“A-ANO ang ginagawa mo rito?” tanong ulit ni Jianna dahil hindi siya sinasagot ni Luther. Nakatitig lang ito habang nakaluhod sa kaniyang harapan. Umugong na rin ang bulong-bulungan at kantiyawan mula sa mga taong nakapaligid sa kanila, kasama ang kanilang anak, sina Ninang Lara at Nana Olyn. Bagaman at may ideya na siya sa pakulo na iyon ni Luther ay hindi pa rin siya makapaniwala na nangyayari iyon. “T-tumayo ka nga diyan. Nakakahiya,” pabulong niyang saway dito. Pero hindi pa rin ito nakinig sa kaniya. Napangiti pa nga ito habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaniya. “Kailan man, hindi ko ikinahiya ang mahalin ka, angel,” sa halip ay sabi nito kaya lalong lumakas ang hiyawan at nagpalakpakan pa. Pati ang kanilang anak ay nakitukso na rin. “Tatay, ang sweet n’yo naman po kay Nan

