinungaling ni Jianna para lang hindi na siya kulitin pa nito.
Nagsalubong ang mga kilay nito. "I don't believe you."
"Bahala na ho kayo kung ayaw n'yong maniwala, Sir," mariin niyang sagot ngunit pinanindigan niya ang pagtrato rito bilang boss. "Ngayon, kung wala na ho kayong sasabihin sa akin, puwede bang bumalik na ako sa trabaho ko, Sir? Ayaw kong ma-late at maapektuhan ang magandang record ko sa kumpanya n'yo."
"Kasama mo ang boss mo kaya hindi masisira ang record mo, Jianna," sagot nito habang matiim na nakatitig sa kaniya. "At saka isa pa, hindi ko pa nasasabi sa'yo ang pakay ko sa'yo. Tungkol sa pagpunta mo sa main office para magbayad daw ng utang sa'kin. Ikaw 'yong pumasok sa office ko na umalis bigla. Tama ba?"
Napalunok si Jianna. Hindi siya makatanggi dahil may mga hawak na itong pruweba.
"O-opo, sir." Tumango siya. "Actually, anak ko ho ang may utang sa inyo. Binilhan mo raw siya ng—"
"May anak ka na?"
Nagulat din si Jianna. Hangga't maaari nga ay ayaw niya na malaman ni Luther na may anak na siya. Pero lumabas pa rin sa bibig niya.
"Akala ko ho ba binasa n'yo ang profile ko?"
"Yes, I did. Pero na-mislook ko siguro ang tungkol sa anak mo."" Tila dumilim ang anyo nito nang tumingin sa kaniya. "Ang sinasabi mo bang boyfriend ang... tatay ng anak mo?"
Hindi niya kayang magsinungaling sa bagay na iyon. Ayaw din niyang magduda ito kaya umiwas na lang siya ng tingin.
"Pasensya na po, Sir. Pero prefer ko pong panatilihin ang personal na buhay ko separate sa trabaho." Kapagkuwan ay tumingin siya sa suot na orasan. " Malapit na po akong mag-time in, Sir. Okay lang ho ba kung babalik na muna ako sa trabaho ko? Ayaw kong mabawasan ang sahod ko. Sayang 'yon. Promise. Ipapaabot ko na lang ho kay Ma'am Ella ang bayad sa utang ng anak ko."
Lalong tumiim ang titig sa kaniya ni Luther. "Pero bakit sinadya mo pa ako sa opisina ko noon kung puwede mo naman palang ipaabot na lang?"
"Para ho sana personal na pasalamatan kayo, Sir."
"No need for thanks. How about a dinner instead?" sagot nito. "Kahit pagkatapos na lang ng trabaho mo. Bukas pa naman ang uwi ko sa Manila. Para makilala ko na rin ang anak mo. Sa dami kasi ng tinulungan ko na mga bata, hindi ko na sila maalala," kaswal nitong sagot at hindi tonong nagmamalaki.
"Sorry, Sir. Pero wala po kasi dito ang anak ko ngayon. Nasa Laguna," pagsisinungaling niya. "Pero gusto ko hong malaman n'yo na sobrang thankful siya sa inyo. At gustong-gusto niyang bayaran kayo kaya sana tanggapin n'yo ang bayad na ipapaabot ko kay Ma'am Ella."
Kumunot ang noo ni Luther na para bang may inaalala.
At bago pa man nito matandaan si Gale ay mabilis nang nagpaalam si Jianna.
"Excuse me, Sir. Pero kailangan ko na talagang mag-time in." Bahagya siyang yumukod dito at mabibilis ang hakbang na naglakad patungo sa pintuan ng opisina ng manager niya.
Akmang pipihitin na niya ang door knob ng pinto nang marinig niyang nagsalita si Luther.
"If I found out na hindi totoong may boyfriend ka na, mark my words, Jianna. Hindi kita titigilan. Don't think I'll let you get away... again."
Natigilan siya at binalingan ito. "Sir—"
"Call me Luther," putol nito sa sasabihin niya habang nakangiti. "Off you go... before I change my mind."
Kinakabahan na napatitig siya sa binata. Sana hindi ito seryoso.
Akmang lalapitan siya uli ni Luther nang makitang nakatayo pa rin siya sa kinatatayuan niya. Saka lang tuluyang binuksan ni Jianna ang pinto at lumabas habang sapo ang kaniyang dibdib.
ANG akala ni Jiannna ay makakatakas na siya kay Luther pagbalik niya sa trabaho. Kaya nga pilit niyang inabala ang isip at katawan niya. Kahit hindi naman niya trabaho ay ginagawa pa rin niya para lang hindi siya mabakante at sumagi na naman sa isipan niya ang binata.
Lalo na ang paghalik nito sa kaniya kanina.
Hiling din ng dalaga na sana ay hindi na maisipan ni Luther na dumalaw pa sa department store.
Ngunit nabigo siya sa hiniling niyang iyon dahil habang abala sila ni Vincent sa pag-aayos ng mga produkto nila bago sila mag-out, nagulat si Jianna nang makita si Luther na nakatayo sa likuran nila at mukhang kanina pa nanonood sa kanila.
"Ako na ang bahala diyan, Jianna. Magpahinga ka na lang," malambing na wika ni Vincent sabay kuha ng pabango sa kamay niya at sinadya pa yatang hawakan ang kamay niya. Wala itong kamalay-malay sa presensiya ng boss nila kaya ang lakas ng loob na landiin siya. "Alam mo naman na ayaw kong napapagod ka..."
Palibhasa natulala sa biglang pagsulpot ni Luther kaya hindi agad nakahuma si Jianna. Ni hindi niya nagawang bawiin ang kamay niya na hawak-hawak ni Vincent.
Gabi na pero bakit nandito pa rin siya?
Napatitig si Luther sa mga kamay nila ni Vincent bago ito tumingin sa mga mata niya at nagtaas ng dalawang kilay.
"Ano'ng nangyayari dito? Bakit magkahawak-kamay kayo? Kasama ba iyan sa trabaho n'yo?" medyo mataas ang boses pero parang may pagpipigil na tanong nito.
MABILIS na binitiwan ni Vincent ang kamay ni Jianna nang makita si Luther. Matagal na ito sa trabaho kaya isa ito sa mga nakakakilala sa boss nila.
"S-Sir Luther, good evening po," halata ang kaba sa boses na wika ni Vincent. "Pasensiya na ho kayo. Hindi ko ho sinasadyang hawakan ang kamay ni Jianna. Hindi rin ho kami nagliligawan dito. Alam ko ho na bawal iyon sa oras ng trabaho."
Lihim na napailing na lang si Jianna habang nakikinig kay Vincent na dinedepensahan ang sarili. Isa iyon sa mga rason kung bakit hindi man lang siya nagkagusto rito kahit katiting. Kayang manlaglag ng mga kasamahan, huwag lang masira sa trabaho.
Samantalang tahimik lang ang dalaga. Nakikiramdam kay Luther na bakas ang galit sa mukha habang nakatingin kay Vincent.
Kung tutuusin, wala naman talagang masamang ginawa ang katrabaho niya. Para sa mga hindi nakakaalam na nanliligaw ito sa kaniya, parang normal lang na nahawakan nito ang kamay niya dahil kinukuha nito ang pabango.
Kaya nga nagtataka si Jianna kung bakit ganoon na lang kasama ang timpla ng mukha ng boss nila.
"Alright. You know the rules here. Bawal ang ganiyan. Don't let it happen again," seryoso at puno ng awtoridad na sagot ni Luther. "Sige na. Bumalik ka na sa trabaho mo."
Nang tumalima si Vincent ay susunod naman sana si Jianna para makaiwas sa boss nila.
Pero pagkatalikod pa lang niya ay tinawag na siya nito kaya napilitan siyang bumalik. Ayaw naman niyang ipahalata sa mga katrabaho niya na may nakaraan sila kaya umaktong kaswal ang dalaga.
Mas lalong walang dapat na makaalam na ang boss nila ang ama ni Gale na matagal ng gustong malaman ng mga ito.
"Dito ka pala naka-assign, Jianna," kaswal na komento nito habang magkaharap sila. Pormal ang mukha nito habang nakasuksok sa magkabilang bulsa ang dalawang kamay.
He looks intimidating but he's still drop-dead gorgeous. Lalo na ang kaguwapuhang taglay nito.
Tumango siya. "Yes, sir."
"Good. So how's the perfume sales going?"
"Maganda po ang sales ng mga pabango natin, Sir," magalang na sagot ni Jianna. Napansin niya na nakatutok sa kanila ang halos lahat ng mga kasamahan niya sa trabaho kaya lalo pa niyang ginawang kaswal ang bawat salita at kilos niya. "We've exceeded our target for this month po."
"Glad to hear that. Sasabihin ko sa HR na dagdagan ang bonus mo this month," nasisiyahang sagot ni Luther.
