UNANG HALIK SA MULING PAGKIKITA

1911 Words
“HOY, JIANNA. Magkano raw iyang pabango na hawak mo?” Awtomatikong naputol ang pagbabalik-tanaw ni Jianna nang tapikin siya ng kasama niya sa trabaho na si Celine. Muntikan pa niyang mabitiwan ang babasaging pabango na hawak niya. Mamahalin pa naman iyon. “H-ha?” Napakisap-kisap ang dalaga. Bigla siyang nataranta nang makita ang babaeng customer na nakatayo sa kaniyang harapan. “A-ah, i-ito po ba—” “Hay, naku. Ano ba ‘yan? Wala sa sarili ang saleslady n’yo rito!” mataray nitong sagot, sabay alis. Nakagat na lang ng dalaga ang kaniyang labi. Aminado siya sa pagkakamali kaya dapat lang na mainis sa kaniya ang customer. Dahil kanina pa siya tulala kaya hindi niya ito napansin agad. Ang totoo niyan, ilang araw na simula nang bumalik sila mula Maynila. Ilang araw na rin siyang wala sa sarili. Ilang araw nang hindi maayos kahit ang pagtulog ni Jianna dahil sa paulit-ulit na pagbalik ng nakaraan. At lahat ng iyon ay nagsimula nang malaman niya ang totoong pagkatao ng boss niya. “Ano ba kasi ang nangyari sa’yo at napansin kong ilang araw ka ng parang lutang?” muling untag sa kaniya ni Celine. “Sayang tuloy ‘yong customer natin. Tingnan mo, o. Sa ibang brand bumili.” “Sorry. Malapit na kasi akong magregla kaya siguro parang pagod na pagod palagi ang pakiramdam ko,” pagdadahilan ng dalaga. Bagaman at totoong ganoon naman talaga ang pakiramdam niya kapag malapit na siyang magkaroon ng menstruation. “Oo nga pala. Sabay nga pala tayo palagi,” sabi naman ni Celine. “Basta ayusin mo na lang ang trabaho mo bago ka pa mapansin ng manager natin o kaya ay mawalan tayo ng mga suki.” Tumango lang ang dalaga. Sinubukan niyang alisin sa isipan niya ang nangyaring iyon sa Isla Aurora at sinikap na mag-focus na lang sa trabaho. At nakaraos naman siya bago mag-lunch break na hindi na uli ginugulo ni Luther ang isipan niya. “Jianna, pinapatawag ka ni Ma’am Ella. Pumunta ka raw sa office niya pagkatapos mong kumain,” sabi sa kaniya ni Celine habang palabas na siya ng canteen. Ang manager ng department store na si Ma’am Ella Mortel ang tinutukoy nito. Bigla siyang kinabahan. “B-bakit daw? Tungkol kaya ito sa customer ko kanina?” “Hindi ko alam, eh,” kibit-balikat nitong sagot. “Wala namang sinabi si Ma’am.” “Sige. Salamat.” Habang naglalakad papunta sa opisina ng manager niya ay kabado pa rin si Jianna. Panay ang dasal niya na sana hindi tungkol sa nagalit na customer kanina ang dahilan ng pagpapatawag sa kaniya ng manager. Mabait naman iyon. Pero istrikto lang pagdating sa trabaho. Nasa third floor ang opisina ng manager kaya nag-elevator na lang si Jianna para hindi siya ma-late pagbalik niya sa trabaho. Dahil pribado ang elevator na iyon at mga matataas na empleyado lang ang kadalasang gumagamit kaya wala siyang kasabay nang pumasok siya. Sumandal siya at saka ipinikit ang mga mata. Tahimik siyang nagdarasal na sana ay hindi magalit sa kaniya ang manager. Nahihiya siya sa kabaitang ipinapakita nito sa kaniya tapos hindi niya magawa nang maayos ang trabaho. Naramdaman niya na bumukas ang pinto kaya dumilat si Jianna. At ganoon na lamang ang pamimilog ng kaniyang mga mata nangg makita ang lalaking pumasok. Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi matulala sa guwapong mukha na iyon. It’s been five years. And it was just one night. But heck! Bakit tandang-tanda pa rin niya iyon? Hiling ni Jianna na sana ay namamalik-mata lang siya ng mga sandaling iyon. Pero mukhang imposible dahil hindi ito nawala sa harapan niya kahit ilang beses man siyang kumisap. Napatingin pa ito sa kaniya nang mapansin ang presensiya niya. Sana hindi niya ako matandaan. “Kristina…” mahinang sambit nito sa pangalan niya habang titig na titig sa kaniya. D*mn! Walang duda na natatandaans pa siya ni Luther dahil sa pangalang ipinakilala niya rito noon. Magmumukha lang siyang timang kung magpapanggap siyang hindi ito kilala at hindi siya ang taong tinutukoy nito. Huminga muna siya nang malalim at ibinalik sa huwisyo ang sarili bago ngumiti rito. Ipinakita niya sa kaniyang magandang mukha na naalala pa niya ito pero hindi ang nangyari sa kanila noon. Kahit pa nga sa kabila niyon ay nakakaramdam na siya ng panghihina ng mga tuhod. “Luther, right?” mahinang sambit din ni Jianna. Tumango ito. “’Buti naman at naalala mo pa ako. It’s been five years.” Siyempre naman. Ama ka ng anak ko, eh! “Ano ang ginagawa mo rito?” imbes ay tanong niya. Nagpanggap na lang siya na hindi niya alam na ito ang boss niya. Para hindi siya mahirapang harapin ito sa mga oras na iyon. Lumapit ito sa kintatayuan niya at sumandal din. Hindi naman sila magkadikit. Pero dahil maliit lang ang espasyo sa loob kaya pakiramdam ni Jianna ay lalong sumikip ang paligid niya. “Bumibisita.” Nakita niya sa gilid ng kaniyang mga mata na binalingan siya ni Luther. “Ikaw, ano ang ginagawa mo rito? Akala ko taga-Cebu ka.” Wala siyang natandaan na nasabi niya rito noon kung taga-saan siya. Pero baka nabanggit iyon ni Margarita sa naging boyfriend nito roon. “Dito ako nagtatrabaho,” kinakabahan pa rin niyang sagot. She cleared her throat. “Saleslady.” “Wow. Small world, huh?” Ilang minuto ang dumaan na walang nagsalita sa kanilang dalawa. Pero sa isip ni Jianna ay hindi niya maiwasang tanungin naa naman kung paano naging may-ari ng isang mall ang dating mangingisda lang na si Luther. “Ang layo naman yata ng napuntahan,” komento ng binata pagkalipas ng ilang sandali. “May mga branch din sa Cebu itong mall. Mas malalaki pa.” Dahan-dahan niyang binalingan ito. Her heartbeat doubled when she saw him looking at her. Pilit niyang ibinuka ang bibig para muling magsalita. “M-mas gusto ko kasi rito. Mas tahimik kaysa sa malalaking siyudad.” “Akala ko dahil hinahanap mo rin ako.” Lihim siyang natigilan. Akala ko dahil hinahanap mo rin ako. Bakit kung magsalita si Luther, parang sinasabi nito na hinanap siya nito? She smirked. “Taga-Isla Aurora ka. Bakit naman kita hahanapin dito sa Quezon Province?” aniya sa tonong pilit niyang ginagawang kaswal. “At saka… bakit naman kita hahanapin?” “Malay ko bang na-miss mo ako,” sagot ni Luther bago bumaba ang tingin sa mga labi niya. “Kasi ikaw, na-miss kita, Kristina.” Kumabog ang dibdib niya at nagbabadya na namang bumalik sa isipan niya ang nangyari sa kanila noon kay mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Mabuti na lang at bumukas na ang pinto ng elevator. “I’m sorry, Luther. Pero kailangan ko ng umalis. Nice to see you again,” mabilis na saad ni Jianna at dali-daling lumabas. Walang lingon-likod na tinungo niya ang opisina ng kaniyang manager. Pinipilit niyang huwag magpaapekto sa muling pagkikita nila ni Luther. Ilang beses pang huminga nang malalim ang dalaga at paulit-ulit na ikinundisyon muna ang sarili bago siya kumatok. Inaasahan niya ang mukha ng galit na manager nang pagbuksan siya nito pero sa halip ay nakangiti at maaliwalas na mukha nito ang bumungad kay Jianna. “G-good afternoon po, Ma’am,” gayon man ay nauutal pa rin na bati niya rito dahil hindi pa siya nakaka-move on sa muling paghaharap nila ni Luther. “Ipinatawag n’yo raw po ako.” “Yes, I did. May gustong kumausap kasi sa’yo, Jianna. Regarding sa pagpunta mo sa main office.” “H-ho?” Nanlaki ang