MABILIS na lumipas ang mga araw. Sa wakas ay sumapit na rin ang pinakahinihintay ni Jianna. At iyon ay ang araw ng kasal nila ni Luther. Bagaman at hindi naging madali sa kanila ang mga nakalipas na linggo dahil sa pagtanggi ni Mr. Wilson na ituloy ang investment nito sa kumpanya ni Luther. Ilang beses itong kinausap ng nobyo at humingi ng tawad. Naintindihan naman daw ni Mr. Wilson ang dahilan kung bakit hindi nakasipot sa meeting si Luther. Pero hindi ibig sabihin daw ay maaapektuhan ang desisyon nito. Buo na raw ang loob ng Filipino-American na negosyante na sa ibang kumpanya na lang mag-invest. Batid ni Jianna na isa iyong malaking kawalan kay Luther, lalo na sa kumpanya nito. Alam din niya na isa iyon sa dahilan kung bakit ilang beses na niyang nahuli na tila tuliro ang nobyo. Pal