"Thank you, Sir. Pero hindi na po kailangan," mabilis na sagot ni Jianna. "Ginagawa ko lang naman po ang trabaho ko. At saka... hindi lang naman po sa'kin credit ang mataas na sales. Kundi sa lahat po ng kasama ko rito."
Mataman lang siya nitong tinitigan at hindi nagkomento sa huling sinabi niya. Pero siya itong unang nagbawi ng tingin dahil hindi niya kinaya ang titig nitong iyon. Bagay na nagpasilay pa nang munting ngiti sa mga labi ni Luther habang nakatitig pa rin sa kaniya.
"Ano bang pabango ang bagay sa isang babaeng kagaya mo?" halos pabulong nitong tanong kapagkuwan.
Sigurado naman si Jianna na hindi iyon narinig ng mga kasamahan niya pero pinamulahan pa rin siya ng mukha.
Doon na nagsalubong ang mga kilay niya. "B-bakit po, Sir?"
"Gusto kong malaman para makabili ako ng regalo sa isang espesyal na tao."
Bakit ba niya iniisip na para sa kaniya ang pabango na tinatanong nito? Para namang hindi na siya sanay sa mga customer na hinihingi ang personal na opinyon niya sa mga pabango bago bilhin.
Lumapit si Luther sa mga naka-display na mga pabangong pambabae. At dahil nasa likuran iyon ni Jianna kaya halos nagkadikit na silang dalawa. Parang bigla siyang nawalan ng lakas nang malanghap niya ang mamahaling pabango nito.
Naalala na naman tuloy ni Jianna ang paghalik nito sa kaniya kanina.
"Anyway, no need to answer that. Hindi naman kailangan ng pabango ng taong iyon. Sa natural na amoy pa lang niya, nababaliw na ako," bulong uli ng kaniyang boss at sinadya pang dumikit sa kaniya habang kunwaring inaabot ang isang pabango na nasa dulo.
Lalong nawalan ng lakas ang mga tuhod ni Jianna. Animo'y kinikiliti ang kaniyang pagkab*b*e sa mainit na hininga ni Luther na tumatama sa kaniyang mukha.
"Sabay na tayong umuwi. Hihintayin kita sa labas mamaya," mahinang saad uli nito.
"H-ho? Hihintayin n'yo ako?"
"You heard it, right. Sinabi ko naman sa'yo na kapag napatunayan kong wala ka pa talagang boyfriend, hindi kita titigilan." Sumilay ang munting ngiti sa mga mata at labi ni Luther. "Nagtanong-tanong na ako kaya hindi ka na makapagsinungaling pa sa'kin, Jianna."
Kung wala lang nakatingin sa kanila sa mga oras na iyon, inirapan na niya ang boss niya.
"Ano ba talaga ang kailangan mo sa'kin, Sir?" mahina pero bakas ang inis sa boses ni Jianna.
"Sinabi ko naman sa'yo na na-miss kita." Mula sa kaniyang mga mata ay bumaba ang tingin ni Luther sa mga labi niya, bagay na sandaling nagpapigil sa kaniyang paghinga. Sandali lang naman iyon bago muling ibinalik ang tingin sa mga mata niya. "At alam ko rin na na-miss mo ako, Jianna. I can feel it."
Lihim siyang napalunok.
Hanggang kailan siya magpapakatatag sa harapan ni Luther at magpanggap na hindi na apektado sa presensiya nito? Hanggang kailan niya lalabanan ang pagnanasa sa nakaraan na unti-unti na namang nabubuhay sa muli nilang pagkikita?
"Pasalamat ka at boss kita. Dahil kung hindi, kanina ko pa tinadyakan ng heels 'yang paa mo," mahina pa rin pero galit na sagot ni Jianna.
Sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi nito. "Basta hihintayin kita sa labas mamaya. At huwag mo subukang iwasan ako, Jianna. Nakalagay sa profile mo kung saan ka nakatira ngayon."
Kinabahan siya sa huling sinabi nito. Paano kung pupuntahan nga siya nito at makita nito si Gale?
"See you later, angel," pasimpleng bulong nito na nagpatayo sa mga balahibo ni Jianna. "And one more thing. Huwag ka na uli magpahawak ng kamay sa lalaking iyon kung ayaw mo siyang tanggalin ko siya sa trabaho. Bakit? I'm jealous," pahabol pa ni Luther bago tuluyang umalis.
Ilang minuto rin bago muling nakahuma si Jianna. Papalayong likod na lang ng kaniyang boss ang nakita niya bago bumalik sa isip niya ang huling sinabi nito.
Bakit? I'm jealous.