kaniyang mga mata. At bago pa man siya makasagot ay narinig na nila na may kumatok mula sa labas at ilang sandali pa ay pumasok doon ang taong gustong-gusto na niyang iwasan. Umawang ang kaniyang bibig habang nakasunod kay Luther ang mga mata niya na palapit sa kanila. “Good afternoon po, Sir Luther,” magiliw na bati dito ng manager. “Nandito na po si Jianna Fuentes. Ang isa sa pinakamaganda at pinakamasipag na saleslady ko na gusto n’yong makausap.” Sh*t! Saka lang naalala ni Jianna na ibinigay nga pala niya sa guwardiya at sa secretary ni Luther ang totoong pangalan niya noong pumunta siya sa opisina nito. Pero bakit tinawag pa rin siya nitong ‘Kristina’ kanina at nagtanong pa kung ano ang ginagawa niya roon gayong alam naman na pala ni Luther ang tunay na pangalan niya at kung ano siya sa mall nito. “Thank you, Miss Mortel. Puwede bang iwanan mo muna kami ni Miss Fuentes?” nakangiting baling nito sa manager kaya lalo siyang kinabahan. “No problem po, Sir Luther,” magalang naman na sagot ng manager bago siya binalingan uli. “Anyway, Jianna. Siya nga pala si Sir Luther Fuentebella. Ang CEO-Owner nitong mall. So be good to him, okay?” bulong pa nito bago tuluyang lumabas ng opisina. Namayani ang katahimikan sa loob ng opisina ng manager nang makalabas ito. Hindi siya makatingin nang diretso kay Luther kaya nagbaba ng mukha si Jianna. Kagat ang labi na nilaro-laro na lang niya ang mga daliri sa mga kamay niya na para bang sa pamamagitan niyon ay mapakalma niya ang sarili. Lalo na ang kaniyang dibdib na kanina pa gustong sumabog dahil sa kaba. Si Luther ang unang nagbasag ng katahimikan. “’Kristina’, huh?” Tumawa ito nang pagak. “Kaya pala hindi kita mahanap…” Dahan-dahan siyang nag-angat ng ulo at tumingin dito. “B-bakit mo ba ako hinahanap?” “Because I miss you.” Pagkasabi niyon ay mabilis na hinawakan siya nito sa beywang at isinandal siya sa pader at inilapit ang mga labi nito sa mga labi niya. Agad na naramdaman ni Jianna ang pagkabuhay ng pamilyar na init sa kaniyang katawan nang dumikit sa kaniya ang katawan ni Luther. “S-Sir, bitiwan mo nga ako,” saway niya rito sa boses na walang lakas habang umiiwas ng tingin. “B-baka biglang pumasok si Ma’am Ella at makita tayo.” “And so?” Napalunok siya. “B-baka kung ano ang isipin niya. Ayaw ko hong matanggal sa trabaho.” Hinawakan nito ang kaniyang chin at pilit na pinaharap dito. “So, sa kaniya natatakot ka. Pero sa’kin hindi?” Umiling siya. “I mean, hindi po gano’n ‘yo, Sir—” “Stop calling me that, Jianna. Gusto kong tawagin mo pa rin ako kung paano mo ako tinatawag habang inaangkit kita five years ago,” wika nito habang matiim ang titig sa kaniya. He laughed amusingly nang makita nito ang pamumula ng buong mukha niya. “Unless, nakalimutan mo na iyon.” “W-wala naman akong amnesia para makalimutan iyon,” nauutal niyang sagot. “Pero iba na ang sitwasyon natin ngayon. You’re my boss now.” “Oo nga,” sagot nito. “But that won’t change the past, though.” “Sir, masiyado ng matagal ang five years. Puwede bang kalimutan—” “Iyon na nga, eh. Limang taon na pero hindi ko pa rin makalimutan, Jianna,” mabilis na giit nito. “At hinding-hindi ko iyon makakalimutan.” Pagkasabi niyon ay saka nagbaba ng mukha si Luther at walang ano-ano na hinalikan siya sa mga labi. Pinigilan ni Jianna ang kaniyang sarili na mapaungol. Ayaw niyang malaman ng binata na apektado rin siya sa nakaraan nila. But a moan still escaped her lips. Napakagat labi siya ng pakawalan ni Luther ang mga labi niya at nakakalokong nginisihan siya. “Gusto mo pa rin bang kalimutan, Jianna?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD