HABANG TUMATAGAL na hindi niya nakokontak si Luther ay palakas nang palakas din ang kaba ni Jianna. Kahit nga si Ma'am Ella ay nag-aalala na rin sa boss nila. "Ano na kaya ang nangyari kay Sir Luther? Bakit hanggang ngayon wala pa rin siya? At bakit hindi natin siya makontak?" Katulad ni Jianna ay ilang beses na rin nitong tinangka na tawagan ang boss. "Ano kaya kung i-report na natin sa pulis? Baka kung anong masama na ang nangyari sa kaniya." "Huwag naman ho sana, Ma'am. Sana ligtas lang si Luther," mangiyak-ngiyak na saad niya. "Pero kung i-report naman ho natin sa police, baka hindi rin tayo pansinin. 'Di ba ho kailangan pa ng twenty-hours bago i-declare na nawawala at hanapin ang isang tao?" "Yes. Pero iba naman ang fiancé mo, Jianna. Hindi siya ordinaryong tao. May mga kilala r

